Lorna Tolentino on never having any confrontations with her fellow actors: "Trabaho ng direktor yun. Nakikita naman ng direktor at siya na dapat ang nagko-korek ng ginagawa.”

Lorna admitted that her ’heavy role’ and her constant crying in Pahiram ng Sandali stressed her out a lot


Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lorna Tolentino sa taping ng GMA-7 teleseryeng Pahiram Ng Sandali kahapon, February 1 sa may Quezon City, bakas pa sa mga mata niya na kagagaling lang niya sa pag-iyak.

Iisipin mong may pinagdadaanan ito at malungkot kung hindi mo alam na totoong umiyak nga siya dahil sa mga eksena nila sa Pahiram Ng Sandali.

Lalo na nang bumista kami kahapon kunsaan napaka-intense raw ng kinukuhanang eksena.

Kumusta nga ba siya dahil parang ang karakter niya bilang si Janice ay mula sa umpisa pa lang ay napakahirap na ng dala-dala emotionally?

“Oo, sobrang hirap. Wala akong ginagawa kung hindi ang umiyak,” pag-amin ni Lorna.

“Sobra akong na-guilty sa isang gabing pagkakamali ko... isang beses na pagkakamali.

“Yun bang, pinatawad niyang lahat ang pagkakasala ng asawa niya, pero, when it’s her turn naman ng pagkakamali, parang hindi siya napatawad ng lahat.

“Nakakaawa siya. Nakakaawa siyang talaga.

“Actually, yun ang nagmo-motivate nang husto sa akin.

“Kapag nandoon ako sa role, hindi na ko nag-iisip ng iba pang paghuhugutan. Tapos, wala pa siyang justification.

“Yung anak niya, hindi siya naiintindihan... ni hindi siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag...

“Na hindi naman nila pareho ginusto... na hindi niya sinasadya... na hindi alam ng nanay niya na siya yung guy... yung mga ganoon.”

REVELATION TIME. Nagkabukuhan na nga.

Lumabas na nga ang tinatagong sikreto na sina Lorna at Dingdong ay nagkaroon ng “isang gabing sandali” sa beach; habang ang anak ni Lorna sa teleserye na si Max Collins ay kasalukuyang boyfriend ni Dingdong.

Nagiging paksa sa mga usapan kung paano raw kaya magandang tapusin ang serye.

Kung siya ang tatanungin, paano niya ito gustong wakasan?

“I’ll end it with a good moral lesson. Kahit hindi happy ending.

“Basta magandang leksiyon. Basta mataas na pananaw. Hindi yung mababang klase ng pag-resolve lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “Kasi, minsan, nakakalimutan ng writer yung ano, e... yung kahalagahan ng marriage...yung pagiging isang legal na asawa.

“Kailangan pang i-stress sa kanila na legally, walang right ang kabit kahit pa nagkasala ang asawa mo o nagkasala ang babae.

“Still, nasa ’yo ang karapatan.”

Hindi pa raw alam ni L.T. kung ano ang magiging ending talaga dahil hindi pa raw sinasabi sa kanilang lahat.

May nagtanong naman kay Lorna kung sa totoong buhay raw kaya nangyari sa kanya na nangaliwa nga ang asawa niya, gaganti rin daw ba siya?

Sabi naman ni Lorna, “Ang alam ko kasi, sa totoong buhay, ang mga kabit, nagtatago. Takot sa asawa. Pero dito, palaban.”

EXTENDED RUN? Balitang hindi na nga i-e-extend pa ang Pahiram Ng Sandali pero napag-alaman din namin kay Lorna na extended pa pala sila ng two weeks dahil kung ang one season lang talaga ang susundin, yung huling Linggo ng February dapat tapos na sila.

Pero aabot pa raw sila hanggang ikalawang linggo ng March.

Sabi nga niya, “Tama lang din na hanggang ganoon lang. Kasi, wala na siyang pupuntahan.

“Nandoon na ang highlight, sunud-sunod na.”

May naka-line-up na ba sa kanya pagkatapos ng Pahiram Ng Sandali?

“So far, wala pa. Pero baka by March pa ako puwedeng magpahinga. Gusto kong magpunta ng Bangkok o kaya... Boracay.”

STRESSED OUT? Na-stress siya sa role niya sa Pahiram?

“Oo,” natatawang pag-amin niya.

“Parang dalawang beses lang yata siyang sumaya. Noong nandoon kami sa island at nang pakasalan siyang muli. Wala na, yun lang.”

Kung sakali, mas lighter na kuwento ba ang gusto niyang gagawin sa ikalawang proyekto niya sa GMA-7?

Kakapirma lang din kasi ni Lorna ng dalawang taong eksklusibong kontrata sa Kapuso network.

“Sana, pero wala namang choice. Sana mga dramedy, yung may comedy ng konti.

“Pero, hindi naman nila magawa ng konti. Pero sana, puro heavy na,” asam niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BACK TO TALK SHOWS? Si Lorna ay isa sa mga dating hosts ng showbiz-oriented talk show na Startalk.

Kung sakali, gusto ba niyang mag-host muli tulad ng dati?

“Puwede,” sabi niya.

“Gusto ko ngang mag-Startalkulit. Pero sabi ko, baka puwedeng ilagay niyo ’ko dun sa mga hindi mag-iinterview ng mga artistang merong mga problema.”

Yung tipong Personalan, Face-to-Face?

“Ay, yung tulad ng ginawa ni Amy Perez? Naku, kinukuwento ni Amy, na-drain siya dun.

“Huwag namang ganun. Parang mas masarap ang ginagawa ni Kris Aquino, pumupunta siya kung saan-saan,” kuwento ni Lorna.

CONFRONTATION WITH FELLOW ACTORS? Bilang matagal na sa industriya at isa rin sa kinikilalang mahusay na aktres, naitanong kay Lorna kung minsan daw ba sa career niya, nagawa na nitong may matalakan na co-star o baguhan dahil hindi nito nakukuha ng tama ang mga eksena.

“Wala,” saad niya.

“Kanya-kanya naman kasing karakter yun ng artista. Iba-iba tayo,” paliwanag niya.

Paano kung ang ka-eksena niya ay hindi maka-arte?

“Ano, ginagawan na lang ng paraan. ‘Di ba, kung minsan, kukunan ka, kukunan na lang siya. Ginagamot ng direktor,” dagdag niyang paliwanag.

Hindi siya nagga-guide o nagko-coach?

“Hindi, kasi, sa direktor yun. Trabaho ng direktor yun.

“Nakikita naman ng direktor at siya na dapat ang nagko-korek ng ginagawa,” giit niya.

SHELVED MOVIE PROJECTS. Sa pelikula, wala pa rin daw alam si Lorna na posible niyang gawin pagkatapos na hindi pa matuloy ang dalawang pelikula sanang gagawin niya.

Aniya, “Hindi kasi natuloy ang Pusong Mamon at yung Katas ng Saudi 2, pinag-iisipan pa ni Senator Jinggoy [Estrada].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN