Alessandra de Rossi on the long wait for her ideal man: “E, di ba, kumbaga sa pagkaing masarap, sobrang hirap lutuin, gano’n. O parang kapag loan, sobrang tagal. Ilang taon mo dapat pagbayaran.”

Even if she doesn’t have a boyfriend now, Alex admits to having a crush on a non-showbiz guy for the past four years


Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Alessandra de Rossi kung ano ang magiging kapalaran niya sa kanilang primetime series na Pahiram Ng Sandali na napapanood gabi-gabi sa GMA-7.

Si Alex ang gumaganap na kabit ni Christopher de Leon sa serye.

Sabi nga niya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, February 1, sa taping ng Pahiram Ng Sandali sa Quezon City: “So far, hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari kasi nga, buntis si Baby Umali.

“Kaso, palagi siyang dinudugo... so, hindi ko pa alam kung matutuloy ba ang pinagbubuntis niya,” kuwento niya.

DISSECTING HER CHARACTER. Ano naman ang masasabi niya sa karakter niya bilang si Baby Umali?

“E, parang tanga,” natawa niyang sabi.

“Wala pa naman yata akong karakter na natuwa ako bilang hindi naman nakakatuwa ang mga karakter ko... so, yun... yun pa rin.

“Pero, for the first time, masaya naman ako.”

Ano ang ibig niya sabihin ng kanyang bunyag na “for the first time masaya siya?”

“E kasi, for the first time, sincere yung character ko. Kahit na sincere na masama.”

Dugtong pa niya, “In-love siya, e. May pinanggagalingan yung mukha niya. Malalim.

“Pero siyempre, sa totoong buhay, dapat ibaling na niya sa iba, huwag siyang manggugulo. Pero yun ang character ko.”

Kung siya ang masusunod, ano ang gusto niyang mangyari sa karakter niya sa teleserye?

“Lumayo siya, yun ang dapat. Of course, lahat naman ng palabas, dapat may magandang mensahe.

“At yun ang pinakamagandang mensahe sa mga kabit. Lumayo kayo. Tigilan niyo. Always choose the right path,” giit niya.

Nang tanungin si Alessandra na palaban naman daw siya, mabilis niya itong sinagot nang, “It’s just a show.”

Eh, sa totoong buhay, hindi ba siya palaban?

“Hindi!” sabi niya.

“Lalo na kung kabit ako, magtatago na lang ako.”

Kaso, sa mga prinsipyo na meron siya, mukhang malabo naman siyang maging kabit sa totoong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko naman,” saad niya.

“Pero you can never tell. Pero, hindi naman talaga. As in, hindi naman talaga yun mangyayari.

“Pero, malay mo, may maturok sa aking ibang dugo. Nagkaroon ako ng blood transfusion, nagkaroon ako ng ibandugo o sa puso, nagka-transplant ako,” natatawang sabi niya rin.

Pero dahil sa ginagampanan niyang karakter, may mga nagagalit sa kanya at yung iba, hindi maiwasang i-tweet siya.

“Oo, may mga nagagalit, may mga naiinis. Meron din na naawa.

“O, ‘di ba? Nakaka-touch naman yung may naawa sa akin.”

Baka naman nakaka-relate kasi sa kanya kaya naawa?

“Yun nga, magkaka-simpatiya ka kasi nga, may pinanggagalingan kesa sa mga dati kong roles.”

HAPPY WITH HER ROLE. Nag-enjoy nga siya ngayon?

“Oo, super, super nag-enjoy! As in, masayang-masaya kami,” amin niya.

“Hindi na ’ko aarte pa. Excited akong mag-trabaho. Fulfilled ako sa role ko kasi nga, for the first time, nagpapakita ko ng tunay na emotion.

“Kasi nga, most of the time, yung mga kontrabida roles ko, gusto lang mambwisit. Plastic siya.

“So, kahit na anong acting ang ibigay mo, kapag plastic, papasa. Di ba nga, lahat magaling kasi, plastic?

“Ang daling umarte ng sinungaling, ‘di ba?

“Pero yung sincere na emotion, mahirap ipakita yun. So, doon ako natutuwa na, ’wow, sana, magawa ito ng tama.’ Yung ganun...

“Kasi dati, kahit gawin mo ng mali, parang tama pa rin... kasi, kaya mong i-justify na ano ba, namamlastik lang naman ako.”

NO KISSING SCENES, PLEASE. Kung matatandaan, tinanggihan ni Alessandra ang role ni Glaiza de Castro sa Temptation of Wife dahil hindi niya talaga ginagawa ang makipag-kissing scene.

Dito naman sa Pahiram…kahit na isang kabit ang karakter niya, nagawa pa rin niya na hindi magkaroon ng kissing scene.

“Hindi pa naman kami naghalikan. Meron lang akong ibang bagay na hindi ko maiwasan,” paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kagaya ng wedding scene, mag-asawa kayo. Pero if you’re in an affair, inaagaw mo ang lalaki, yung mga medyo wala naman yatang matutunang maganda ang mga tao.

“Dito, love scene na silhouette lang na charot-charot lang. Pero mukhang totoo sa TV.”

Pinakiusap ba niya na walang kissing scene?

“Alam na agad ni Direk [Maryo J. delos Reyes], hindi siya ang nakiusap sa akin kung puwedeng ganito.

“Napapakamot na lang ako ng ulo. Siyempre, gusto niya akong pagbigyan, pero, kailangan niya rin ng magandang eksena.

“So, dahil doon, sige na, bahala na Direk.

“At saka, ginawa ko siya kasi si Christopher de Leon. Senior... may asawa.

“At least, hindi siya pag-uusapan. Hindi siya magiging headline, ’O, masarap ba?’ Wala nang ganoong klaseng tanong dahil hindi naman kami ili-link,” dagdag niya.

Ano lang ang pinakagrabe ng ginawa niya rito na hindi niya talaga normal na ginagawa?

“Pumatong... pero, may dalawang throw pillow,” natatawang sabi niya.

WORKING WITH BOYET. Sa dami na ng mga nagawang love scenes at kissing scenes ni Christopher, ano naman kaya ang naging reaksiyon niya kay Alex?

Aniya, “Natatawa. Tawa lang siya ng tawa.”

Tinanong siya nito?

“Hindi, na-gets na niya, e. Tinanong niya kung bakit ko ginagawa, hindi ko naman pala kaya?

“Sabi ko, wala na kong pera. Tapos, mas nagtatawa. E, sa nagpapaka-totoo lang ako.

“Wala na kong pera. Kailangan ko ng pambayad ng bahay. Kailangan kong ituloy.

“Ang tagal ko nang walang work... six months... of course, I will do it,” amin niya.

Hindi naman daw niya napapanood ang TOW kaya hindi niya talaga alam kung gaano ka-daring si Glaiza sa karakter na sana, siya ang unang gagawa.

Pero dahil din naman sa mga ginagawa ni Glaiza ngayon, masasasabing mas naging maingay pa ito bilang si Heidi naman.

Ayon kay Alessandra, “Siguro kung tinanggap ko yun, yung mukha ko ang nasa van,” natatawang sabi niya. “Ngayon, wala ang mukha ko sa van.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi, hindi ko talaga napapanood at isa pa, masyado talagang sexy raw. E, feeling ko naman, baka puwede na ’kong tumalon sa building.

“Hindi ko na natapos yun. Kapag nakakausap niyo si Alex, tulala lang.”

Hanggang Marso na lang ang Pahiram Ng Sandali. May follow-up show na raw ba siya?

“Wala pa ’kong nababalitaan. Pero, kailangan kong magkaroon.

“Kasi, hanggang June na lang ang contract ko sa GMA at meron pa silang utang na show sa akin.”

Pipirma ba siyang muli kapag nagtapos na ang kontrata niya sa GMA?

“We will see,” nakangiti niyang sabi.

“Pero ako, masaya naman ako. Kahit saan naman ako.”

ZERO LOVELIFE. Pagdating sa lovelife, talagang zero pa rin daw siya. Sabi nga niya, kahit daw manliligaw, wala siyang mako-consider.

Pero parang teenager lang ito na nagsasabing may crush daw siya. Apat na taon na raw niyang crush ang non-showbiz guy.

“I think, alam niya na crush ko siya. I don’t know. Hindi kami nagkakausap, e.

“Hindi kami nagkikita. Pero, crush ko lang. Hindi ko naman sinasabing mahal ko.”

Wala talagang nanliligaw sa kanya?

“Wala,” pagbibigay diin pa niya.

“In all fairness, wala talaga. Hindi kasi ako lumalabas. Dito lang ako... bahay, shooting.

“Bahay, bahay, taping... So, sino ang dyo-dyowain ko?”

Sabi nga niya, may pitong taon na rin siyang walang ka-relasyon. Nakikita ba niya ang sarili na kapag nagkaroon ng boyfriend, yun na?

“Sana,” saad niya.

“Pero siyempre, hindi naman ako magtataka kung hindi maging ganun. Gusto ko.

“Kaya nga hindi na ako nag-boyfriend, natatakot na ’ko na magmahal... baka wala na ’kong matira sa next ko.

“So, inipon kong lahat for a brand new. Kinailangang magdalaga ako ulit.”

Biro namin sa kanya, napakatagal naman siyang makahanap ng lalaking para sa kanya.

“Eh, ‘di ba, kumbaga sa pagkaing masarap, sobrang hirap lutuin, ganoon. O parang kapag loan, sobrang tagal. Ilang taon mo dapat pagbayaran.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN