Gabby Eigenmann on reported reconciliation of Andi Eigenmann and Jake Ejercito: "When Jake was here, binibisita niya si Andi. Pero I don’t think the relationship is there..."

Nang tanungin kung mas mataas na ang talent fee niya ngayong may kontrata na siya sa GMA-7, ito ang naging sagot ni Gabby Eigenmann: "Kasi ako, basta may kontrata o wala, okay lang sa akin. I’m just happy because I feel like I’m wanted, I feel like I’m needed... Yung ganoon, kaya natutuwa naman ako.”


Magtatapos na this week ang afternoon soap ng GMA-7 na Sana Ay Ikaw Na Nga.


Inisa-isa ng cast member na si Gabby Eigenmann sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga mami-miss niya sa kanilang programa.

Sabi niya, “Mikael for one.

"Mikael kasi, ah... tatlo talaga kami dito talaga na madalas mag-ano, e... talagang we have fun, e.”

Kasama sa sinasabing tatlo ni Gabby ang male lead na si Mikael Daez at ang female lead na si Andrea Torres.

Si Gabby raw ang mentor ni Andrea, ayon sa dalaga in an interview, kaya mami-miss siya nito.

Sabi naman ng aktor, “Actually si Andrea din, mami-miss ko nang sobra-sobra kasi natutuwa ako.

“Kasi I cannot say she’s a newbie, e.

“But then, she’s given a role na hindi naman ganoon kadaling gampanan...

“Natutuwa ako, kasi she’s willing to learn, she’s willing to listen."



GUIDE. Hindi tahasang nagtuturo si Gabby, pinababayaan lang daw niyang panoorin at bigyan niya ng payo ang mga baguhan.

“Ako naman, hindi naman ako palaturo.

"Sabi ko nga, I don’t teach, I just let them learn kung ano yung nakikita nila.

“Kasi, madalas kasi humingi ng advice, e, like kung ano’ng gagawin niya bawat eksena.

“Andito ako to guide her... same thing with Mikael.

“Kaya nga natutuwa ako sa dalawang pinakabagong loveteam na ito, kasi nagbigay sila ng respeto at tiwala sa akin.

“Nahihiya naman ako, kasi ayokong mabansagang veteran actor!” at humalakhak si Gabby.

Dagdag niya, “Ayoko! Kasi mentor daw, so nahiya naman ako.”

Nakausap ng PEP si Gabby sa taping ng Sana Ay Ikaw Na Nga last January 25 sa Valenzuela City.

Hindi lang daw si Gabby ang dapat pasalamatan sa magandang ratings ng Sana Ay Ikaw Na Nga.

Saad niya, “Natutuwa ako, kasi iyon nga... actually lahat, e, lahat ng cast—kina Ynna [Asistio], kina Marky [Lopez].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit nga yung mga nag-guest lang, nakakaaliw kasi they’ve contributed so much to the show.

“Hindi naman namin aakuin na kaya nag-number one ang show na ito, dahil sa akin or dahil kay Andrea or dahil kay Mikael...

“Dahil sa buong cast, sa buong team and I always take it into consideration na I don’t...

“Especially me, I don’t work on my own, I work as a team—the same thing with them.

“We all shed blood, sweat, and tears dito."



GOOD RATINGS. Ang original na Sana Ay Ikaw Na Nga ay nasa primetime noon ng GMA-7, ngunit nang gawan ito ng remake ay naging panghapon ang timeslot nito.

Sina Dingdong Dantes at Tanya Garcia ang nagbida sa original primetime series.

Kuwento ni Gabby, “Kasi from primetime yun, e, tapos ginawang hapon, e.

“So yung mga manonood ng panghapon, nagpakita na napakalakas pala talaga ng suporta nila sa mga programa sa afternoon prime, so natutuwa kami.

“Kasi ang Sana Ay Ikaw Na Nga ay na-lift nila to be in the top spot for quite some time... for the longest time.

“Kaya nga natutuwa kami dahil na-extend kami."

Maraming pagkakataon na tinalo nila ang ibang programa ng daytime sa ibang istasyon.

“Oo nga, umabot daw sa punto na ganoon yung daytime ratings.

“Natutuwa naman kami, kasi it’s always been a healthy competition amongst other networks and it’s healthier...

“If we’re competing against each shows dito sa GMA, kasi nakakatuwa dahil pagalingan ang EP [executive producer], pagalingan ng produksyon, so nakakatuwa...

“Kasi, healthy competition naman yun and that’s what drives us to finish first or to finish the race on top.”



MOM’S CONCERN. In a recent interview, sinabi ni Jaclyn Jose na hindi na ito mangingialam sa anak nitong si Andi Eigenmann para hindi na sila nagkakaroon ng misunderstanding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon ng tampuhan sa pagitan ng mag-ina nang magsalita si Jaclyn tungkol sa mga magulang ng ex-boyfriend ni Andi na si Jake Ejercito—sina dating Pangulong Joseph Estrada at ang dating aktres na si Laarni Enriquez.

Si Andi ay half-sister ni Gabby dahil iisa ang kanilang ama—ang aktor na si Mark Gil. Ang ina naman ni Gabby ay ang dating model-actress na si Irene Celebre.

Reaksiyon dito ni Gabby, “Ah... sabi-sabi lang yun! Hindi totoo!

"Love ko si Tita Jane [Jaclyn]...

“Ang nanay, kahit magsalita sila ng ano, they will only just be words.

“But deep inside, nanay pa rin yun, e... imposible naman yun.

“Hindi naman sa mangingialam siya, but she’ll always be there, she’ll always guide and protect her daughter.

“And that’s what I admire about her because in spite of everything that’s been happening, she’s been around, she’s been there.

“Whether voicing or not voicing or whether, you know, commenting on each and every issue...

“Kung tahimik man siya, mararamdaman mo talaga na parating nandidiyan siya for Andi.”



CLOSE SIBLINGS. Lagi raw nakakasama ni Gabby si Andi.

“Yeah, we always see each other every Sunday, we make it a point na Sunday’s a family day.”

Hindi na nga ba nag-uusap sina Jaclyn at Andi lately?

“Hindi naman. Siguro ano ‘yan, hindi maaalis yung konting tampuhan nila kasi siyempre, Andi’s… to me, she will always be a baby.

“But to her, she’s a young mom, she’s trying to be independent on her own...

“And I guess, now is the right time kasi she has a daughter.

"Now is the right time to explore being a single parent, being a mom.

“But then again, siyempre hindi niya... sabi ko nga, hindi naman pinapabayaan ni Tita Jane ‘yan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So yung mga tampuhan nila, it’s just... siguro nagka-clash kasi nga nanay ka, e...

“E, nanay din itong isa so... and lola din, siyempre always wants the best for their apos.

“So, iyon naman lagi ang sinasabi ko kay Andi, like, ‘You know, don’t worry too much. Because don’t think and don’t feel that you’re missing out on your younger life.’

“O yung pagiging, you know, pagiging bata niya, kasi nga maaga siyang naging mommy, e.

“Sabi ko, ‘You’re not missing out, kasi life’s a choice, e. This was a choice, you made this choice now, there’s a God-given gift to you. It’s also a choice, kasi tinanggap mo ‘yan, e, di ba?’"

Magkasama pa rin daw ang mag-ina sa bahay.

“Pero kasi si Tita Jane, mas more of, mas nahiligan niyang magpunta sa Laguna, sa Nuvali...

“Kasi may bahay siya doon and it’s relaxing. Stressful kasi dito sa Manila, e.”



RECONCILED? May lumabas ding balita na nagkabalikan na diumano sina Andi at Jake pero inililihim lang nila. Totoo ba ito?

“Sabi? Parang hindi,” diin ni Gabby.

“Pero sa pagkakaalam ko, I cannot deny it naman, e, when Jake was here, binibisita niya si Andi.

“Pero I don’t think the relationship is there... I don’t know if it’s true.

“Kasi lagi naming kasama si Andi every Sunday nga, siya yung madalas magkuwento na, ‘O, kausap ko si Jake.’

“Na nakakapag-usap sila ni Jake... wala namang sinabing iba.”

Hindi niya tinanong si Andi kung sila na ulit ni Jake?

“Kasi feeling ko, hindi rin naman aamin yun sa akin directly.

“Kasi, it came to a point na noong lumabas yung issue about Jake, saying all those stuff sa PEP, hinihingan nga nila ako ng reaksiyon, e.

“Sabi ko, ‘Actually ayokong makialam.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘I always believe what I see, not what I hear or, you know... so we’ll just see what happens.’

“Ayokong mangialam kung magkaroon man sila ng relasyon ulit—ayokong makialam.”



PROTECTIVE DAD. Si Gabby naman ay isa na ring ama na may apat na anak. Seventeen years old na ngayon ang panganay niyang lalaki.

“Lalaki, babae, tapos dalawang lalaki na magkasunod” ang apat na anak niya: Sina Josh at Gab na anak ng asawa ni Gabby na si Apple sa karelasyon nito noong si Joko Diaz, at sina William at Matthew na sariling anak nina Gabby at Apple.

Mag-aartista ba ang mga ito?

“Kung gusto nila, pero as much as possible, ayoko.

“They all love to sing, so if they would want, hindi ko alam, depende.

“Ako kasi, school first, that was my frustration, e."

Inamin ni Gabby na very protective siya sa nag-iisa niyang anak na babae na fifteen years old ngayon.

May nanliligaw na ba dito?

“Wala naman so far.”

Takot sa tatay?

“Dapat!” at tumawa ang aktor.

Hindi naman daw siya sobrang higpit dito.

“Depende, case-to-case basis, kasi I don’t wanna hold on too much kasi baka masakal.

“Pero ayoko rin namang maging maluwag, dahil baka lumipad nang malayo.

“Yung tama lang.”



A CONTRACT, AT LAST. Masaya namang ibinalita ni Gabby sa PEP na after sixteen years, may kontrata na siya sa Kapuso network.

“Finally!” bulalas niya.

“Bago ako ma-nominate sa Asian TV Awards, December, nailatag na yung kontrata for me.”

Tatlong taon ang kontrata ni Gabby.

“Kaya noong paglalatag noong kontrata, wala nang isip-isip!

“Because I’ve always been loyal to GMA, this is my home network, e.

“And I’ve come to trust them and they’ve learned to trust me also.

“Natutuwa naman ako, kasi kahit wala namang kontrata, kahit walang kasulatan, they’ve always given me projects na yung hindi ako pinagpapahinga nang matagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya na itong pagtatapos ng 2012... iyon nga, na-nominate ako sa Asian TV, tapos iyon nga, nagkaroon ng kontrata.

“Sabi ko, it’s always at the end of the year, so I guess it goes to show na I always make it a point to start the year right.”

Mas mataas na ba ang talent fee niya?

“Sana!” at muling tumawa si Gabby.

“Ganoon ba iyon? Kasi ako, basta may kontrata o wala, okay lang sa akin.

“I’m just happy because I feel like I’m wanted, I feel like I’m needed...

“Yung ganoon, kaya natutuwa naman ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN