Ethel Booba on her tumultuous past: “Na-realize ko na lang na hindi pala lovelife yung nakapagpasaya sa akin.”

Ethel on her sordid lovelife before: “Mahirap makatagpo ng love pag naroon ka, pag nasa tuktok ka... Maraming dumidikit talaga sayo, magamit ka...”


Marami ang medyo natuwa sa muling pagbabalik ni Ethel Booba sa telebisyon.

Pero marami rin ang nagtatanong kung nagbago na ba talaga ang komedyana pagdating sa kanyang trabaho.

Sa panayam ni Dolly Anne Carvajal para sa Ang Latest: Updated ng TV5 kagabi, February 2, ipinangako ng bagong Wowowillie co-host na ibang Ethel Booba na raw ang masasaksihan ng publiko – hindi na ang Ethel dati na puno ng kontrobersiya at intriga.

REGRETS. Marami na daw natutunan si Ethel sa kanyang buhay lalo na pagdating sa lovelife.

Pagbabalik-tanaw niya, “Masalimuot, mahirap... noong mga time na nawala ako sa showbiz.

“Na-realize ko na lang na hindi pala lovelife yung nakapagpasaya sa akin.”

Ano naman kaya ang mga natutunan niya sa buhay lalo na sa pag-ibig?

Pagpapatotoo niya, “Mahirap makatagpo ng love pag naroon ka, pag nasa tuktok ka...

“Maraming dumidikit talaga sayo, magamit ka... yung mga naging past ko noong nandun ako, hindi talaga siya love.”

Isa rin daw sa nagpabago sa buhay niya ay noong nakunan siya ng kanyang ipinagbubuntis.

Aniya, “Noong magka-baby ako, tapos hindi natuloy, seven months siya, hindi siya nabuhay. Yung ama ng baby na yun, magulo, e.”

Ang ama ng ipinagbuntis noon ni Ethel ay si Marius Miria, isang Romanian national.

Ito ang kanyang kasama noon sa condo na diumano ay muntik na niyang sunugin matapos nilang magkaroon ng matinding pagtatalo.

Dagdag pa nang komedyana, “Marius, siya yung ama nung dinadala ko, yung baby ko, mas nakikipag-close siya sa mga friends kong mga bading keysa sa akin, mas naniniwala siya sa kanila kaysa sa akin.

“Ako dapat yung dapat paniwalaan niya, napagsabihan ko nga siya na, ‘Para kang bading, e,’ na ganun... kaya ko nasabing bading siya pero hindi siya bading.”

Ngayong okay na ulit siya at muling nakabangon sa buhay at karera, kung may mga gusto siyang makausap at makaharap sa ex-boyfriends niya, sino kaya sa kanila at bakit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “Si Alex (Crisano) siguro, gusto ko siya maka face-to-face, siguro magti-thank you ako sa kanya kasi naranasan ko lahat sa kanya... na magalit sa mundo.”

Dati bukambibig kay Ethel na hindi talaga sila okay ng kapatid niyang si Boobita, pero ngayon okay na daw sila.

Aniya, “Ngayon sumusuporta siya at nagpi-PA (production assistant) siya sa akin kaya nakakatuwa.”

Ngayon daw ipinanapangako ni Ethel na hindi na siya ang dating Ethel na naging ‘pasaway.’

“Tumatanda na rin ako, nag-iiba na rin pala, at tsaka nag-iiba talaga pag wala kang bisyo, lumilinaw yung utak mo.

“Sa mga detractors, hindi naman siguro ako bibigyan ulit ng chance kung walang pagbabago na nakikita sa akin.

“Dumaan na ako sa matinding pagsubok,” mapagkumbaba niyang inamin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN