Julia Montes on Coco Martin pursuing her: "Wala pa namang ganoon kasi, sabi nga niya, wala pa raw akong eighteen."

Kahit wala pang tunay na ligawang nangyayari, malapit si Coco Martin sa lola ni Julia Montes. Patunay ni Julia, “Ang feeling ko kasi ngayon, ang nililigawan niya, lola ko. Mas close kasi sila. As in, may bonding sila na kapag nasa set ang lola ko, sila ang palaging magkasama, sila ang palaging magkausap.”


Hindi nagwakas sa seryeng Walang Hanggan ang tambalang Julia Montes at Coco Martin.

Ang pelikula nilang A Moment In Time ang magsisilbing Valentine offering ng Star Cinema ngayong taon.

Naging live guest si Julia sa The Buzz kahapon, February 3, at nabanggit nitong "ibang Julia" ang mapapanood dahil palaban na raw siya rito.

Kuwento niya, “Ang A Moment in Time ay hindi siya typical na love story.

“Marami po kasing mata-tackle sa movie natin sa Pilipinas na love story.

“Ito, ang masasabi ko… kakaiba siya kasi makaka-relate ka—relatable siya lalo na sa mga ka-age ko.

“Like si Julia rito ay mag-e-eighteen, so talagang makaka-relate sa mga ka-age at kung paano mo iha-handle ang mind over heart. Parang ganoon.”



ON LOCATION. Ito ang pelikulang nag-shooting pa sila sa Amsterdam, Netherlands. Pero ayon kay Julia, marami rin daw magagandang lugar na nakuhanan sa Pilipinas.

Marami nang naging love-story movies ang Star Cinema, ano ang masasabi niyang kaibahan ng pelikula nila ni Coco?

Tugon ng young actress, “Kagaya po ng mga suporta sa Walang Hanggan, medyo mabigat kasi ang love story sa Walang Hanggan.

“Pero ito, paglabas mo ng sinehan, kikiligin ka, mai-in love ka.

“Talagang feel-good movie—talagang love story.”



COLLEAGUE. Sila ni Coco, matagal na rin silang magkasama bago pa man ang Walang Hanggan.

Kumusta ba si Coco bilang isang katrabaho?

“Si Coco po kasi, sobra siyang maalaga on- and off-cam.

“Kung napansin ninyo yung kanina, nag-aano ako sa mata ko, bantay ka niya, hindi lang sa role mo… kung hindi pati yung looks mo, paano ka umupo…

"Like yung sa akin, bantay niya ako kung paano ako umupo.

“Kumbaga, hindi siya typical na leading man lang.”

Napapansin na raw ng iba na yung closeness nilang dalawa ay mas nag-e-elevate. Nanliligaw nga ba si Coco sa kanya?

Sagot ni Julia, “Yung closeness namin, mas naging close talaga kami ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung tipong kahit saan, naghaharutan, makulit.

"Makulit kasing talaga si Coco.”



UNDERAGE. Ayon naman kay Toni Gonzaga, na siyang nag-interview kay Julia, mas lalo na ngayon na “certified single” na ang young actress.

Natatawang sagot naman ni Julia, “Ang feeling ko kasi ngayon, ang nililigawan niya, lola ko!”

Paano nililigawan ni Coco ang lola niya?

“Mas close kasi sila. As in, may bonding sila na kapag nasa set ang lola ko, sila ang palaging magkasama, sila ang palaging magkausap.”

Muling inulit ni Toni ang tanong kay Julia kung nanliligaw na nga ba si Coco sa kanya.

Nakangiting sagot naman ni Julia, “Wala pa namang ganoon kasi, sabi nga niya, wala pa raw akong eighteen.

“Binibiro niya akong, ‘Wala ka pang eighteen, e… wala ka pang eighteen.’”

Pero kung eighteen na siya, manliligaw na ba si Coco?

“Hindi ko alam!” natatawa niyang sabi.

Sa March 19 ay mag-e-eighteen years old na si Julia.

GENTLEMAN. Ano ba ang magagandang katangian ni Coco na nagugustuhan niya, hindi lang bilang aktor ito kung hindi bilang isang lalaki?

Sagot ni Julia, “Si Coco kasi, gentleman. Isang one word lang ang masasabi ko sa kanya—gentleman.

“Kasi, hindi lang sa co-actors niya kung hindi sa lahat ng nasa paligid niya, maalaga siya.

“Kung mapapansin ninyo siya sa set, pati sa crew, inaalagaan niya.”

Totoo nga ba na si Coco ang dahilan kung bakit nagkalabuan sila ni Enchong Dee?

“Wala namang ganoon, wala po.

“At saka, hindi rin naman namin napag-uusapan si Enchong… ever since.”

Hindi sila nag-uusap ni Enchong?

“Hindi naman sa hindi nag-uusap. Nagkikita naman kami, like sa ASAP… okay naman.”

Ngayon naman, dahil sa teleseryeng Juan dela Cruz, tila naudlot daw ang panliligaw ni Enchong kay Erich Gonzales.

Ano ang reaksiyon ni Julia sa balitang ito?

“Okay lang, wala naman akong karapatan, e, so, hindi ako puwedeng mag-react.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pa, inamin naman ni Erich na may non-showbiz boyfriend siya ngayon.

Totoo bang si Coco ang escort ni Julia sa kanyang debut?

“Baka mamaya, maudlot,” nakangiting sagot niya.

Pinilit pa ring pinasagot si Julia kung sa debut niya ay si Coco nga ang escort niya.

“Yes,” nakangiti niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN