LUV U loveteams happy about their show’s fifth season; not worried about new show competing with them

Masaya ang LUV U loveteams na umabot na sa ika-limang season ang kanilang show. Hindi rin nakakadama ng pagkabahala sina (mula kaliwa) Igi Boy Flores, CJ Navato, Angeli Gonzales, Marco Gumabao, Kiray Celis, at Miles Ocampo na may bago na namang teen-oriented show na itinapat sa kanila.


Ngayong buwan ng Pebrero ipinagdiriwang ng ABS-CBN Sunday youth-comedy show na LUV U ang kanilang unang taong anibersaryo.

Kasabay ng pagdiriwang nila, ang ika-walong anibersaryo naman ng kiddie-gag show na Goin’ Bulilit, kunsaan galing ang halos lahat ng teen members ng LUV U cast.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa ilang cast members ng nabanggit na youth-comedy show, halos pare-pareho ang sagot nila na hindi nila akalain na aabot sa unang taon ang LUV U at papasok na ngayon sa kanilang ika-5th season.

Ilan na rin kasing programa ang naging katapat nila pero, masasabing nananatiling matatag ang LUV U sa ilalim ng direksiyon ng mag-amang Edgar “Bobot” Mortiz at Frasco Mortiz.

Sa February 9 na ang magiging anniversary episode ng show.

NEXT TO KATHNIEL’S POPULARITY? Unang nakausap ng PEP sina Miles Ocampo at Marco Gumabao, ang sinasabing marami na ring following sa tatlong loveteams ng LUV U.

Matagal na ring nag-aartista si Miles at isa sa mga "graduates" ng Goin’ Bulilit.

Si Marco naman, bagamat unang programa pa lang nito ang LUV U ay masasabing hindi na bago para rito ang mundo ng showbiz. Anak kasi siya ng dating aktor na si Dennis Roldan.

Kung titingnan daw sina Miles at Marco, tila hindi na lang pang-on-screen ang loveteam nila.

May "something" na nga raw ba bukod sa pagiging magkasintahan nila sa show?

Sagot ni Marco, “For me naman po, kapag palagi kayong nagkakasama, mas lalo kayong mai-in love sa isa’t isa.

“Tingin ko, now po, hintayin ko muna si Miles na mag-eighteen. ’Tapos po, para maging ready na rin po ako.”

“Nakakatuwa naman ang sinabi mo," sabi naman ni Miles kay Marco.

“Pero si Marco po kasi, maalaga. Siyempre, masaya po ako kasi, ngayon lang po kami nagkatrabaho ni Marco," baling naman ng dalagita sa PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First time ko po na magkaroon ng ka-loveteam.

“Masaya naman po ako na siya ang kapartner ko. Kasi, sobrang kumportable na po kami sa isa’t isa.

“At saka, si Marco po kasi, ang maganda sa amin, nagtutulungan po kami.”

Posible ba silang ma-develop?

“Posible naman po. Nagkakasama kami palagi at nakikilala mo ang isa’t isa. Tingin ko naman, it’s possible," sagot ni Marco.

“Siyempre, hindi naman po puwedeng mawala yung kilig," sabi naman ni Miles.

“Pero, yung kilig po naman na yun, yun po ang tumutulong para mas lalo pa kaming ma-inspire sa trabaho namin.

“Yung kilig na ‘yan, normal lang po ‘yan.

“So, masaya at masarap kiligin, lalo na kung ang kasama mo ang kinakikiligan mo.

“Pero, marami rin pong bagay na dapat kakiligan. Pero, opo, si Marco po ang isa roon.”

Sinasabing sila na raw ang susunod sa kasikatan ng Kathniel o ang loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Kapag sinasabihan po kami ng ganoon, ako po, personally, thankful po talaga na sila po yung pine-peg nila [sa amin]," ani Miles.

“Thankful po kami lalo na kay Direk Bobot dahil sila po talaga yung nagbigay ng opportunity na mabuo itong concept na ito.”

Anong pakiramdam na marami na rin ang tumapat sa kanilang show at ngayon, may bago na naman silang katapat, ang Teen Gen ng GMA-7.

Nati-threaten ba sila kapag ganoon?

Sagot ni Miles, “Siyempre po, yung mga nakakatapat po naming show, nakakagulat po na ang daming dumadaan po.

“Ang saya rin sa feeling na ibig sabihin, parang nagagawa po namin na maayos yung trabaho namin.

“Napapasaya po namin ang mga tao. So, yung mga nakakatapat po namin, parang iniisip po namin yun na inspirasyon.

“At mas lalo pa naming ibibigay ang best namin at mapaganda ang episode.”

Sabi naman ni Marco, “Actually, marami pong dumadaang bagong show, nakakakaba rin siyempre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, nakakatuwa na lahat naman po ng napupuntahan namin, nakikita naman namin na nagugustuhan po nila ang ginagawa namin.”


THE COMEDIANS ON THE SHOW. Sina Kiray Celis at Igi Boy Flores ang tagapaghatid ng saya sa tatlong loveteam.

Sila ang masasabing komedyante talaga sa grupo. Pareho ring graduates ng Goin’ Bulilit sina Kiray at Igi Boy.

Away-bati ang drama ng dalawa sa kanilang Sunday youth-oriented show bilang sina Whitney at Rocky.

Ano na nga ba ang mangyayari sa tandem nila?

“Baligtad naman. Si Igi naman ang mai-in love sa akin—hindi palaging ako na lang," saad ni Kiray.

“’Tapos, may mga bagong lalaki sa akin. It’s my turn.

“Pero, may bagong Amerikano na papasok na magkakagusto sa akin.”

“Mas marami kaming episodes po. Magkakaroon din po kami ng summer episodes," dagdag naman ni Igi Boy.

Sina Kiray at Igi Boy, posible kayang magka-develo-an?

Sagot ni Igi, “Actually po, naghihintay lang po ako sa kanyang mag-propose.

“Actually po, yung relationship namin... hindi ba po sa on-screen nakikita ninyo, palagi kaming nag-aasaran?

“Ginagawa rin po namin yun off-screen, pero, as kulitan lang, hindi as away.

“Sabi niya, parang, siguro po, matagal pa pong isipin.

“Pero ako po, iniisip ko muna yung work...kung paano ko bubuhayin.

"Kapag pumasok po ako sa isang relationship, gusto ko, ready ako. May pangbuhay ako sa kanila.”

Nagulat ang PEP sa sinabi ni Igi Boy na ito. Ganoong level ba agad ang gusto niyang relationship?

“Gusto ko po kasi, kapag pumasok ako sa isang relationship, gusto ko, kapag niligawan mo, may responsibility ka na ligawan.

“Siguro nga po, di ba, kapag palagi mong kasama, nagiging close rin?" sabi naman ni Kiray.

“Siguro po, yung closeness namin, hindi napupunta sa love talaga kung hindi sa love na kapatid.

“In real life, ako po talaga ang bully kay Igi. Hindi po siya ang nangbu-bully sa akin," natatawang pagtatapat ni Kiray.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung may bago silang katapat na show na naman, may pressure ba?

“Actually po, nagpapasalamat po kami sa trust na ibinibigay sa amin," ani Kiray.

“Dahil hindi po namin mabibigay ang gusto naming ipakita sa inyo o ibigay, kung hindi n’yo po kami bibigyan ng trust para ipakita.

“At saka, hindi na po namin iniisip ang kalaban, mas focused kami kung paano pagagandahin ang show namin.

“Siguro yung iba, kapag iniisip nila na tatalunin namin yung ganito, kapag bad vibes…

“Kasi ang inuna mo, kapag pangit ang inisip mong una, mas yun ang hindi nagtatagal.

“E, kami, mas iniisip muna namin ang ikakabuti ng lahat.”


THE "SERIOUS" PAIR. Sa tatlong magkakapareha, sina Angeli Gonzales at CJ Navato ang masasabing "seryoso" ang dating ng loveteam sa show.

Kumpara rin sa apat na mas makulit—kahit off-cam—sina Angeli (bilang April) at CJ (bilang Boom) ang tahimik talaga ang personalidad.

Tanong tuloy sa kanilang dalawa, okey lang ba na hindi kasing-hyped na katulad ng loveteam nina Miles at Marco, ang loveteam nila?

“Ang karakter kasi namin dito, kami yung pinaka-stable ang relationship namin. So, parang kami ang nagho-hold doon sa dalawa, kina Camille at JB," banggit ni Angeli sa pangalan ng characters nina Miles at Marco.

“So, parang kami naman yung steady."

“Sa tingin ko, kung ibabalik sa amin yung kuwento na away-bati, tingin ko, sa akin magkakaroon ng problema," sabat naman ni CJ.

Yung feeling na may bago silang katapat na youth-oriented show?

“Overwhelming at thankful. Kumbaga, hindi naman namin iniisip yung mga katapat na show," sagot ni Angeli.

“Lahat naman po ‘yan, friendly competition, e.

“Pare-pareho naman po tayong nasa showbiz.

“So, ang focus lang po namin, nandito kami para magpasaya sa kanila.

“Kung iisipin pa namin ang mga nakakalaban namin, siyempre, mag-iiba yun, di ba?

“So, kami, cool lang kami sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mga ka-age rin namin yun sa showbiz kaya masaya lang kami na tinatangkilik kami ng mga fans namin.”

“Kaya rin po kami tumatagal kasi, sa mga writers namin," sabi naman ni CJ.

“Hindi sila nauubusan ng mga ideas para ma-maintain na maganda yung show namin kaya rin po tumatagal.

“Marami rin pong values na nakukuha like sa family rin po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN