Gabby Eigenmann on getting attracted to other women: “You’re in this business, no point that you don’t get attracted to someone—attraction is normal.”

Galing sa isang broken family si Gabby Eigenmann pero sa halip na magrebelde, namuhay lang daw siya ng nararapat. Paliwanag niya: “Kasi, sabi ko, simple lang naman ang mga pangarap ko sa buhay—simple dreams. I never really aimed to reach for the star.”


Mula sa labing-anim, umabot ng dalawampu’t tatlong linggo ang panghapong serye ng GMA-7 na Sana Ay Ikaw Na Nga dahil sa naging extension nito.

Ang Sana Ay Ikaw Na Nga ay remake ng dating matagumpay na teleserye ng GMA-7 noong 2005.

Ang unang Sana Ay Ikaw Na Nga ay pinagbidahan noon nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia.

Nakausap nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby Eigenmann, ang isa sa lead cast ng Sana... sa opisina ng PPL Entertainment kahapon.

Naramdaman naming masaya siya sa magandang nangyari sa remake ng Sana Ay Ikaw Na Nga.

Sabi niya, “Yung extension namin, halos kalahati na talaga ng season.

So, happy naman kami. Kasi, di ba, ang mga soaps ngayon, three, four months?

“Happy kami kasi, sinubaybayan naman nila. Natuwa naman kami dahil after noon, sinubaybayan pa rin nila ang ibang afternoon soap.

“So, parang it didn’t end in our cycle like Magdalena, Yesterday’s Bride…

“Kumbaga, first kaming umere, pero, almost second to the last to finish…

“Kasi, alam ko, mauuna kami sa Yesterday’s Bride, pero nauna naman kaming umere ng matagal-tagal.

“Natuwa naman kami kasi, we’re filling-in a big shoe. Kasi, original nito… Dingdong Dantes, Tanya Garcia.

“Natuwa naman kami at sinuportahan ng mga tao si Andrea [Torres] at si Mikael [Daez].”



LAST TAPING. Si Gabby ay si Gilbert Zalameda na dating ginampanan ni Eric Quizon sa original na Sana Ay Ikaw Na Nga.

Huling taping na nila ngayong araw na ito pero ayaw niyang i-reveal kung ano ang mangyayari sa karakter niya sa pagtatapos ng soap.

Sabi lang niya, “Medyo baliw-baliw na yata ako ngayon dahil sa pag-ibig ko kay Bernadette, which is Maricar de Mesa.

“E, ang hinahangad ko lang naman when the story started, is to have revenge with Carlos Miguel, which is, Mikael nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Since yung pamilya ni Zalameda, may grudge talaga sa mga Altamonte.

“Well, katulad din noong original, ganoon din naman ang sinimulan.

“Naglagay lang sila ng mga twist—nag-iba lang ng tinahak.

“Hindi naman puwedeng walang ibahin sa original, kasi, kung ganoon, sana, nanood na lang sila ng old soap again.

“Usually naman with remake, there’s another twist and turn,” saad niya.



CHALLENGE. Kung si Gabby at teleserye ang pag-uusapan, ang mga ginawa niya sa Munting Heredera ang pinakamahirap na nagawa na niya.

Katunayan, nanalo siya ng Best Supporting Actor award sa Golden Screen Awards for Television at nominado siya sa Asian TV Awards sa pagganap niya rito.

Puwede bang sabihin na wala nang challenge sa kanya ang ginagawa niya sa Sana Ay Ikaw Na Nga?

Tugon niya, “Every soap naman, I always say it’s always a challenge.

“Kasi, ayokong maging pare-pareho ang atake.

“I’ve been portraying a villain for quite some time, at di ba nga?

“Doon sa Broken Vow, I can’t say lead, but to be a good person.

“Pero, first few weeks lang yun, it ended up, naging masama pa rin ako.

“So, it’s always hard for me, it’s always a challenge.”



VACATION. Natutuwa naman si Gabby dahil ngayong magtatapos na ang Sana..., may mga balitang may follow-up agad na teleserye para sa kanya ang GMA-7.

Kuwento niya, “Naririnig ko meron na raw although, hindi naman ako nagmamadali.

“Kasi, for the longest time, I have been planning to have a vacation.”

Biniro namin si Gabby na unang beses pa lang namin siyang naringgan na magbakasyon, dahil madalas, puro siya trabaho.

Natawa siya at sabay sabi ng, “Ah… hindi. Ito kasi, yung panganay ko, ga-graduate na ng high school.

“So, this coming March, we’re leaving for the States. Anim kami at yun ang plano ko, to go back to the States after eight years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos, first time rin namin with the kids.

“Yung apat na bata, first time nila sa U.S. Noong nagpaalam naman ako kay Perry [Lansigan, his manager], noong una, pinayagan naman niya ako ng dalawang linggo.

“Pero sabi ko, ‘What’s the point? I’m spending… this is not a free trip.’

“At minsan lang naman akong…well, ayoko kasing sabihin na pahinga.

“Ang sa akin lang is a reward for myself. Kasi, automatic vacation ang tawag doon.

“Pero alam mo naman ako, hindi sanay na nagpapahinga. Gusto ko, trabaho lang nang trabaho.”

Bago raw mag-Holy Week ang plano nilang umalis at maximum na na three weeks daw ang magiging bakasyon nila.

“From what I heard nga, may naka-line-up na raw na bago, so, natutuwa naman ako.”


GOOD RECORD. A real family man, hands-on talaga si Gabby pagdating sa kanyang mga anak.

“Growing-up kasi, I came from a broken family but I never took it in a negative way—hindi ako nagrebelde.

“Kasi, sabi ko, simple lang naman ang mga pangarap ko sa buhay—simple dreams.

“I never really aimed to reach for the star.

“You know ang sa akin lang, to have work, to provide and I’m gonna have my own family.

“And if I’ll have my own family, I’m gonna make sure that I’ll call it a family—there’s dad, mom, yung positive.

“Kasi ako, I grew-up na kahit negative yung nasa palagid ko, yun nga, seeing my dad with…well, having brothers with different moms.

“Gayundin with my mom. So, para sa akin, gusto kong ibahin.

“Hindi nga naging negative sa akin. For my other siblings, it did, for a time.

“Ako kasi, bilang kuya, gusto ko, positive and it starts from within.”

Na-curious tuloy kami na walang ibang aktres o babaeng nali-link kay Gabby mula noong nagkaroon siya ng sariling pamilya, hindi ba siya na-tempt sa ibang babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman mawawala yun, e. Pero, hindi ka puwedeng…well, sa akin, life is having choices,” paliwanag niya.

“I chose to have this lifestyle—I chose this path—I chose this way of life.

“And magkamali ka, what’s the point of choosing pa?

“Kumbaga, napili mo na ito ’tapos, mate-tempt ka lang, bakit ka pa namili?”

Hindi rin siya nali-link kahit sa mga co-stars niya, paano niya nagagawa iyon?

“Yes, me and my partner, we’ve been together for fifteen years.

“So, I guess, to me, I’m proud to say it’s been a clean slate.

“Nandoon yung mga dumedemonyo riyan.

“Pero, sayang, e. If I try and go into that world, what’s the point of having a family pa?



STARTED YOUNG. Inamin naman ni Gabby na maaga siyang nagkaroon ng experiences at exposure sa mga babae.

“Sabi ko nga, I started young. Fourteen, fifteen, gumi-gimick na ako.

“I’ve met so many women in my life—yung crazy things as teenager.

“Sabi ko nga, I guess, I’ve done most of it. Why go back again?

“Namali ka na. Kumbaga, this is your destiny… The journey in life.”

Dugtong din niya, “Pero siyempre, hindi mo maiiwasan, ang daming dumedemonyo riyan.

“Pero, I just pray—as much as possible, di ba?”

Naa-attract din ba siya sa ibang artista?

“Oo,” mabilis na pag-amin niya.

“You’re in this business, no point that you don’t get attracted to someone—attraction is normal.”

Sabi rin niya, “Ako kasi, maano ko sa admiration…I admire people not just with their looks but with what they can do.

“Like, you know, I admire people that I work with.

“Like ngayon, I admire the progress and evolution of Andrea Torres, ito ang first major show niya.

“When she was starting, she’s having a hard time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then, when my character came in, kami ang madalas na magkaeksena, she picked up so many things from me.

“Ako kasi, I don’t teach. You just observe and if you need help and you want answers to your questions, I’ll be very supportive.

“Not just naman Andrea, pati si Mikael.

“Pero iyong mga yun na may drive for acting, I admire those people.”



REAL LIFE PORTRAYAL. Bukas ng gabi, si Gabby ang bida sa kuwento ng buhay ni Edward Sese sa Magpakailanman.

Dito raw siya na-challenge talaga nang husto dahil bago sa kanya ang gumanap sa kuwentong mula sa tunay na buhay.

“He’s a construction worker. Nakapag-asawa na yung family ko, hindi tanggap ang asawa ko. Nagkaanak sila… dalawang anak.

“Family man, but then, dumating ang point na wala nang gustong tumanggap sa kanya ng trabaho.

“Mabait siyang ama, mabait siyang asawa. Yun lang, he cannot be a good provider as much as he wants to.

“Kasi, nga, tinanggal siya sa isang trabaho na hindi naman niya kasalanan.

“Then, nakapag-alaga siya ng asong askal. Nauwi niya sa bahay hanggang sa manganak ang aso niya.

“Middle part of the story, nakagat siya ng tuta niya.”

Dugtong pa niya, “Actually, ang story nito is about rabies at kung ano ang effect ng rabies sa tao.

“Sabi nga, a dog can be a man’s bestfriend but if not treated well and well-taken cared of, kahit anoong pet naman, it’s also dangerous to have one.

“So, awareness also. At ang masasabi ko, nag-research ako rito.

“At noong pinanood ko sa YouTube ang mga documentary ng nagkakaroon ng rabies, nag-freak out ako!

“Natakot ako, especially I have a dog.

“Pero yun nga, kapag na-vaccine ka, puwedeng maagapan.”

Challenging sa kanya ang mapapanood sa kanya bukas ng gabi?

“Yes, it’s a first time for me to tackle a role na may something, e. It was a delicate attack for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi mo puwedeng sabihing baliw, kasi, iba yun, e. It was hard for me kaya excited ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN