Dingdong Dantes on possibility of transferring to another network: “Depende pa rin, e. Siguro, sa kung saan ako magiging masaya... kung saan ma-maximize ang puwede kong ibigay.”

Madalas matanong si Dingdong Dantes kung wala pa ba siyang planong magpakasal. Kaya naman sabi niya tungkol dito, “Basta kapag tinanong mo ako kung ready ako, as early as twenty-five, ready ako. The thing is, kasi masaya naman ako sa kung ano ang meron. Parang iniisip ko, kung sa standard thing, kailangan ba talaga ng edad? We can all be happy naman kahit wala pa iyon... But of course, time will come, kailangan iyon.”


Kinumpirma ni Dingdong Dantes na hanggang February na lang ang taping nila para sa primetime series ng GMA-7 na Pahiram Ng Sandali.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong, sa pocket presscon ng PPL Entertainment noong Martes, January 29, sa Lola’s Restaurant, sinabi niyang wala nang extension ang pinagbibidahang teleserye.

Aniya, “Ang alam ko, hindi na talaga ie-extend. Ngayon nga, iyong eksena, nagkabukingan na.

“It is really designed lang to be that way, one whole season of sixteen weeks mula noong mag-launch kami noong November.”

Gaano ba kahirap ang naging role niya dito?

“Mahirap, e,” nakangiting sabi ng Kapuso actor.

“Parang sa isang pagkakamali, lahat ng buhay na nakapaligid sa kanya, naapektuhan.

“Kahit hindi mo naman sinadya na ganoon kasama, humiram lang siya ng sandali, nangyari lang… nagkataon lang na mag-ina lang sila.”

Ang tinutukoy ni Dingdong ay ang pagkakaroon ng ugnayan ng kanyang karakter sa roles nina Lorna Tolentino at Max Collins bilang mag-ina.



TWO WOMEN. Sa kuwento ng Pahiram Ng Sandali, talaga bang he’s torn between two women?

Paglilinaw ni Dingdong, “Well, siguro mas hindi torn.

"Kasi, klaro naman sa sarili ko na siya [Max] talaga ang gusto ko mula noon.

“E, umalis siya noong time na iyon kaya may nangyari sa amin [ni Lorna].

“Hindi ko naman alam na magka-konekta sila, e.

“So, kung nalaman ko naman, hindi ko naman gagawin iyon.”

Sa totoong buhay ba ay nakaranas na siya kunsaan napagitna siya sa dalawang babae?

Nangingiting sabi ni Dingdong, “Well, nangyari na, like kung family mo at iyong nililigawan mo.

“Noong panahon na bata ako... ibig kong sabihin, sasabihin ng mommy ko, ‘Huwag kang umalis, may family affair tayo.’

“’Hindi, Ma, kailangan kong manligaw.’”

Ngayon, hindi na?

“Hindi na!” natatawa niyang sabi.



GOOD VIBES. Ang dami namang nagsasabi na kahit bago lang silang pinagpareha ni Max sa Pahiram Ng Sandali ay nakitaan na sila agad ng chemistry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon dito ni Dingdong?

“Well, ako, kahit naman noong una, nakita ko na ibang klase ang dedication niya.

“She really puts everything to work. Parang hindi siya bago—I mean, hindi naman talaga siya bago.

“Pero para isabak agad sa ganoong kabigat na role, kering-keri naman niya and I’m very much impressed.”

Posible kayang dahil pareho sila ng manager kaya wala rin ang ilangan?

“Actually, ako ha, hindi ko naman naisip na pareho kami ng manager [Perry Lansigan].

“Siguro kasi, dahil sa mga gatherings din, I can see how she treats other people.

“Sa iba rin namang tao, hindi rin naman sila pareho ng manager but she’s very accommodating.

“So, mas masaya lang na pareho kami ng manager.”



INVESTOR. Sa naging tagumpay ng huling pelikula ni Dingdong, ang One More Try, sa nakaraang 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF), tinanong ang aktor kung kasosyo ba siya rito ng Star Cinema bilang producer?

“Hindi po. Sayang nga, e,” mabilis niyang tugon.

“Pero alam ninyo, naisip ko rin naman na kung gagawa rin naman ako ng film under my production…

“Parang something na medyo hindi naman drama kasi alam ko naman na marami rin gumagawa ng mga drama.

“Baka rin ayaw nila dahil, siyempre, maganda rin kapag solo. And I didn’t open the idea rin naman.”

Diretsahan namang tinanong si Dingdong, ngayong nakakadalawang pelikula na siya sa Star Cinema, wala ba siyang planong lumipat ng network—mula GMA-7 papuntang ABS-CBN?

Tugon ni Dingdong, “Mahirap isipin iyong mga ganyang bagay kasi, ako ngayon, sobrang overwhelmed pa rin ako sa mga nangyari… na nakuha ko iyong award na iyon under their production."

Ang tinutukoy ni Dingdong ay ang back-to-back MMFF Best Actor awards niya para sa Segunda Mano (2011) at One More Try (2012), na parehong iprinodyus ng film arm ng Kapamilya network. Bagamat sa Segunda Mano ay co-producers sila ng co-star niyang si Kris Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, para sa akin, una muna doon ang kasiyahan, katuwaan.

“Kumbaga, kung mag-level up pa ako sa ibang ano, e, that’s a different story.

“Sa ngayon, masaya ako sa nabigay nila, okay na sa akin iyon, kumbaga.”

RIFT. Sa One More Try, nakasama ni Dindong bilang leading ladies ang Kapamilya stars na sina Angelica Panganiban at Angel Locsin.

Hindi siya nakaligtas sa tanong ng ilang entertainment press sa diumano’y “away” sa pagitan ng dalawang aktres noong sinu-shoot pa raw nila ang movie.

Saad ni Dingdong tungkol dito, “Well, siguro ang masasabi ko lang, while shooting for exactly a year, I didn’t see anything para masabi ko that they are not in good terms.

“In fact, iyong pinaka-proof na puwede kong i-share, one of our last scene, nasa Baguio.

“That was November and we were complete. We even had a group shot together and it was her birthday, si Angge, si Angelica.

“Nagkaroon ng parang sort of... nagpakain siya after midnight and we’re all there—they are cool.

“Para sa akin, I’m safe to say na that was my last recollection of seeing them and seeing the cast na masaya.

“So, para sa akin, wala akong iisipin na may bahid.”

Noong nagpo-promote sila?

“Kasi po, hindi naman kami kumpleto noong promo.”

Noong victory party nila ay doon na raw may tension?

“Um-exit ako nang maaga kasi may pupuntahan pa rin ako,” ang nakangiting sabi naman ni Dingdong.

Noong malaman na niya may away at tensiyon diumano sa pagitan ng dalawang Kapamilya stars, ano ang naging reaksiyon niya?

“Ako po kasi, ayokong isipin, ayokong intindihin.

“Basta sa akin, I will always have good memories of seeing us four, together.

“So, sa akin iyon ang importante. And besides, my opinion won’t matter.”

Bukod kina Dingdong, Angelica, at Angel, nakasama rin sa One More Try si Zanjoe Marudo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



INDEPENDENT CONTRACTS. Nalaman din ng PEP mula kay Dingdong na sa ngayon, ang kontrata niya sa GMA-7 ay sa TV lang at wala siyang kontrata sa film arm nitong GMA Films.

Aniya, “Sa GMA Films naman, mga ibang type of films naman ang ginagawa namin.

Aswang [Tiktik] was released through them.

"So far, hindi pa kami nakapag-usap.

“Ako naman, kapag nakipag-usap sa kanila, one project at a time. Kung maganda, e, di sige.

“Kung tingin ko hindi para sa akin, puwede namang iba."

Pero paglilinaw rin niya, "And iyong network contract naman kasi, it encompasses everything.

“At saka, yung exclusive, I am really exclusive with GMA naman. Parang ganoon po iyon.”

Mag-e-expire na ngayong taon ang kontrata ni Dingdong sa GMA-7. Tinanong siya ng PEP kung may offer ba sa kanya ang ibang network.

May mga usap-usapan kasi na matagal na raw na may offer sa kanya ang isang malaking network.

Nakangiting sagot ni Dingdong, “Okay naman ako. Sobrang happy pa naman ako.

“With regards to the offer, siyempre, iyong manager ko ang nakakaalam kung saan ako makakarating.

“Siguro naman, darating din ang time at maging posible siya.

“It’s just a matter of kung... nama-maximize ko rin ang gusto kong gawin sa GMA, hindi ko pa naman nakikita iyon.”

Dugtong pa niya, “Kung nagawa ko naman sa ibang network ang mga pelikula, in a way, parang ganoon din iyon, di ba?”

Paano kung very tempting ang offer?

“Depende pa rin, e. Siguro, sa kung saan ako magiging masaya... kung saan ma-maximize ang puwede kong ibigay.”

UPCOMING FILMS. Ang pelikula niya ngayong taon ay ipu-produce ng Viva Films at ang isa naman ay siya ang nag-produce.

“I think, yes. Pero meron pa pong isang lalabas. Matagal ko nang ginawa, 2009 pa.

“Yung Dance of the Steel Bar pa rin yata ang title and GMA Films will release it, I think, this March.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawa namang pelikula ang nakapaloob sa non-exclusive contract niya ngayon sa Viva Films, at malapit na niyang simulan ang unang pelikula niya rito.

Kuwento ng aktor, “Wala pang specific na gagawin. Although, may ibinigay silang script sa akin noong nag-sign ako.

“Pero, hindi ko pa alam kung matutuloy dahil sila naman nina Perry [Lansigan] ang mag-uusap.”

Puwede ba siyang mag-request ng leading lady niya?

“Puwede naman,” kumpirma ni Dingdong.

“Noong nag-usap kami, parang ang gusto nila, with Anne [Curtis], pero hindi ko lang alam kung matutuloy siya o iba.

“So far, hindi pa nababanggit sa akin.”

Kung sakali, gusto ba niyang makapareha si Anne?

“Of course, of course," sambit ni Dingdong.

“Siyempre, that’s the reason also why I signed up with them because they also have their pool of artists na hindi ko pa nakakatrabaho.”

Ang Agostodos Pictures, na sariling production outfit ni Dingdong, ay nagpa-plano na rin daw ng follow-up nila sa Tiktik: The Aswang Chronicles.

Masasabi niya bang nabawi naman ang ipinuhunan nila sa pelikulang iyon?

“Definitely, may kinita po siya—breakeven tapos may kinita siya. Happy naman lahat,” nakangiti niyang balita.

Ano ang plano nilang susunod na ipo-produce?

“Well, siguro working title is Aswang Chronicles 2.

“At saka, this time around, ang dami naming natutunan sa una.

“Kumbaga, magba-bank kami sa mga tamang nagawa.”



WEDDING PLANS. Muli namang naungkat at naitanong kay Dingdong kung wala pa ba talaga sa plano nitong magpakasal.

Sabi naman niya, “Hindi ko alam, e. Basta kapag tinanong mo ako kung ready ako, as early as twenty-five, ready ako.

“The thing is, kasi masaya naman ako sa kung ano ang meron.

“Parang iniisip ko, kung sa standard thing, kailangan ba talaga ng edad?

“We can all be happy naman kahit wala pa iyon...

"But of course, time will come, kailangan iyon.”

Hindi kaya naiinip na sa kanya ang girlfriend niyang si Marian Rivera?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Dingdong, “Tingin ko, hindi, e.

"Tingin ko kasi, ine-enjoy rin niya kung anuman iyong mga biyayang ibinibigay sa kanya.

“Ine-enjoy niya ang trabaho niya, ine-enjoy niya mga binibigay sa kanya.

“So, sometimes, you just have to maximize things first siguro.”

Kamakailan lang ay nabalita na nagkasakit si Marian.

Nauna pa ngang nabalita na na-confine ang aktres, pero nagpa-check-up lang daw ito dahil sa sakit ng ulo. Pero minabuti na rin na i-pack-up na lang ang taping ng teleserye ng aktres na Temptation of Wife.

“Oo, oo, e, nagkasakit siya. Pero, I don’t know kasi if I’m allowed to divulge,” sabi ni Dingdong.

Bakit, malala ba ang sakit ni Marian?

“Hindi naman, pero siyempre may mga technical aspects ‘yan.

"Pero sa ngayon, nagpapahinga pa siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN