PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruru Madrid on getting more projects than Protégé winner Jeric Gonzales: “Siya, meron na siyang milyon… mas blessed naman siya sa akin.”

Ruru is proud to be cast in an indie film which will compete in international film festivals.
by Glenn Regondola
Published Feb 5, 2013
Sunud-sunod ang projects ngayon ng baguhang young actor na si Ruru Madrid. Sabi niya tungkol dito, “Inside, ang gaan-gaan ng feeling ko… Iba pala talaga kung malapit ka sa Diyos.”

In high spirits ang Protégé: The Battle For The Big Artista Break finalist na si Ruru Madrid nang nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa, noong Linggo, February 3.

Kakaiba raw ang saya niya dahil sa magandang takbo ng kanyang TV career.

“Inside, ang gaan-gaan ng feeling ko,” panimula niya.

“Kasi, ang gaganda ng blessings na ibinibigay sa akin ng Panginoon.

“Something na hindi ko naman directly hiningi pero kusa Niyang ibinibigay.

“Iba pala talaga kung malapit ka sa Diyos.

“Like, tingnan ninyo ang Paroa, akala ko matatapos na kami, pero na-extend pa another week.

"Bale hanggang March 1 tatakbo ang Paroa.

“Ngayon nga, ang saya namin kasi halos lahat kumpleto ang cast—andito sina Tita Maritoni [Fernandez] at iba pa.

“Tapos dinalaw pa kami ni Kuya Germs [German Moreno]… sino naman ang hindi matutuwa, di ba?”



PROJECT LINEUP. Ngayong patapos na ang kanyang project, ano ang plano sa kanya ng GMA-7?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Ruru, “Hindi ko pa alam yung susunod kong project.

“Pero ang pagkakaalam ko, four shows ang naka-lineup sa akin this year."

Kung sakali mang matuloy ang apat na shows na yun, magiging sobrang busy si Ruru this year.

“Tiwala naman ako sa Artist Center na hindi nila ako papabayaan.

“Well, I hope, ma-bless din ako ng marami and ibabalik ko naman yun sa mga taong nagmamahal sa akin.

“Yung pamilya ko… hindi nila maiwasang mag-pray din for me.

“Kasi, alam nila na lahat naman ito ay ginagawa para din sa kanila. Tinutulungan ko din naman.”



STEP AHEAD. Marami pang film projects ang maaaring ipagkatiwala kay Ruru, hindi kaya ma-insecure sa kanya ang Protégé winner na si Jeric Gonzales?

Itinanghal na male and female winners ng Protégé noong isang taon sina Jeric at Thea Tolentino.

Tinalo ni Jeric ang kapwa niya finalists na sina Mikoy Morales at si Ruru; samantalang si Thea naman ay tinalo sina Zandra Summer at Elle Ramirez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging mentor naman ni Ruru si Phillip Salvador.

Aniya, “A, hindi naman siguro, may kanya-kanya naman projects.

“Tulad ngayon, meron siyang [Jeric] Teen Gen. So, bahala na sa amin pareho ang Artist Center.

“Wala naman kami sa point na parang nag-iisip na magkakumpitensiya kami.

“Even before sa Protégé, kahit contest yun, magkakaibigan kami.

“Ang importante, pareho kaming nabibigyan ng work.

“Siya, meron na siyang milyon [pesos] at iba pa for being the winner… mas blessed naman siya sa akin.”



CASH VS. CAREER. Wala man siyang isang milyon cash na premyo, ibang premyo naman ang kanyang natanggap—ang isang pelikula na pang-international pa.

“Ah, yeah,” nakangiting sabi niya.

“May gagawin akong isang indie film.

“Ang ganda ng istorya. Ipanlalaban nga raw ito sa international film festivals.

“Sa akin na-center ang character. Tapos, makakasama ko pa si Sir Pepe Smith.

“Grabe, ibang klase ang movie na ito!

“Aside from this, malapit na ding ipalabas ang My Lady Boss.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi naman ganoon kalaki ang role pero kasama ko si Marian Rivera… wow, super-saya!”



LOVETEAM. Tinanong ng PEP si Ruru kung totoong silang dalawa ni Barbie Forteza ang susunod na ibi-buildup as loveteams.

“Hindi pa naman ako sigurado,” aniya.

“May nagbibiro sa amin na bagay din kami na i-partner. Siguro sa future shows, pero di ko sure kung as loveteams.

“Kasi ang GMA, parang gusto niya yung laging may ibang nakikita ang televiewers—lahat tina-try nila kung magki-click ba o hindi.”

Pero okey lang ba sa kanya maka-partner si Barbie?

“Oo,” mabilis niyang sagot.

“Si Barbie kasi, close na din naman kami niyan. Nagkukulitan din kami.

“Dito sa set, nagbibiruan lagi kami lalo na pag wala kaming take.

“Well, I hope okay din sa kanya.”

Hindi kaya ito pagsimulan nang pagkaputol ng pagiging magkaibigan nila ni Derrick Monasterio, na siyang ka-loveteam ngayon ni Barbie?

“Hindi naman siguro,” tugon ni Ruru.

“Sa akin naman kasi, trabaho lang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m sure, ganoon din naman ang tingin ni Derrick, just in case na may ganoon ngang plano ang GMA.

“I don’t think kasi of the negative side, kasi kung yun ang side na titingnan mo, parang pababa nang pababa ka.

“Gusto ko, to look at the positive side. Kasi kahit anuman, e, puwedeng maging possible.

“Ang most important, hindi mo inaalis yung pinagsamahan ninyo.”



PHYSIQUE. At this point, pinansin ng PEP ang pagiging payat ni Ruru. For a teen idol, hindi kaya isa itong setback sa kanya?

Sagot ng teen actor, “Aware naman ako na laging napapansin ang pagiging payat ko.

“Kaya nga tina-try ko ang na ma-improve ito. Ngayon, nagsu-swimming ako, then nagdya-jog ako.

“Fifteen pa lang kasi ako kaya hindi pa ako puwedeng mag-workout, as in yung magbubuhat ng dumbbells.

“Pag dumating na ako sa right age na okey na, gagawin ko—magugulat kayo!” natutuwang pagbabanta ni Ruru.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunud-sunod ang projects ngayon ng baguhang young actor na si Ruru Madrid. Sabi niya tungkol dito, “Inside, ang gaan-gaan ng feeling ko… Iba pala talaga kung malapit ka sa Diyos.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results