Manny Pacquiao admits to asking forgiveness from God and wife Jinkee for his "mga karumal-dumal na kasalanan”

Ito raw ang sinabi ni Manny Pacquiao sa asawang si Jinkee nang humingi siya ng kapatawaran: “Sabi ko, ‘Babe, this time, hindi ako mangangako sa iyo. Hindi ako sa ‘yo mangangako kundi sa Panginoon ako mangangako.’ Dahil sinurender ko na ang buhay ko sa Kanya."


Kinapanayam muna ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang dalawang pares ng ordinaryong mag-asawang panauhin sa kanyang bagong show sa GMA-7, ang Para Sa ’Yo Ang Laban Na To, pagkatapos ay siya naman ang nagkuwento ng pinagdaanang pagsubok nila ng kanyang asawang si Jinkee Pacquiao.

Kasama ang co-host ni Manny na si Jean Garcia, tinatalakay ng Para Sa ’Yo Ang Laban Na To ang mga problema ng mga manonood at sinisikap ayusin at bigyang-liwanag ng palabas ang mga ito.

Kaninang tanghali, February 4, sa Studio 7 ng Kapuso network, ay kinunan ang Valentine presentation ng nasabing self-help-talk-drama show ni Manny na ipalalabas sa darating na Linggo, February 10.

Unang nagkuwento ang mag-asawang ayaw nang tanggaping ng babae ang asawang nang-iwan sa kanya ng labindalawang taon.

Ang isa namang couple ay pinatawad at tinanggap ng babae ang lalaki pagkatapos siyang iwan ng tatlong taon dahil sa ibang babae.

“Yung dalawang mag-couple kanina na na nandito ay naka-relate ako sa istorya ng buhay nila… mga karanasan ko sa buhay,” umpisa ni Manny.

“Maraming tao na alam yung issue na yun.

"Ngayon… basta, ito nalampasan namin yung issue na yun."

Tanong ni Jean: “Paulit-ilit mong sinaktan si Jinkee, kailan mo nasabing tama na?”

Sagot ng Pambansang Kamao, “I always… before that, I always think how to gratify the desires of the flesh. Yung ma-satisfy yung sarili ko, yung gusto ko.

“But, a… may nabubuong pride din sa sarili ko, ‘Bakit ako ano… ako si Manny Pacquiao ba’t ako mag-aano sa asawa ko?’”

Ang nais niyang tukuyin ay ang magpakumbaba.



BROKEN PROMISES. Pagpapatuloy ni Manny, “Ilang beses akong humingi ng tawad sa asawa ko.

"Sabi ko, ‘Patawarin mo ako. Magbago na talaga ako.’

"Pero laging bigo dahil siyempre ang daming mga nasa paligid. Kumbaga sa ano, kung anong gusto ko, nakukuha ko.

“Pero noong tinanggap ko ang Panginoon sa buhay ko, nalaman ko kung paano magpakumbaba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan talaga para mabuo ang isang pamilya, para mabuhay kayo nang mapayapa at masaya…

“Sana marinig nila at makuha nila at makapagbigay ng inspirasyon sa kanila…

“Sa akin is kinalimutan ko yung pride na nararamdaman ko.

"Ako mismo, sa sarili ko, humingi ako ng tawad, unang-una sa Panginoon."



PROMISE TO GOD. Paano siya humingi ng kapatawaran kay Jinkee?

“Sabi ko, ‘Babe.’ Babe kasi ang tawagan naming dalawa…"

Dito kinilig ang audience sa mga sinabi ng People’s Champ.

“Sabi ko, ‘Babe, this time, hindi ako mangangako sa iyo. Hindi ako sa ‘yo mangangako kundi sa Panginoon ako mangangako.’

"Dahil sinurender ko na ang buhay ko sa Kanya.

“’Kung anuman ang mangyari, na sa ‘yo... kung tanggapin mo ako ulit. Pero ako, nandito akong nagpapakumbaba, humihingi ng tawad kung anuman ang nagawa kong kasalanan… na hindi ka dapat magsakripisyo nang ganito.

“’Ako ang may kasalanan ng lahat. Tanggap ko ’yan. Basta okay na sa ’kin na mapatawad mo ako kahit hindi mo ako tanggapin.

“’Maluwag lang sa kalooban ko na nakahingi ako ng tawad sa ‘yo at sa Panginoon. Nakagawa kong mga karumal-dumal na kasalanan...”

Natawa si Manny sa ginamit niyang salita sa pagkukuwento.

Karumal-dumal ba?

“Karumal-dumal!" natatawa pa rin siya.

“At alam mo, nabuo yung pamilya ko at ang pinakamalaking leksiyon talaga doon, kailangan talaga ang Panginoon.

"Kailangan, God is the center of the family. God is love, e.

"Without God, iba yung love.

“You can love someone because you need something.

"The love that I’m talking about is love na… unconditional love.

“Kaya iyon, marami akong natutunan na magbigay inspirasyon sa lahat ng…

"Kailangan, bilang padre de pamilya, kahit na may mga asawa na, ‘Blah! Blah! Blah!’

"Gano’n di ba? Kahit na mali, o tama sila, marunong tayong magpakumbaba.”

Magandang assurance yung hindi siya nangako kay Jinkee kundi nangako siya sa Panginoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maraming mga tao na nagsasabi na, ‘I accept God. I believe God.’

"Pero sa totoo lang, yung mga nagsasabi na they are accepting God, naniniwala sa Panginoon, ay talagang ina-apply sa sarili niya.

“Pero if they keep on sinning deliberately, hindi talaga niya tinanggap ang Panginoon. Wala silang takot sa Panginoon.

“Kailangan sa lahat ng bagay, ang Panginoon ang importante talaga.

“Kasi makikita yun sa buhay mo. Pero kung ipapakita mo lang na ganyan…” napatigil niyang pahayag.

Lalabas at lalabas?

“Makikita sa bunga ng buhay mo. Nakikita naman nila ngayon na dati nakikita nila ako sa iba’t ibang mga lugar.

“Sugalan, sabungan, inuman...

"Pero ngayon, nakikita nila na ang hawak ko palagi yung Bibliya na nagbibigay sa akin ng liwanag. Nagga-guide sa akin sa tamang pamumuhay.”

Saan niya pinaka nasaktan si Jinkee?

“Naku, alam na po yun. Alam na nila. Marami, e... marami. Hindi ko na iisa-isahin pero…

“Ang dami. Yung mas pinili ko yung iba kesa sa kanya.

“Pero sa totoo lang, habang kapiling ko yung iba, ang nasa puso at isipan ko, pamilya ko.

“Ang sabi ko, ‘Ano itong ginagawa ko? Ano itong ginagawa ko? Ang pamilya ko, kawawa naman sila. Laging iniisip ako at umiiyak sila. Ako nandito nagpapasarap.’

“Satotoo lang, nang malaman ko lahat ‘yan, parang gusto ko nang mawala sa mundo.

"Sabi ko, mabuti pang mamatay na ako kasi wala na akong silbi.

“Hindi na ako karapat-dapat na magbalik pa sa Panginoon dahil sa lahat ng nagawa ko na mga kasalanan.

"Na kung ako lang na tao kung iisipin ko ay hindi na ako mapapatawad.

“Umiiyak ako na ako lang mag-isa na humihingi ako ng tawad sa Panginoon.

“Pero ngayon, ‘Ang buhay ko para sa ’Yo.’

"Hindi ko na iniisip kung anuman na… kinu-consider ko yung buhay ko na patay na at nasa piling na Niya. Nasa kamay na Niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BYE GIRLS! Masasabi ba niyang wala na siyang ka-"chicks-chicks" ngayon?

“Wala na,” tugon ni Manny.

Wala na talaga?

“Wala na,” malumanay niyang sabi.

“Kailangan magsabi tayo lagi ng truth.

"Kasi yung bunganga natin, pag na nasalita tayo, ano ginagamit natin? Yung bunganga natin, yung bibig natin.

"Tapos nagdasal tayo tapos gumagawa tayo ng kasinungalingan…

“Kung lagi tayong nagsisinungaling, lagi tayong nagla-lie tapos ginagamit natin lagi tayong nagdadasal sa Panginoon…

"Parang yung kutsara, ginano’n mo sa putik, ‘O, ito, gamitin mo.’

"Magamit mo kaya yung kutsara na nilublob mo sa putik?

“Kahit na puwede mong sabihin ang totoo pero nasanay kang magsinungaling, magsisinungaling ka.

“Sabi ng Panginoon, ‘Work your own salvation. I’ve told you everything ahead of time.’

"Sinabi na Niya sa atin ang lahat, alamin natin sa papapagitan ng pagbabasa ng Bibliya lagi. ‘Yan ang gabay at kaligtasan natin."



HAPPY HEART’S DAY! Ano ang message niya kay Jinkee sa Velentine’s Day?

“Love, love, love, love, love!” sabay tawa niya.

Sa kanilang mga anak?

“Sa pamilya ko…” napapikit niyang sambit sabay pigil na mapaluha.

“I love you so much at…” ang hindi niya tapos na pahayag na dinaan na lang sa ngiti.

CLICK HERE for the video of Pacquiao’s interview.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN