Christopher de Leon gears up for congressional bid; encourages kids’ showbiz ventures

Christopher reveals that he’ll be taking a three-month break from showbiz around March, to prepare for the coming election campaign


Natawa kami sa sagot ni Christopher de Leon nang tanungin namin siya kung paano niya tatapusin ang kanilang teleseryeng Pahiram Ng Sandali kung siya ang writer nito.

“Parang ang napag-usapan yata e magkakaroon ng party si Janice [Lorna Tolentino] para sa lahat.

“Tapos dun sa venue, isang building... pasasabugin yung building,” ang nagbibirong pahayag ni Boyet nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng taping nila for Pahiram Ng Sandali sa Brgy. Pinagkaisahan sa Quezon City last Friday, February 1.

Death scene ang kinukunan kay Boyet that day.

“I really have to die. I mean, my character has to die,” banggit pa niya, pero hindi na siya nagbigay ng detalye kung bakit at paano mamamatay ang karakter niyang si Phillip.

Bida rin sa Pahiram Ng Sandali sina Dingdong Dantes (bilang Alex), Max Collins (bilang Cindy) at Alessandra de Rossi bilang si Baby, among others.

RUNNING FOR CONGRESS. Napagalaman namin na ang nalalapit na eleksyon ang dahilan kung bakit kailangang patayin sa PNS si Boyet.

Tatakbo kasi siyang Congressman ng 2nd district ng Batangas City ngayong 2013 election.

March 28 ang umpisa ng kampanya at tatlong buwang kailangang mag-lie low si Boyet bilang artista.

Sa ngayon ay Senior Board Member siya ng naturang lugar.

Kaya after PNS ay hindi muna siya tatanggap ng TV or movie projects.

“Pero yung ongoing pa rin siya, yung hanggang first week of March, palabas pa rin ako [sa PNS].

“Pero tapos na ako by middle of February.”

May kaba pa ba siya sa eleksyon?

“Meron,” sabay-tawa niya. “Hindi nawawala siyempre.”

Ang susunod ba niyang plano ay tumakbo bilang Gobernador ng Batangas, tutal ay matatapos na ang term ni Governor Vilma Santos? O plano ba niyang tumakbong Senador naman?

“Huwag na, wala,” klaro niya.

“I just want to represent the second district of Batangas and then get the, you know, the feel of… kasi nung itong term ko... itong nakaraang term ko, I was able to study before my term and then apply it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then at the same time, siyempre yung experience makes it better.

“Mas wider ang magiging knowldege mo so parang, ‘Wow, ano kaya ang susunod na level?’

“I’m the Senior Board Member which means I got the highest votes in the whole province, most especially in my district.

“So okay, the incumbent congressman, which is [Hermilando] Mandanas, ano na... pa-exit na.

“So it’s like free for all, it’s open, yung opportunity is now. If I continue to be a Board Member baka may nakaupo na naman doon na mas mahirap banggain.

“Mahirap banggain yang incumbent, e. Mahirap banggain lalo na yung matibay na,” pag-amin niya

Sa ilalim si Boyet ng partido ni Batangas Governor Vilma Santos.

Kung sakaling manalo siya bilang congressman at gustuhing tumakbo naman bilang Senador sa darating na panahon, willing ba siyang hindi buuin ang termino niya bilang Congressman para tumakbo naman bilang Senador?

“Kung marami kang nagawa sa Congress, kung nagsipag ka sa Congress, at nakita ng tao yung results at nagkaroon ng clamor, depende yun sa trabaho kong gagawin.

“Depende yun kung ano yung naging accomplishments ko.

“Siyempre more often, ’yang mga ganyan, nag-iingay yan e, di ba?” sabay-tawa niya.

“Sila Chiz, sila Noynoy, sila ano… lahat yan, nag-ingay yan bago nakapuwesto... sina Guingona, di ba umingay muna yan sa kongreso bago…”

Maingay rin naman ang pangalan niya dahil sikat naman siya bilang aktor kaya may edge na rin siya.

“Well national, yes. ’Tsaka it’s easier... not easier, it’s hard actually, but na-experience ko ngayon na ang Congressman is like one-on-one...

“Unlike Senador you choose twelve. Pero ito, tatlo lang kami. You choose among the three of us.

“Ang Senador maski na Konsehal you need eight to complete the slot, di ba? Or you need how many?

“Ganun din yung sa amin, you need only three or two to being a board member. Medyo stiff din yun. Pero Senador you need twelve, they need twelve to complete the senatorial [list].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ll just concentrate muna on my campaign... my battle now, and if I do well... I mean if, you know it’s always... ano, e... sabi nga ni Governor Vi, di ba?

“I mean pagkakataon yun e, opportunity knocks… like Noynoy, di ba?

“Who would ever think na Noynoy, di ba? Who would think na ano... or Lito Lapid, who would think he would be a Senator? Si Governor Vi! Ganun nga.”

KIDS TIME TO SHINE. Ang anak niyang si Mariel de Leon ay kasali sa Binibining Pilipinas this year.

Ang anak naman niyang si Gab de Leon ay aktibo bilang male star at nasa Teen Gen ng GMA-7. Kanino siya mas naka-concentrate sa pag-aasikaso?

“Lately, yung mother ang nag-aaligaga, pero financially ang tatay,” at muling natawa si Boyet.

“I mean... like ano pala, sabi ko... ang pagpasok pala ng Binibining Pilipinas, magastos pala yun!”

Manonood raw siya sa coronation night ng Binibining Pilpinas pero tiyak raw na nenerbiyosin siya.

Ang pinakamagandang advise na naibigay niya kay Gab…

“Ano lang naman, kasi nagdirek ako one time, sinubukan ko kung puwede siya, nakita ko naman,

“‘Wow, merong malalim ito!’

“Sa Maalaala Mo Kaya, dati pa.

“Isang instruction lang... okay, sabi ko, ‘Aba meron ito, ah!’

“So, nung sabi niya na he wanted to be an actor since graduate na siya ng Photography sa Benilde...

“Multi-media pero Photography ang major niya... sabi ko, ‘Go!’

“Kasi iyon ang condition ko, e. ‘You finish first then do whatever you like.’

“Like si Mariel took up Culinary Arts in New Zealand and tumira siya sa kapatid niya, sa panganay ko sa New Zealand.

“Nung sabi niyang ‘I want to be a model,’ sabi ko, ‘Go!’

“Nung biglang, ‘Can I join Binibini?’

“Kasi may nag-tap sa kanya sa ganun, na scout. Ang humahawak kay Mariel kasi is my sister, si Antonette.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga, mga modeling, print ads, mga ganun... so merong nag-tap sa kanya na handler ng Binibini, so nung sinabi sa akin, wala naman akong ano, e. Parang may laban naman yata ito, e.”

Kaya hindi niya pinigilan si Mariel.

PILITA-LOTLOT RECONCILIATION. Hindi niya alam kaya nagulat si Boyet nang banggitin naman namin ang tungkol sa pagbabati nina Lotlot de Leon at Pilita Coralles.

“Hindi ko alam! Buti nalaman ko! Talaga? That’s good, that’s good. Good! Hindi ko alam,” gulat niyang saad.

Alam naman daw niya na may gap sa pagitan ng dalawa dati.

“Ah yeah, oo naman, matagal iyon,” sang-ayon niya.

Kaya ngayong nagkabati na ang dalawa ay masaya si Boyet.

“Thank you for the news,” sabi pa niya sa PEP. “That’s good!

“That’s good. I follow Lotlot sa Facebook pero hindi ko alam.

“That’s good.”

Sinabi pa namin sa aktor na nito lang Pasko nagkasundo muli ang magbiyenan.

“Christmas? Wow! Ni hindi ko alam. Ang alam ko lang yung about the father. Iyon alam ko,’ sinabi pa ni Boyet na ang tinutukoy ay ang pagtatagpo nina Lotlot at ang American biological father nito.

“Maganda yung nakakapag-reunion siya with Pilita and the kids kesa yung hihiramin mo, na bukod sila.

“Alam mo kung sino ang napapagod? Yung mga bata. Ngayon kung isa lang, that’s great!” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN