Part 1. Dawn Zulueta wants to make Maricel Soriano proud after replacing the Diamond Star in Bukas Na Lang Kita Mamahalin

Dawn Zulueta on working again with Gerald Anderson: "I’m really looking forward to this because nung pinapanood ko si Gerald doing Budoy, talagang napabilib niya talaga ako. Sabi ko, sana magkaroon pa tayo ng chance na makatrabaho kita. Kasi ngayon, nakikita ko talaga kung ano pa ang kaya mong gawin. So, I found that so exciting.”


Aminado si Dawn Zulueta na nabo-bore siya nang walang ginagawa at walang trabaho kaya tinanggap niya ang offer ng ABS-CBN para maging kapalit ni Maricel Soriano sa role bilang nanay ni Gerald Anderson sa upcoming Kapamilya teleserye, ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Matatandaang nawala sa cast ang Diamond Star matapos ang kontrobersiyal na insidenteng nangyari sa pagitan nila ni Gerald.

Pero hindi raw naging madali para kay Dawn ang pagdedesisyon.

“Well, it’s hard, kind of, in the sense na because of the schedule.

“Because I wasn’t really planning on working yet. Ang usapan nga namin ng asawa ko dapat magpapahinga ako ngayong summer, e.

“Kasi nga, busy kami sa kampanya.”

Magiging busy na kasi sila sa pagtakbo ng asawa niyang si Anton Lagdameo sa huling termino nito bilang kongresista ng Davao del Norte. Kaya mag-a-adjust na lang si Dawn ng schedule para magawa niya pa ring makapag-taping at the same time ay matulungan sa kampanya ang asawa.

Patuloy ng aktres, “Pero aaminin ko sa inyo, I was getting anxious, I was getting bored.

“Kasi nga nami-miss ko yung working every day, you know.

“And then we ended work [for Walang Hanggan] last October.

“So, imagine, since November up to now, medyo hinahanap na ng katawan ko yung trabaho. Di ba, napaka-workaholic?

“So, when I asked my husband, I’m glad na he understood.

“Naiintindihan naman niya kung ano rin yung passion ko and he was willing to make the compromise in terms of schedule,” paliwanag ni Dawn.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dawn sa presscon na ibinigay ng ABS-CBN para pormal na ianunsiyo ang pagsali niya sa cast ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Ginanap ito sa 14th floor ng ELJ Building sa ABS-CBN compound noong Enero 28.



MAKING MARIA PROUD. Malaki raw ang pasasalamat ni Dawn sa ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television sa pagbibigay ng panibagong trabaho sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Malaki talaga ang trust na ibinigay sa akin ng network na ito, lalo na rin ng Dreamscape dahil sila ang nagbigay sa akin ng opportunity na noong nangangarap pa lang ako na sana magkaroon ako ng napaka-memorable na role.

“Sana I can be a part of a really unforgettable project.

“They helped make that dream happen because we had Walang Hanggan that became a phenomenal hit.

“And that happened because of ABS-CBN and Dreamscape, yung unit ni Deo Endrinal.

“So, parang ang sabi nga, ako pa ba ang mag-iinarte?

“I mean, na sila naman ang nangangailan at maganda naman talaga yung project.

“Nung pinitch nila yung istorya sa akin, nagandahan talaga ako, lalo na doon sa role ni Maria [Maricel].

“So, sabi ko, I’d like naman to be able to return it also to the network that has truly helped me.

“I really like the role and I really want to do the role because I want Maricel to be proud of me.

“She also prepared a lot sa role na ito para magampanan ito. Some things turned out unfortunately against her.

“But I sure hope na ang lahat ng pagri-research ko ngayon and pag-portray ko ngayon ng role na dapat sana’y para sa Diamond Star, I hope she will be proud of.”

GERALD IS A VERY AFFECTING ACTOR. Umaga bago ang press junket noong hapon, nagkaroon na ng pictorial at look test si Dawn kasama si Gerald.

Kaagad nga raw nilang na-feel ang kanilang mga karakter at naging madali raw ang lahat sa kanila ni Gerald.

Hindi na raw nila kailangan ng adjustment dahil nagkatrabaho na rin sila bilang mag-ina sa pelikulang Catch Me I’m In Love noong 2011.

Kuwento ni Dawn, “It’s so easy for me to feel na anak ko si Gerald, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi sa years pa lang, parang puwede naman talaga akong maging nanay niya, aaminin ko na.

“Gerald also naman kasi is a very affecting actor, so it wasn’t hard for me to get into my role.

“Prior to this, the only time I get to work with Gerald was with Catch Me I’m In Love and it was such a light-romcom [romantic-comedy].

“Wala naman kaming mga eksena na heavy drama.

“So, I’m really looking forward to this because nung pinapanood ko si Gerald doing Budoy, talagang napabilib niya talaga ako.

“Sabi ko, sana magkaroon pa tayo ng chance na makatrabaho kita.

“Kasi ngayon, nakikita ko talaga kung ano pa ang kaya mong gawin. So, I found that so exciting.”

Sa pagkikita ulit nila ni Gerald, napag-usapan ba nila ang isyu kay Maricel?

Sabi ni Dawn, “Ay, hindi, wala. We’re not even on that level.

“Look test lang yun. Nag-hello-hello lang kami.

“So, nagkumustahan lang kami.

“Sabi niya, ‘Tita, ang laki ng ipinayat mo.’

“Sabi ko, ‘Oo nga, e. Siguro kakapuyat lagi.’

“Yun, mga ganun lang, small talk lang.”

Ano ang masasabi niya na ang guguwapo ng nagiging anak niya sa teleserye? From Coco Martin sa Walang Hanggan, ngayon si Gerald naman.

Saad ni Dawn, “I know, I’m so lucky. I really am so lucky.

“You know why? Because every time I look at my son, Jacobo, talagang nai-imagine ko sana lumaki siya na parang si Gerald o yung ganyan din yung katawan parang si Gerald.

“Pag nakikita ko si Coco, sana lumaki rin yung anak ko na parang si Coco na kasing lambing sa kanyang mama.

“Yun, pinapangrap ko yun. Peg sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN