Kim Chiu maintains professional relationship with Maja Salvador on the set of Ina Kapatid Anak

Ito ang sagot ni Kim Chiu tungkol sa working environment sa set ng teleseryeng Ina Kapatid Anak sa kabila ng isyu sa pagitan nila ng co-star niyang si Maja Salvador: “Yung mga artistang nakapaligid sa amin, sobrang magagaling at nadadala na rin nila kami sa kung papa’no sila umarte. Ganun na rin kami, kasi siyempre nakakahiya para sa amin kung hindi namin ibigay yung 100 percent namin.”


Binalewala na lang daw ni Kim Chiu ang intriga sa kanila ni Maja Salvador na nag-ugat sa pagkakaugnay ni Maja sa ex-boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson.

Ayon sa ulat ng TV Patrol ngayong gabi, February 4, sinabi ni Kim na maayos naman ang kanilang working environment sa set ng teleserye ni Maja na Ina Kapatid Anak. Professional naman daw lahat ng cast members.

Pero hindi direktang binanggit ni Kim ang pangalan ni Maja.

Aniya, “Yung mga artistang nakapaligid sa amin, sobrang magagaling at nadadala na rin nila kami sa kung papa’no sila umarte.

“Ganun na rin kami, kasi siyempre nakakahiya para sa amin kung hindi namin ibigay yung 100 percent namin.”

Sunod pang tanong ni Mario Dumaual kay Kim kung “no more intrigues” na ba sila pagdating sa set.

Sagot ni Kim, “Oo, ang importante, kung trabaho, trabaho, di ba?”

Dagdag pa sa ulat, isang production insider daw ng Ina Kapatid Anak ang naglinaw na mali ang balitang umiikot ngayon na hindi nagkikibuan sina Kim at Maja pagdating sa set.

Naka-move on na raw kasi si Kim dahil may nagpapakilig naman daw dito ngayon—ang kanyang ka-loveteam na si Xian Lim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN