PEP EXCLUSIVE. John Lapus on being replaced by Vice Ganda in Girl Boy Bakla Tomboy: "Trabaho ‘yan. Walang personalan diyan."

Bagamat kay John "Sweet" Lapus talaga nakalaan ang pelikulang Girl Boy Bakla Tomboy, naiintindihan naman daw niya kung bakit bigla itong napunta kay Vice Ganda. Saad ni Sweet, "Naniniwala ako na kung di ukol, di bubukol. Kung ano ang para sa akin, mapupunta sa akin. At in fairness naman, agad-agad naman nagsabi ang Viva na iisipan ako ng ibang movie."


Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang gay actor-TV host na si John “Sweet” Lapus tungkol sa balitang si Vice Ganda na ang gagawa ng pelikulang Girl Boy Bakla Tomboy.

Ang pelikulang ito sana ang launching movie ni Sweet.

Noong isang taon pa kasi nabanggit ni Sweet sa kanyang past interviews, lalo na dito sa PEP, ang tungkol sa sisimulan niyang pelikula pagkatapos maging box-office hit ng Moron 5 and The Crying Lady (2012).

Marami na ang nagtangkang kunin ang panig ni Sweet tungkol sa isyung ito mula nang lumabas na si Vice na raw ang magbibida sa Girl Boy Bakla Tomboy.

Ngunit minabuti ni Sweet na huwag muna itong sagutin dahil nais muna raw niyang malinawan ang lahat.

Kagabi nga, February 1, ay nakausap ng PEP si Sweet sa Klownz comedy bar sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

Unang tanong: Kanino ba talaga dapat ang pelikulang Girl Boy Bakla Tomboy?

Simula ni Sweet, “Ito ang kuwento talaga… the concept is from my fairy godmother, screenwriter Mel del Rosario.

“Quadruplets dapat ako dito.

“Nung kinontrata ako ng Viva Films to do my solo launching movie, yun ang nai-suggest niyang concept sa Viva Films na nagustuhan naman ni Boss Vic [del Rosario, Viva big boss] at Direk Wenn.

“Galing ito sa napanood ni Mother Mel na pagpapalit ko ng character sa Moron 5 And The Crying Lady at sa Here Comes The Bride.

“So, sa tanong kung sa akin ba talaga ang project na Girl Boy Bakla Tomboy—yes, para sa akin talaga ‘yon.”



KATHNIEL MOVIE. Pero bakit biglang nabalita sa isang showbiz talk show—at kinumpirma naman ni Direk Wenn sa panayam niya sa PEP—na kay Vice Ganda na ito at makakasama rin dito si Maricel Soriano?

(CLICK HERE to read related story.)

Paliwanag ni Sweet, “Since solo launching movie ko ‘yan, nakiusap kami ng Star Magic sa Viva Films kung puwede paghandaan ko naman muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto din kasi ni Direk Wenn na magpapayat ako.

“Tama naman, di ba? Ang pangit naman kung yung apat na magkakapatid e matataba lahat!” sabay tawa niya.

Patuloy ni Sweet, “Kaya after nga ng Pasko at New Year, nagsimula na akong mag-diet at mag-workout.

“Tamang-tama naman din na may offer ang Star Cinema for me to support the launching movie of the Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. May playdate na kasi sa March ang KathNiel loveteam.

“So naisip namin ng Star Magic na habang naghahanda ako sa Girl Boy Bakla Tomboy, gawin ko muna ang KathNiel movie.

“Aba, sa daming ng fans ng KathNiel, perfect movie ito before i-showing ang Girl Boy Bakla Tomboy.

“Tapos may teleserye din ako ngayon [sa ABS-CBN] na Kahit Konting Pagtingin.

“Gusto ko rin sana kasi pag ginawa ko ang Girl Boy Bakla Tomboy, yun lang ang ginagawa ko para maka-concentrate ako sa iisa lang.

“Mahirap din kasi yung role, kaya nga bigla akong napa-gym at napa-diet para mapaghandaan ko na.

“Nagbabalak pa nga ako mag-one-on-one workshop with my nanay-nanayan na si Eugene Domingo bilang nakagawa na siya ng Kimmy Dora na dalawa ang character niya.

“Ang maganda naman, pumayag ang Viva sa request namin ng Star Magic.”



THE CHANGE. Maayos na raw ang naging usapan, pero ang direktor ng project na si Wenn Deramas ang nag-iba ng isip.

Saad ni Sweet, “Ang naging problema nga, kailangan na ni Direk Wenn na mag-shoot ng Girl Boy Bakla Tomboy.

“Tapos na kasi ang soap niya na Kahit Puso’y Masugatan. So, nasa schedule na niya to do a movie.

“He asked naman my permission na kay Vice Ganda na lang daw niya ipapagawa ang Girl Boy Bakla Tomboy at isip na lang sila ng iba for me.

“Siyempre, wala naman akomg magagawa since hindi pa ako mentally and physically prepared for the project.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung naka-reserve na ang Girl Boy Bakla Tomboy kay Sweet, bakit hindi na lang ibang project ang ibinigay sana kay Vice?

Nabanggit noon ni Vice na isang pelikula lang ang gagawin niya this year—ang Part 2 ng Praybeyt Benjamin. Ano ang nangyari?

Sagot ni Sweet, “Ay, hindi ko na alam na ang tungkol diyan.

“Ang sabi lang ng Viva ay yun lang kasing Girl Boy Bakla Tomboy ang naka-ready na material for Direk Wenn.

“E, need na nga niyang mag-shooting talaga. E, ako naman, magpi-prepare pa.

“Bukod nga sa may teleserye ako [Kahit Konting Pagtingin], may KathNiel movie pa akong gagawin.”


MOVIE FOR SWEET. Inamin ni Sweet na nalungkot siya nang malaman niyang hindi na siya ang gagawa ng Girl Boy Bakla Tomboy na bigay pa naman sa kanya ng screenwriter nito.

“Siyempre sad ako noong una. Bigay nga kasi sa akin ni Fairy Godmother Mel del Rosario ang concept ng Girl Boy Bakla Tomboy.

“Pinag-usapan na din namin ni Inay Marya [Maricel Soriano] ang movie at excited na siya maging nanay ko bilang mag-ina naman daw talaga kami.

“Nagbato na din ako kay Direk Wenn ng ilang ideas for the movie.

“Pero naniniwala ako na kung di ukol, di bubukol.

“Kung ano ang para sa akin, mapupunta sa akin.

“At in fairness naman, agad-agad naman nagsabi ang Viva na iisipan ako ng ibang movie.

“If ever, sa March na ‘yan after ng KathNiel movie shooting ko.

“Yun naman na ang naka-schedule sa amin ng Star Magic.

“By March meron na ‘yan, promise!

“At kung ano man ‘yon, mentally and physically, ready ako.

“Alam n’yo naman kina-career ko ang lahat ng movies ko para hindi naman nakakahiya sa mga fans,” sabay ngiti ni Sweet.



VICE GANDA. Bilang kaibigan din naman ni Sweet si Vice Ganda, tinawagan ba siya nito para magpaalam na siya na ang magte-takeover sa dapat na pelikula niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naku, hindi naman na kailangan pa,” mabilis na sagot ni Sweet.

“Trabaho ‘yan. Walang personalan diyan.

“Masaya nga ako at sa kanya napunta yung project.

“Kasi yung role, puwede naman sa babae or lalaking artista since quadruplets nga.

“Dahil sa bakla ibinigay, it means na tagumpay na naman ito ng Sangkabaklaan, di ba?

“Mabuhay ang mga bakla! Support ako diyan nang bongga!

“Alam ko na kakayanin ni Vice ‘yan!”

Pero may bulung-bulungan din na kaya hindi raw tinanggap ng Star Magic ang movie na Girl Boy Bakla Tomboy para kay Sweet ay dahil nasa cast si Maricel Soriano. Nakaalitan kasi recently ng Diamond Star si Gerald Anderson, na isang Star Magic prime talent.

Ano ang masasabi ni Sweet dito?

“Saan naman nanggaling ‘yan? Walang gano’n.

“Hindi naman ganyan ang Star Magic.

“Nanay ko si Marya, gagawa ako ng pelikula with her anytime, anyplace, agad-agad, ora mismo, now na!

“Nakakaloka naman ang chika na ‘yan. Walang katotohanan ‘yan,” diin niya.


KAHIT KONTING PAGTINGIN. Samantala, tagumpay ang first two weeks ng Kahit Konting Pagtingin, na nagsilbing comeback show ni Sweet sa ABS-CBN pagkatapos niyang mawala rito ng anim na taon.

Sabi ni Sweet tungkol dito, “Oo nga at ang saya-saya naming lahat na cast and crew ng Kahit Konting Pagtingin.

“Last Friday, nag-victory party na kami. Salamat sa mga Kapamilya fans for tuning in sa Kahit Konting Pagtingin.

“Abangan pa nila ang mga eksena ni Milo!

“Masaya kaming lahat na cast sa success ng show namin. Kaya sana tutukan pa nila ito parati.

“Kung ano pa ang gagawin kong show? Wala pa naman sinasabi sa akin pero open naman ako kahit na anong show.

“Sabi ko sa Star Magic, sana sitcom para masaya.

“Puwede din naman talk show bilang miss ko na ang magbigay ng chismis at mang-intriga ng artista.

“Might as well, di ba?” tawa pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



JOBERT SUCALDITO. Hiningan din namin ng reaction si Sweet sa pagkapanalo niya sa Fiscal’s office kaugnay ng kasong libel na inihain niya laban kay Jobert Sucaldito at iba pa.

Sabi niya, “Yung totoo? Ang saya ko.

“Nagdiwang ang buong angkan ko at mga kaibigan.

“Nung dumating nga ang resolution, post ko na agad sa Instagram ko, Facebook at Twitter.

“We are planning to file a civil case naman para todo na.”

Wala bang chance na iurong niya ang demanda kung sakaling may mag-public apology or i-retract ang statement ng kabilang panig?

Sagot ni Sweet, “Oo naman. Ako pa ba? Mapagpatawad akong tao.

“Sino ba ang gusto ng may idinedemanda?

“Malaking abala ‘yan para sa kahit sino, di ba?

“Sino ba ang gusto ng may kaaway?

“E, kaso wala naman nagsu-sorry or nagre-retract.

“Pag meron na, tanong mo sa akin ulit ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN