BJ Forbes on choosing studies over showbiz: “Di ba, hindi naman lahat ng artista pag-aaral ang pinipili?”

Labis-labis ang pasasalamat ng dating child star na si BJ Forbes sa breaks na .ibinigay sa kanya ng Eat Bulaga!. Sabi niya: “Hindi nila ako pinabayaan, inalagaan nila ako. Sila yung unang nagturo po sa akin kung paano mag-act… lahat! Sila yung nag-build ng confidence ko, sila nag-build ng talent ko.”


Limang taon pa lamang si BJ Forbes nang maging contestant siya sa “That’s My Boy ng Eat Bulaga! noong 2003.

Pagkatapos ay nakasama na si BJ sa mga sikat na commercials at naging mainstay siya sa noontime show.

Dito nagsimula ang showbiz career ni BJ.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “E, siyempre, sobrang thankful po ako, hindi inaasahan, so grateful po ako.

“Nagpapasalamat talaga ako kina Bossing [Vic Sotto] kasi sila yung, kumbaga, umpisa nitong lahat.

“Hindi nila ako pinabayaan, inalagaan nila ako, sila yung unang nagturo po sa akin kung paano mag-act, kung paano… lahat!

“Sila yung nag-build ng confidence ko, sila nag-build ng talent ko po.”

Bakit ba siya umalis sa GMA-7?

“Ano po, e, nag aaral po kasi ako, e. Every day po yung Eat Bulaga! so hindi po kaya ng schedule.”

Nagpaalam naman daw siya nang maayos.

“Opo naman. Sabi naman nila, welcome po ako, na anytime puwede naman po ako doon.

“Welcome naman po ako kasi family naman po yun, e.”



CHILD STAR. Masaya rin si BJ para kay Ryzza Mae Dizon na tulad niya ay child star na nagsimula sa Eat Bulaga!.

Si Ryzza Mae ang nagwagi bilang Little Miss Philippines 2012.

Sabi ni BJ, “Siyempre proud ako doon. Yung iba, siyempre sasabihin, ‘Uy natatabunan ka na ni Ryzza!’

“Hindi, sobrang proud ako kasi family po yun, e.

“Kumbaga, may bagong miyembro yung pamilya namin sa Eat Bulaga!.

“So sobrang proud ako tapos hindi niya pinapahiya yung Eat Bulaga!. Sobrang talented niya pong bata.

“Nakita ko po siyang umarte sa Magpakailanman, may talent din po, marunong din siyang sumayaw.

“So wala akong masasabi, sobrang nagpapasalamat ako, iyon yung kinuha nila Bossing din.”



TO TV5 KIDLAT. Pagkatapos manatili sa Eat Bulaga! ng pitong taon, umalis si BJ noong 2010, at ngayo’y nasa TV5 na bilang isang freelancer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi po, dito, hindi naman every day po yung show, hindi live, so hindi po makakasagabal [sa pag-aaral].”

Ang Kidlat na pinagbibidahan ni Derek Ramsay ang show na tinutukoy ni BJ kung saan isa siya sa cast members.

Ano ag pinakaunang show niya sa TV5?

“Noong hindi pa po si Sir Manny Pangilinan yung may-ari ng TV5, nandito na po ako.

“So nagkaroon po ako ng Toogs, reality show po, ako po yung host... may challenges, may ganyan.

“After, noong kay Sir Manny na po, yung Nagbabagang Bulaklak, My Driver Sweet Lover, Sunday Funday, tapos ito po ngayon, yung Kidlat.”

Gumanap siya sa Kidlat bilang batang Derek Ramsay kung saan napanood siya sa loob ng dalawang linggo.



FREELANCER. Since November of 2012 ay si Rams David ang tumatayong manager ni BJ.

Wala siyang exclusive contract sa Kapatid network kaya noong December ay napanood siya sa Maynila ng GMA-7.

After ng appearance niya sa Kidlat, ang stageplay naman na Pedro Calungsod, kunsaan siya ang bida, ang pinagkakaabalahan ni BJ.

Dinala ito sa iba’t ibang eskuwelahan.

Bago ito ay napanood din si BJ sa play na Bona nina Eugene Domingo at Edgar Allan Guzman.

Wala pa raw girlfriend si BJ pero may mga crushes daw siya.

“Pag-aaral po muna,” sabi niya.



MOVE ON. Sa Angelicum College sa Quezon City nag-aaral si BJ bilang second year high school student.

Hindi raw siya nagsisisi na mas pinili niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral kaysa mas mag-concentrate sa pag-aartista.

“Actually, proud po ako sa sarili ko kasi siyempre, di ba, hindi naman lahat ng artista pag-aaral ang pinipili?

“So ako po, gusto ko talaga pag aaral talaga.”

Balak niyang kumuha ng kursong chemical engineering sa kolehiyo.

“Para po maiba naman, kasi iyon po talaga yung hilig ko.

“Pero baka kumuha muna po ako ng film [course] para po may back-up kung sakali, para may kinalaman din po dito sa industry natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN