Ryza Cenon on choosing career over love: “Ay, hindi! Pag-ibig? Sus! Hindi, ah! Hindi ko ipagpapalit ang trabaho sa pag-ibig!”

Dati nang inalok si Ryza Cenon para mag-pictorial sa isang men’s magazine. This time, baka pumayag na siya. Sabi niya: “Open naman ako, e. Kailangan ko lang siyang paghandaan, sa katawan, yung talagang gustung-gusto ko na siya.”


Pang-apat ng kontrabida role na ni Ryza Cenon ang ginagampanan niya afternoon series ng GMA-7 na Sana Ay Ikaw Na Nga.

Ayon kay Ryza, ito na ang pinakamasama niyang papel, so far.

“Oo! Pumapatay siya ng tao, e,” sabi ni Ryza nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Sana Ay Ikaw Na Nga sa Valenzuela.

Hindi naman daw nag-aalala si Ryza na baka ma-typecast siya sa mga ganitong klase ng papel.

“Okay lang,” sabi niya.

Napansin din ng PEP na pumayat si Ryza, para ba ito sa role niya sa Sana Ay Ikaw Na Nga?

“Nagpapayat po ako, para sa sarili ko. Kasi ang dami pong nagsasabi na ang taba ko na... nagdodoble nga po ako sa screen.

“Hindi lang doble, triple!” ang natatawang sabi niya.



LOVELESS. Apat na buwan nang loveless si Ryza ngayon, may chance pa bang magkabalikan sila ng ex-boyfriend niyang member ng grupong Maneouvres.

“Ay, ayoko na siyang pag-usapan, tapos na, e!” mabilis niyang sagot.

Hindi naman daw mahirap maging loveless matapos ang halos anim na taon na may karelasyon.

“Hindi naman, siguro mas okay din. E, minsan daw po, talagang nangyayari yun.”

Nagsalita nang tapos si Ryza na hindi na sila magkakabalikan.

“Alam ko po, kasi sa sarili ko na hindi na, tapos na po yun kaya ayoko na siyang pag-usapan.”

Bitter ba ang hiwalayan nila? Panghihinayang?

“Wala,” kumpiyansa niyang tugon.

Wala raw siyang manliligaw sa ngayon.

“Hindi po kasi ako naglalalabas, e.”

Kaya ba ni Ryza na talikuran ang showbiz career para sa pag-ibig?

“Ay, hindi! Pag-ibig? Sus! Hindi, ah! Hindi ko ipagpapalit ang trabaho sa pag-ibig!”



SEXY PICTORIAL. Ang runner-up ni Ryza sa StarStruck Season 2 na si LJ Reyes ang cover girl ng February 2013 issue ng FHM.

Nabanggit naman ni Ryza na matagal na rin siyang inalok ng magazine para sa isang pictorial. Paano kapag inalok siya ulit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Paghahandaan ko, paghahandaan ko.

“Ayoko pong lumabas na alam mo yun, na hindi ako sigurado.

“Dapat yung gustung-gusto ko talaga tsaka yung katawan ko, handa rin.

“Open naman ako, e. Kailangan ko lang siyang paghandaan, sa katawan, yung talagang gustung-gusto ko na siya.”

Kahit super-daring ang peg ng magiging pictorial niya?

“Actually depende iyon, e, depende sa concept nila.”

Kung alukin siya ulit this year, tatanggapin ba niya?

“Why not?”



INDIE MOVIE. Ninety-eight pounds ngayon ang timbang ni Ryza mula sa dating 110 lbs, at 33-25-34 naman ang vital statistics niya.

Sa isang indie movie, payag ba siyang magpaseksi nang husto?

“Depende po. Siyempre hindi ko pa magawa sa FHM, e, what more pa sa indie?

“Depende po talaga iyon sa story tsaka kung paano yung treatment.”

Si Ryza dapat ang gaganap sa sexy role ni LJ sa indie movie na Intoy Syokoy, pero hindi siya natuloy.

Paliwanag niya, “Actually, sila na yung nag-decide kasi alam nilang hindi ko pa kaya na magpakita.

“At least si LJ, nag-FHM na siya tsaka Playboy, so kaya niya.”

NO COMMENT. Gaya ni Sarah Lahbati ay StarStruck Ulitmate Female Survivor din si Ryza; si Ryza ay sa Batch 2 habang si Sarah ay sa Batch 5.

Ano ang reaksiyon niya sa pag-alis ni Sarah sa GMA-7?

“Ayoko pong mag-comment doon kasi wala naman akong kinalaman doon.”

Isang taon pa lang ang nagagamit ni Ryza sa anim na taong pirmadong kontrata niya sa GMA-7.

May limang taon pa siya sa Kapuso network at kuntento naman siya sa pag-aalaga sa kanya ng GMA-7.

“Oo, wala naman akong problema, e.

“Basta tuluy-tuloy lang po yung trabaho ko, okay na ako doon. Basta hindi ako nababakante.”

Wala naman daw siyang reklamo sa GMA.

“Wala, wala, masaya ako... oo naman. Kumbaga, slowly but surely.

“Mas maganda nga na pa-guest-guest ako, ang dami kong shows, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Papasok din si Ryza sa Indio pagkatapos ng taping niya para sa Sana Ay Ikaw Na Nga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN