Barbie Forteza on brewing Bea-Derrick loveteam: “Wala namang reason para magselos ako. Parang nakakahiya naman kay Bea na magselos ako.”

Barbie Forteza is also starting out in her career as a recording artist: "Hindi naman talaga ako singer, pero I guess nakakakanta naman ako."


Kakagaling lang ni Barbie Forteza sa kanyang unang araw ng pagte-train sa boxing nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kahit medyo pagod pa siya, magiliw sumagot ang lead star ng GMA-7 afternoon fantaserye na Paroa.

BARBIE THE BOXER. “Nakakapagod din,” bungad niya.

“Pero, nage-enjoy ako sa boxing. Actually, first day ko ngayon kaya parang naninibago ako.

“Masarap ang feeling. Nakaka- relax... parang lahat ng muscles ko na-stretch.

“’Tsaka, pakiramdam ko kasi tumataba ako ngayon. Parang ito na rin yung way ko para mag-reduce.

“Plano ko nang ituluy-tuloy ‘to kapag free time ko.

“Actually, di naman ’to ang first time na para ano...yung very physical yung exercise. Kahit noon pa, nag-try na ako.

“Nag-Muay Thai na ako, even before pa ng Luna Blanca. Pa-routine routine lang... yung gano’n.”

Akala namin ay ginagawa niya ito for self-defense. Para kung sakaling may mang-away sa kanya, may panlaban siya.

Natawa si Barbie dito.

“Di naman... di naman yun ang inisip ko nang maisipan ko na mag-train sa boxing,” pagklaro niya

“Yung Muay Thai, tipong parang pang-self defense yun, pero ito pang-lose weight lang talaga.

“Wala naman sigurong mang-aaway sa akin. I try to be nice naman to everyone. Kahit di ko fans, lagi ako naka-smile sa kanila.

“Parang ang hirap no’n. Yung me kaaway ka.”

BEST FRIEND DERRICK. Nandiyan naman si Derrick Monasterio na willing siyang ipagtanggol at all times and at all costs.

“Si Derrick!” bulalas niya. “Lagi niya akong gustong protektahan.

“Alam ko yun. Even in small things.

“Alam ko naman na concerned siya lagi sa akin. Kasi nga, sa ngayon siya yung parang pinaka-best friend ko.

“Halimbawa sa taping, lagi siyang nagtatanong kung ano ang kailangan ko.

“Or, kapag nakatulog ako, tapos alam niyang magte-take na ako, gigisingin niya ako.

“Then, pag may chance, lagi niya akong dinadalhan ng food galing sa Starbucks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahilig kasi yang kumain.

“Siyempre, appreciated ko yung ginagawa niya.”

Dahil dito, marami tuloy ang nag-aakalang may relasyon na sila.

“Hindi,” mariing tanggi niya.

“Yung closeness namin parang mag-best friend lang talaga. Kasi nga, siya yung male friend na lagi kong kasama sa set... kakulitan ba...

“’Tsaka, wala namang ligawang nangyayari. Mabait lang talaga si Derrick.

“Fifteen pa lang naman ako. Work muna ang concentration ko.

“But of course, happy naman ako na friend ko siya.”

NOT INSECURE ABOUT BEA. May balitang gagawa raw ng sitcom si Derrick kung saan ang ka-partner niya ay si Bea Binene.

Hindi maiwasan ng PEP na alamin ang kanyang reaksyon tungkol dito.

“Nai-kuwento nga ni Derrick yan sa akin,” pag-kumpirma niya.

“Para sa akin, okey yun kasi dati naman silang…yung sila yung parang nila-loveteam.

“Decision yun ng network (GMA-7) so, okey lang.

“Yung network kasi, nage-experiment yan kung ano ang puwede nilang gawin sa amin.

“Kasi, halimbawa, kung puro kami palagi, baka pagsawaan kami.

“’Tsaka, sitcom yun. Di naman siguro naka-focus yun sa loveteam-loveteam na parang yung Tweenhearts,” paliwanag ng dalaga.

No way para may selosang mangyayari between her and Bea?

“No!” pagdidiin niya.

“’Tsaka, wala namang reason para magselos ako. Best of friends lang kami ni Derrick.

“We just enjoy yung company namin.

“Parang nakakahiya naman kay Bea na magselos ako.

“Magkakaibigan naman kami lahat.”

RECORDING. At this point, naitanong namin sa kanya ang tungkol sa planong magiging recording artist na rin daw siya.

In fact, inamin niya na nagsimula na ang pagre-recording niya.

Aniya, “Yeah, nag-start na ako. Katatapos ko pa lang ng third song.

“Bale, about five songs yung ire-record ko. Nakaka-enjoy naman.

"Hindi naman talaga ako singer, pero I guess nakakakanta naman ako.

“Favorite ko ang La Diva at si Miss Reg (Regine Velasquez) sa local singers natin. Grabe ang mga boses nila, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa international naman, si Pink.

“Nakaka-enjoy din kumanta. Enjoy ako!

“After Paroa kasi, di ko pa alam kung ano ang next plan sa akin ng GMA. So, heto ang pinagkakabisihan ko pag may time ako.”

DERRICK’S NEW CAR. Napag-usapan din yung pagbili ng brand new Montero ni Derrick. Maging siya pala ay na-excite din dito.

“Oo naman!” bulalas niya.

“Kasi, matagal na niyang sinasabi yun sa akin, na gusto nga niyang bumili ng sariling car kasi nahihirapan daw siya na laging nakikisabay sa service ng GMA.

“Kaya nung medyo nakaipon na siya, yun... di na siya nag-second thought na bumili. Nakaka-proud naman yun sa kanya.

“At least, achievement na yun sa kanya.”

Balitang si Barbie nga raw ang unang nakasakay sa car na yun.

“Dinala niya kasi kaagad yun sa taping,” kuwento niya.

“Parang kaka-deliver pa lang... the following day, ginamit na niya.

“Siyempre, excited din ako kaya nung makita ko, sumakay ako kaagad.

“Pero... halimbawa kung siya ang magda-drive, di siguro ako sasakay.

“Si Derrick kasi, ang alam ko kaskasero siya.”

MOVING ON. Speaking of Paroa, natutuwa si Barbie na na-extend pa ito ng another week.

Akala nga nila ay ilang episodes na lang ang kanilang tini-tape sa SVD Seminary sa Tagaytay.

“Oo, masaya kaming lahat na na-extend ito ng isang week pa.

“Actually, lahat kami nalulungkot na kasi matagal din kaming nagkasama-sama.

“Mula sa crew, sa staff, sa mga kasama ko na artista, parang hirap maka-move on.

“Siyempre, ma-miss naming yung gigising ka ng maaga para pumunta sa Tagaytay. Tapos kung saang bundok pa kami magte-take.

“’Tsaka yung costumes namin, kaka-miss,” pagwawakas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN