Part 2. Dawn Zulueta says Lucy Torres has nothing to be jealous about rebirth of Dawn-Goma loveteam

Napalaking bonus na raw para kay Dawn Zulueta ang muling pag-usbong ng tambalan nila ni Richard Gomez. Saad ng aktres, "Bonus na iyon kapag talaga naging hit at nagustuhan kami ng mga tao. Napakalaking bonus kaya naman I also owe it to my fans. That’s why I decided to also come back to work because I really want to make them proud also. They say they miss me. They want to see me again on primetime. It’s also for the fans kaya ginagawa ko ito.”


Naging maganda ang pagtanggap ng mga tao sa balik-tambalan nina Dawn Zulueta at Richard Gomez sa ABS-CBN primetime series na Walang Hanggan.

Hindi ba nalulungkot si Dawn na hindi niya kasama si Richard sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin?

Sagot ng aktres, “Well, hindi naman lahat ng fans ay Penguins [tawag sa fans nina Dawn at Richard].

“I’d like to believe that there are fans naman who whether or not their Penguins will still support Dawn Zulueta. Sana naman.

“Well, at least I felt that because when I went to visit some social networking site with my name being floated, was being nominated for this role, I mean wala pa talagang kasiguraduhan kung ako na talaga.

“Marami naman ang nagku-comment na masaya sila para sa akin.

“So, yun na lang talaga ang inaasahan ko na, ‘Sana po lahat kayo na nagsasabing nagmamahal sa akin, sana po maasahan ko naman talaga yung suporta n’yo dito.’”

Ang tinutukoy ni Dawn ay ang pagpalit niya kay Maricel Soriano sa upcoming ABS-CBN primetime series na Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Pero huwag daw mag-alala ang fans nila ni Richard dahil muli rin silang magsasama sa isang proyekto.

“Meron talaga kaming project ni Goma. Kaya lang, siyempre busy rin naman ang tao.

“Alam naman nating lahat na nangangampanya rin siya. Hindi naman siya makakapagtrabaho ngayon, e."

Tumatakbo bilang mayor ng Ormoc City si Richard.

Patuloy ni Dawn, “So, meron muna akong gagawin ngayon, eto nga, Bukas Na Lang Kita Mamahalin, and then this will run for maybe sixteen weeks.

“And then by the time the elections are over, we’ll gonna be discussing our next project.

“Kasi meron naman talagang naka-peg para sa amin ni Richard na ibang project.”

DAWN-GOMA MOVIE. Ano naman ang masasabi niya na may pagsasamahan din daw silang pelikula ni Richard under Star Cinema?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tignan na lang natin kapag nandiyan na.

“I’m just really happy for the opportunity that you are all giving us and the network is giving us.

“Giving us work, giving us opportunity to bring out kung anuman talents na puwede naming i-share.

“Doon lang talaga nagpapasalamat na ako doon.

“Ngayon, bonus na iyon kapag talaga naging hit at nagustuhan kami ng mga tao.

“Napakalaking bonus kaya naman I also owe it to my fans.

“That’s why I decided to also come back to work because I really want to make them proud also.

“They say they miss me. They want to see me again on primetime.

“It’s also for the fans kaya ginagawa ko ito.”

PENGUINS. Inusisa rin ng PEP si Dawn kung ano ang history ng fans nila ni Richard na Penguins at kung bakit sila tinawag na ganito.

“Okay, ang history niyan, para klaro… kasi naisulat na iyan pero mali, e.

“Ang history ng Penguins, yung mga Chard-Dawn fans iyan, na talagang fans ng loveteam namin.

“Every time daw na may ginagawa kami on-screen or off-screen na kinakikiligan nila, nagpe-penguin dance sila.

“Alam n’yo yung penguin dance dun sa Happy Feet? Di ba, ang cute-cute nun?

“So, yun ang ginagawa nila, nagpe-penguin dance sila.

“So, from there, nagkaroon ng transition to penguin style. Kaya they call themselves Penguins.

"Ang cute nga!”



“I-DAWN ZULUETA MO AKO!” Sikat na sikat ngayon ang linyang “I-Dawn Zulueta mo ako!” na pinauso ni Vice Ganda nang mag-guest sina Dawn at Richard sa show niyang Gandang Gabi Vice.

Ano ang pakiramdam ni Dawn dito?

“You know, I feel incredible, super incredible.

“I even thanked Vice when I saw him last Saturday when I guested in Showtime.

“I said to him, ‘Ikaw lang talaga ang may ganyang klaseng influence. Kayang-kaya mong magpauso.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-trending na naman siya [sa Twitter].

“I am very grateful to Vice. Dahil sa kanya, I’m a household name again.

“And not only that, I’m a verb! Salamat kay Vice Ganda!” tawa nang tawang sabi ni Dawn.

Ano naman ang reaksiyon ng asawa niya rito?

“Hindi nga niya maintindihan, e. Sabi ko, ‘Ako rin, hon, hindi ko rin maintidihan e.’

“Si Vice lang ang may kagagawan. Pero natutuwa naman siya.

“Honestly, pag in-interview n’yo siya [Anton Lagdameo], he will really tell you, he’s so proud of me!” natatawang sabi ni Dawn.

Paano naman niya tinatanggap ang mga biro ni Vice sa kanila ni Richard katulad ng sinabi nitong, “Basag na naman ang TV ni Lucy Torres!”?

“Nahihiya naman ako… tabi-tabi naman.

“You know, everything naman with Vice... you know, everything naman is just clean fun.

“And I would like to think si Lucy is also really… she’s such a sport and what a trooper, really such a trooper, hanga ako sa kanya.”

May kailangan bang ipagselos si Lucy?

“Wala, ‘no!” bulalas niya.



GAINING MORE POPULARITY. Dahil sa tinatamasa niyang tagumpay ngayon, nararamdaman pa rin ba ni Dawn ang dami ng fans at supporters niya?

“E, para ngang mas dumami yata ngayon. Hindi talaga ako makapaniwala, manghang-mangha talaga ako.”

Nao-overwhelm nga raw siya sa tuwing nananalo siya sa online popularity polls na kadalasang dinodomina ng mga younger stars.

“Doon talaga ako nagugulat because nakikita mo kung ano talaga yung fan-base, e.

“And these are kids who are young, who have the time to really, you know, go on these social networking sites to vote for you.

“So, amazing, amazing, I really love them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN