Philippines nabs 14 nominations at the 2013 New York Film Festivals TV and Film Awards

(Left) Be Careful With My Heart, starring Richard Yap and Jodi Sta. Maria, is nominated for Best Telenovela; (right) Budoy, starring Gerald Anderson, is nominated for Best Drama.


Lumabas na ang opisyal na mga nominado para sa 2013 New York Film Festivals TV and Film Awards (http://www.newyorkfestivals.com) sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Nakakuha ang Pilipinas ng nominasyon sa labing-apat na kategorya—labing-dalawa para sa telebisyon at ang dalawa naman ay para sa pelikula.

Nangunguna ang ABS-CBN na may walong nominasyon, dalawa naman ang nakuha ng GMA NewsTV, at tig-iisang nominasyon naman para sa TV5 at GMA-7.

Sa pelikula naman, dalawang nominasyon ang nakuha ng Unitel Productions.

Kabilang sa mga kategoryang nominado ang ABS-CBN ay: best performance by an actress (name yet to be announced), biography/profiles, current affairs, drama, history and society, social issues, sports promotion, and telenovelas.

Biography/profiles at social issues naman ang nakuhang nominasyon ng GMA News TV.

Nominated naman ang TV5 sa kategoryang real estate/home improvement, at ang GMA-7 para sa kategoryang environment and ecology.

Samantala, nominado ang Unitel Productions para sa pelikula sa kategoryang sales and short films.

Iaanunsiyo sa Marso ang mga magwawagi at sa darating naman na April 9 ang awarding ceremony sa Las Vegas.

Isa sa kabilang sa mga jury sa nasabing festival ay mula sa Pilipinas, si Engelbert Apostol, na galing sa ABS-CBN.

Sa kabilang banda, si Marissa Flores, Senior VP for News and Public Affairs, GMA Network, ay isa sa miyembro ng advisory board.

Narito ang kabuuang listahan ng mga nominadong programa, istasyon at pelikula:

PHILIPPINES:

TELEVISION:

ABS-CBN (8 Nominations)

Best Performance by an Actress (Maalaala Mo Kaya)

Biography/Profiles (Johnny: The Juan Ponce Enrile Story)

Current Affairs (Failon Ngayon, “Mine Tailings” episode)

Drama (Budoy)

History and Society (Ako Ang Simula)

Social Issues (Krusada: Bata ng Tahanan)

Sports Program Promotions (A Call To Arms)

Telenovelas (Be Careful With My Heart)

GMA NEWSTV (2 Nominations)

Biography/Profiles (Ang Pinakabata)

Social Issues (Reel Time: Salat)

TV5 (1 Nomination)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Real Estate/Home Improvement (Extreme Makeover: Home Edition Philippines)

GMA 7 (1 Nomination)

Environment and Ecology (Oras Na)

FILM

Unitel Productions (2 Nominations)

Sales (Rogue Cover)

Short Films (A Life In A Day)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN