Daiana Menezes on entering into a pre-nuptial agreement: “Pareho kaming hindi kailangang mag-depend sa isa’t isa. We just have to share what we have.”

Sa planong pagpapakasal ni Daiana Menezes kay Cagayan de Oro Congressman Benjo Benaldo, dalawang lugar ang gusto niyang pagdausan. Aniya, “But I do have a dream wedding… Greece? Santorini is great because that’s something unique, di ba? Dito naman… I would stick with the Mindanao area—Cagayan talaga.”


Nagpalagay ng body enhancers ang Brazilian beauty na si Daiana Menezes para sa bago niyang endorsement.

Si Daiana ang latest brand endorser ng Lady Grace Shapewear Series undergarments.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Daiana sa launching ng Lady Grace underwear series, hindi niya ikinahihiyang sabihin na hindi naman perpekto ang katawan niya.

Aniya, “Hindi naman talaga malaki ang breasts ko.

“Actually, may mga enhancements akong inilalagay dIyan para lang malaking tignan.

“Actually, sinasabi ko talaga sa Lady Grace na bigyan nila ako ng breasts enhancer, yung may silicon para lumaki yung breasts ko.

“Then yung butt ko, gusto ko mas gumanda pa yung shape, kaya nagsusuot ako noong butt enhancer."


TOP ENDORSER. Nagpapasalamat din si Daiana sa mga Filipino entrepreneurs and companies sa pagkuha sa kanya bilang endorser.

“I’m thankful talaga sa mga Pinoy, kasi kahit hindi naman talaga ’ko Filipino, nagtitiwala sila sa akin na kunin akong endorser sa mga products nila.

“Meron akong two different derm clinics na ini-endorse, active wear, bikini, make-up, food—you guys can see it all over—Asian food, lechon, bisquits.

Proud pa niyang sabi, “I was recognized as top endorser of 2012.

“I think it’s the loyalty and the way I carry…how I endorse these brands—each one of them.

“Hindi mo ako mahuhuli na gumagamit ako ng ibang brand once I’m endorsing this certain material or anything.”

Palaging sinasabi ni Daiana na kahit isa siyang Brazilian, ang puso niya ay parang sa isang Filipina. Bakit?

“Because I love the Pinoys, I’m in love with a Pinoy now,” pagmamalaki niya.

“I’ve been going around the world for eight years.

“And when I came to this country, I just felt the love of the people, e. And it’s different.

“Tinuruan nila ako ng English, imagine? That’s a big factor for me because it helps me where do I belong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinuruan rin nila akong mag-Tagalog. It takes hardwork also.”


CITIZENSHIP. Pinag-iisipan ba niyang magpapalit sa Filipino citizenship, lalo’t malapit na siyang ikasal kay Cagayan de Oro Representative Benjo Benaldo?

“If I can get dual [citizenship], I will. Because holding a Brazilian passport have…so much more—actually have [visa] entries to everywhere.

“And then the one you can’t get entries to, it’s so easy to get a visa. So, I will still hold my Brazilian passport.

“At para rin ipaliwanag sa mga tao na I’m not getting married just to get a citizenship ’coz I have a working permit and everything is fixed.

“If I can be dual, I will. But if not, I can still maintain my Brazilian citizenship.

“Pero alam naman nilang Pinay ako by heart, e.”

Ibig sabihin ba nito, magpapalit na siya ng citizenship kung maging congressional spouse na siya?

“Well… malay mo, di ba? Kung puwede at matutulungan ko ang mga Pinoy.

“Kung puwede tayong makakapagpasaya ng mga tao, di ba?

“Actually, mas Filipina nga ako. Natuto akong mag-Tagalog, tinuruan ako ng ibang tao at napapasaya ko naman yung ibang tao sa comedy.

“So, why not in real life, di ba? We share naman all our blessings.”


POLITICAL ISSUE. Hindi kaya gawing issue ng mga kalaban ni Cong. Benaldo sa pulitika ang pagkakaroon nito ng asawang foreigner?

“Meron talagang ganoon, but it helps in a way…it’s positive, e.

“Kasi, they see somebody na hindi taga-rito pero nagmamahal sa isang Pinoy.

“And then being a politician pa, who is very controversial pa, and some people blame politicians for what’s happening to the country, di ba?

“And then somebody who’s not from here is actually liking that person for what he’s doing for the country.

“Parang positive yung dating, e—walang negativity sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang even when they…I remember back then during the SONA [State of the Nation Address], a lot of people was criticizing me, why was I there.

“The only answer for them is, ’Why not?’ I reside here, I pay my taxes, more than any Filipino out there…

“I pay my taxes, I reside here and I have more than the right to know what the country is all about…

“What is the president’s… what the country has...”

Willing ba siyang magpa-convert sa pagiging isang Filipino kapag nakasal na sila ni Congressman o hilingin niyang i-give up ang pagiging Brazilian?

“Well, we have to talk about it. Okey naman sa kanya na I can still hold my Brazilian passport.

“Pero if ever na maging issue ‘yan between the two of us, I don’t think it would be with him… you know what I mean,” saad niya.


EUROPEAN WEDDING. Tuloy pa rin ang naunang plano nilang kasal sa Europe, na ang ama pa ni Daiana ang sasagot sa lahat ng gastos.

Hindi nga lang sigurado si Daiana kung sa France o sa Italy sila ikakasal ni Congressman Benaldo.

Pag-uusapan pa raw nila kung saan mas magiging convenient para sa kani-kanilang mga pamilya.

Trentang tao ang ililipad daw ng ama niya sa kasal, kabilang na ang family members ni Congressman Benaldo.

Kuwento pa ni Daiana, “It’s really a very private wedding which will be happening outside.

“Pero I’m sure, pretty much sure that Cong [palayaw niya kay Cong. Benaldo] wants one wedding here in the Philippines… I think right after. Yun.”

Wala ring ideya si Daiana sa mga detalye ng kanyang wedding, kasi ipinauubaya na niya ito sa kanyang ama.

“I don’t wanna stress myself. Silang bahala doon.

“Since my dad will take care all of it, bahala na ang dad kong mag-isip at gumastos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I do have a dream wedding… Greece? Santorini is great because that’s something unique, di ba?

“Dito naman, I love everywhere in the Philippines. But, I would stick with the Mindanao area—Cagayan talaga.

“Kasi taga-roon si Congressman, pero sa akin, anywhere, puwede, e.

“Like Amanpulo [Palawan]… maganda. Boracay, maganda…beach wedding talaga… maganda!

“Pero I think, we’ll be doing something for everyone to gather.”


BRIDE’S FAMILY’S CUSTOM. Hindi ba kumontra si Cong. Benaldo sa ideyang ang ama ni Daiana ang gagastos sa wedding nila abroad?

“Hindi naman…naintindihan niya kasi. He went to Brazil kaya naintindihan niya yung culture namin.

“Saka come on, it’s easy for him that way,” nangingiting sabi ni Daiana sa pagkakaligtas ng kanyang fiancé sa mas malaking na gastos.

“Kasi the dad of the bride will be the one to pay for the wedding, and that’s good, di ba?”

Si Congressman pa rin ba ang sasagot sa gastos dito sa Pilipinas?

“We don’t intend to make gastos nang todo dito, e. Siguro ang mangyayari, post-party of the wedding.”




LOSING MAID OF HONOR. Nalulungkot lang raw si Daiana sa pagpanaw ng kanyang matalik na kaibigan na manugang ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson na maid of honor sana niya, si Elaine Gallardo-Singson.

Sabi niya, “She was my age and she passed away last December 1. She’ll be my maid of honor sana.

“She was fixing, more or less, everything for me.

“So, I’m still in the grieving stage and thinking kung sino ang magiging part ng entourage.”


SHOWBIZ PLANS. Napag-usapan na ba nila ni Congressman kung paano ang kanyang showbiz career kapag nagsama at bumuo na sila ng pamilya?

“Once I have a child, things will change, right? If I get pregnant I have to stop.

“But I want talaga to keep on working kahit kasal na ako, lalo na pag happy na

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga ang sinasabi ko na, I want to show the people na you can be happy, in love and inspired and still work.

“Nothing can stop you in achieving your dreams, e, Especially, not even your loved one.

“If he loves you, he will accept your work.”

Malilimitahan na rin ba ang pagpapa-sexy niya sa kanyang endorsements?

“Ah… yeah. Actually, that thing goes with maturity naman, e.

“Before, when we’re starting, walang limitasyon talaga, e.

“You don’t really know what you’re doing…you don’t know where it can get you into.

“Sometimes, you start na medyo daring and you are so young.

“But as you grow old, you get mature. Things change and it goes that way when you have a family and it will all change.

“But I think, no boundaries at all. Not with Benjo, he’s a very open-minded guy.”


ADVOCACIES. Kapag nakasal na sila at maging congressional spouse na siya, ano ang magiging public service advocacy niya?

“Actually, we’ve been doing a lot of work, especially, whenever we go places, to people who need help.

“I’m there, so, nakikita mo kung ano ang Pilipinas.

“But not just the side of being an artista. Now I’m seeing… Hindi, napapasaya mo na lang yung mga tao.

“So I can see what they need. Ang sarap, e. Ang sarap nung feeling na napapasaya mo na lang yung mga tao.

“Akala nila yung mga politician, they’re not worried about their own district, what’s happening in their own place.

“But actually, they’re very much aware and well at least… in the case of my fiancé, he knows what his people need, and I’m going with him.

“I’m more into charity right now and hopefully I can focus on that later on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I’ll be given the chance entering to that area, I will…yeah, if I could.”


PRE-NUPTIAL AGREEMENT. Willing ba siya sa isang pre-nuptial agreement?

Nag-isip muna nang matagal si Daiana dahil hindi niya maintindihan sa umpisa kung ano ang prosesong ito.

Ang pre-nuptial ay isang legal na kasunduang papasukin ng magkasintahan bago sila ikasal.

Kasama rito ang kasunduan tungkol sa mga naipundar nilang mag-asawa bago at pagkatapos ng kasal.

May mga ibang kasunduan din kung sakaling magkaroon sila ng legal separation.

“No, we haven’t spoken about it yet ng fiancé ko. I think…when we met, we were both established already, di ba?

I have my own place, I have my own car, I have my own life, my work.

“Wealthy din ang pamilya ko sa Brazil, wealthy rin ang pamilya niya dito.

“So, parang pareho kaming hindi kailangang mag-depend sa isa’t isa.

“We just have to share what we have.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN