Venus Raj on tying the knot with current boyfriend Andrei Felix: “Medyo hindi pa naman... ang pag-aasawa naman ay nandiyan lang yan, e.”

Venus on finally refurbishing her family’s humble home: “Ang laking achievement, ganun ang pakiramdam ko kasi knowing na yung bahay namin dati bahay kubo lang, pawid lang yung bubong, and then ngayon nagkaroon na kami ng konkreto, at sementadong bahay, na mas malaki na sa ini-expect namin.”


Feeling fulfilled daw ngayon ni Venus Raj dahil finally, natapos na ang bahay na ipinagawa niya kapalit ng kanilang bahay kubong kinalakihan sa Bicol.

Kuwento nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Tuesday, January 29, sa event ng L’Oreal at Bench Fix Salon sa Glorietta 4, Makati, “Well, at last tapos na siya, bakod na lang ang kailangan.

“Yung bakod kasi, ano kasi siya, di ba palayan yung bahay namin kaya kailangan siyang bakuran talaga.

“So, yun na lang ang kailangan na lang tapusin sa ngayon, yung pagbabakod.”

Mula sa Bato, Camarines Sur si Venus at naging isang malaking selebrasyon noon sa kanilang bayan ang kanyang pagkapanalo bilang 4th Runner-up sa Miss Universe 2010.

Doon na nasilip ng mga tao ang payak na pamumuhay ni Venus na nakatira sa gitna ng pilapil sa isang kubong gawa sa kawayan, pawid at anahaw leaves.

Kaya talagang isa daw itong malaking tagumpay para sa kanyang buhay at para na rin sa kanyang pamilya.

Kuwento niya, “Ang laking achievement, ganun ang pakiramdam ko kasi knowing na yung bahay namin dati bahay kubo lang, pawid lang yung bubong, and then ngayon nagkaroon na kami ng konkreto, at sementadong bahay, na mas malaki na sa ini-expect namin.

“Kasi dati sabi namin, okay lang kahit na maliit lang yung bahay, basta hindi ka lang mababasa kapag may bagyo, kasi usually laging may bagyo sa Bicol, di ba?

“Sabi namin yung tamang komportable lang, pero more than that pa pala yung maipatayo namin... parang beyond expectations. I’m just so happy and feeling na nakaka-proud.”

So, okay na ang bahay nila, may maganda siyang trabaho sa ngayon at ang nandiyan ang kanyang boyfriend na si Andrei Felix.

Ibig sabihin ba’y pag-aasawa na ang kasunod?

Natatawang sagot ni Venus, “Medyo hindi pa naman, ang pag-aasawa naman ay nandiyan lang yan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo yun, anytime na ready ka na emotionally, physically, financially, madali na lang siyang gawin.”

“Pero ngayon at this point, lalo na ngayong 24-years-old pa lang naman ako, hindi pa ako nandun sa stage na nagmamadali, agad-agad gusto mo na.

“Sa akin, parang ini-enjoy ko muna yung career, siguro kung mas kaya mo pang i-level up yung career, e... di doon muna mag focus.”

FUN WALK WITH BEAUTY QUEEN SISTERS. Noong Linggo, January 27 ay namataan din ng PEP si Venus sa Anak TV Fun Walk, sa may UP Diliman.

Pero hindi na namin ito nakapanayam dahil sa dami ng mga taong nakilahok sa event.

Kaya inusisa na rin namin ang beauty queen kung ano ang pakiramdam nang nakasali sa isang family-related event.

Pagmamalaki niya, “Grabe, first time ko yun kasi usually ang mga sinasalihan ko ay mga fun run, ito yung sinalihan ko na fun walk.

“Sabi ko, first experience ko with my sisters, kasi isa itong family fun walk, parang alay-lakad para sa mga anak... parang ganun, so sabi ko yung dalawa sina Shamcey (Supsup) at si Janine (Tugonon) parang kamapilya ko na, kapatid ko na...

“Together nandun with me, so masaya kasi kahit na nag-stiletto pala kami ay okay lang, kasi hindi naman gaanong nakakapagod, kasi lakad lang talaga na fun lang.”

“Alam mo, mas maganda nga yun kasi parang strengthening ng family, yung mga magulang kasama nila yung kanilang mga anak, at the same time bonding nila yun together.

“Nakikita mo naman na may mga costume costume pa silang ginawa kaya nakakatuwa, sobra.”

Ang itinuturing niyang mga sisters na kasama niya sa nasabing fun walk ay sina Bb. Pilipinas Universe 2011 Shamcey at Bb. Pilipinas 2012 na si Janine.

Nagsisilbi rin daw itong bonding sa kanila dahil ‘magkakapatid’ daw ang turingan nila sa Bb. Pilipinas organization.

Aniya, “Oh yes, kasi prior to the pageant itself, prior to the pageant activities, ang daming mga training na pinagdadaanan namin together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, makikita mo talaga kung sino yung mga kaibigan mo, kung sino ba yung mga makakasundo mo, kaya after the pageant tuwang-tuwa ka kasi sila yung mga sisters mo na nandiyan before pa.”

One thing in common daw sa kanilang tatlo ay pare-pareho silang Miss Universe titleholders.

Si Venus ay naging fourth runner up noong Miss Universe 2010, third runner up naman si Venus noong 2011 at first runner up naman si Janine last year sa Miss Universe na ginanap sa Las Vegas.

Pagmamalaki pa ni Venus, “Oo, kami lahat Miss Universe winners, siguro andun kasi yung passion namin sa kagustuhan na sumali sa pageants, although si Shamcey first time niya ang Bb. Pilipinas.

“And then first international niya yung Miss Universe. Si Janine, kaparehas ko na sumasali na rin naman ng ibang pageants before Binibini.

“So, hindi mo masasabi talaga na kapag marami kang nasalihan mas may tsansa ka na manalo, o kapag wala ka pang nasalihan baka hindi ka manalo.

“Hindi basehan talaga yun, so kung gusto mo talaga manalo, ikaw mismo sa sarili mo ay magpursige ka sa sarili mo. I think yun yung drive namin to win – yung passion.”

DREAM SHOW. Natikman na rin ni Venus ang acting noong gumanap siya sa pelikulang Pridyider last year.

Patuloy pa rin ang kanyang hosting job sa Umagang kay Ganda ng ABS-CBN. Pero, more on acting on TV or in film, mas gusto daw niyang mag-focus sa hosting at magkaroon ng sariling show.

Lahad niya, “Hosting siguro, parang i-upgrade pa yung hosting kasi yung hosting ko ngayon, parang marami naman akong co-hosts... so, hindi pa naman siya yung matatawag na show ko.

“Wala pa akong ganun. So, as a host, yun talaga ang nilu-look forward ko... na magkaroon ng sariling show.”

“Kahit naman siguro sinong host gustong magkaroon ng sariling show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m looking forward na... alam mo yun... na magkaroon ng sariling show hosting with my sisters Shamcey and Janine, parang malaking achievement yun para sa akin, kung kaming tatlo yung nandun at naghu-host ng isang show.”

Ano naman kaya ang gusto niyang format ng show sakaling may darating na offer sa kanya?

“Siguro more on lifestyle,” pangwakas niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN