Mikael Daez on being an actor: “Every day, I’m working and trying to improve and I know that, slowly but surely, I’ll get to where I wanna be.”

Bagamat naging malaking tagumpay ang pinagbidahan niyang soap, ang Sana Ay Ikaw Na Nga, wala pang kasunod na proyekto sa GMA-7 si Mikael Daez. Pero hindi naman nangangamba rito ang model turned actor. Aniya, “Gaya nga ng sabi ko, may tiwala naman ako sa management na hindi ako pababayaan. At saka usually, pag ganyan, they’ll throw away my name around and they’ll tell me baka puwede ka rito."


Hindi nag-aalala si Mikael Daez kahit wala pa siyang siguradong proyekto kasunod ng panghapong teleseryeng Sana Ay Ikaw Na Nga, na magtatapos na sa Biyernes, Pebrero 8.

May tiwala naman daw siya sa GMA-7 at sa GMA Artist Center (GMAAC) na hindi siya pababayaan. Co-managed si Mikael ng GMAAC at Mercator Model And Artist Management ni Jonas Gaffud.

Higit sa anupaman, malaki ang pasasalamat ni Mikael sa GMA-7 sa pagbibigay sa kanila ni Andrea Torres ng lead roles sa remake ng Sana Ay Ikaw Na Nga.

Hindi nga raw nila akalaing mae-extend ang airing ng show nila na intended lang sana for 16 weeks.

Sabi ni Mikael, “I’m very happy and grateful na we ran for 23 weeks, almost six months. So, super-duper happy with it.

“I was even happier with the finale.

“I was telling our EP [executive producer]… we had a very emotional cast party nung Saturday [February 2].

“Sabi ko, ‘You know why I looked back and reflected on our finale taping in Baguio? Because I really felt the emotion came out of my character, the way we’re focused on the work, the kind of scenes that we had.’

“Para sa akin, bagay na bagay siya.

“I mean, it’s my first finale [in a soap], so it’s the first time na naramdaman ko yun.

“Wow, naramdaman ko na finale talaga. And it’s my first time to start and end a teleserye.

“I’m proud of it.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael sa pocket presscon na ibinigay ng GMA Artist Center para sa kanila ni Andrea kahapon, Pebrero 4, sa 17th floor ng GMA Network Center.



MORE OPPORTUNITIES. Sinasabing ang first big project can either make or break an artist. Para ba kay Mikael, naramdaman ba niya na he made it with Sana Ay Ikaw Na Nga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ng model-actor, “Well, looking at Sana Ay Ikaw Na Nga, I think it was a big success.

“I mean, we were number one at the ratings game for quite a while.

“Actually, for almost the whole run, we were number one. I am very happy with it.

“It brought me so many opportunities in terms of endorsements, I have Centrum, I have Watson’s coming up. Hopefully, a few more this year.

“So, for me, I am extremely happy.”

Malaki rin daw ang naitulong ng Sana Ay Ikaw Na Nga sa kanya in terms of acting.

“In terms of acting, masasabi ko nag-mature ako, nag-improve ako.

“Every day, I’m working and trying to improve and I know that, slowly but surely, I’ll get to where I wanna be.”

Pero hindi ba siya nalulungkot na pagkatapos ng successful project ay hindi agad ito nasundan?

“Gaya nga ng sabi ko, may tiwala naman ako sa management na hindi ako pababayaan.

“At saka usually, pag ganyan, they’ll throw away my name around and they’ll tell me baka puwede ka rito.

“But just like for SAINN, you know until I do that first taping day, nothing is set and done.

“Kahit sa storycon minsan, nagkakapalitan pa ng characters.

“So, ako right now, I’m ready. With or without a show, I prepared several things I want to do.

“Actually, even while this [SAINN] is going on, I plan on getting into running.

“I have a schedule of workshops lined up already—acting, hosting—for the month of February.

“Because like I said, for my next project, my promise to GMA is I want to keep on improving, I want to show them na nag-i-improve ako.

“I also want to set up a charity work na collaboration with my lola.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ANDREA IS JUST A FRIEND. Kadalasang nagkakadebelopan ang mga ka-loveteam kapag gumagawa sila ng sarili nilang teleserye. Pero bakit sa kanila ni Andrea ay tila wala yatang romance na nabuo?

“Between Cecilia and Carlos Miguel [mga karakter nila sa soap], maraming nabuo,” biro ni Mikael.

“But between the two of us, I think we’re very good friends.

“I always tell people, especially sa mga set visit, na I think the strongest thing about our production team was our togetherness.

“Lumabas yung cohesiveness namin in terms of quality of work, yung output namin.

“Lumabas talaga yun because we were so cohesive when we’re together.”

Hanggang magkaibigan lang daw muna sila ngayon ni Andrea.

“We’re good friends. We develop a good working relationship, good friendship. May na-develop namang ganun.”

So, hanggang doon lang?

“Yeah, so far. I don’t know. We’ll see.”

Okay lang ba sa kanya na sila ulit ni Andrea ang magkapareha sa susunod niyang project?

“Oo, why not? We had a good working relationship. So, okay lang.”


STILL SEEING MEGAN. Hindi kaya ang patuloy na pagkaka-link ni Mikael sa Kapamilya actress na si Megan Young ang nagiging hadlang para may mabuo sa kanila ni Andrea?

Sagot ni Mikael, “Hindi naman. Sa ngayon kasi, pareho kami ng goal ni Andrea—we want to focus on our careers.

“Hindi naman namin goal na maging kami. Ang goal namin, maging successful yung show.”

Muli ring ipinagdiinan ni Mikael na magkaibigan lang sila ni Megan.

“She’s been there… I mean they have been talking about her during my whole career for a year and a half.

“But like I said, we’re friends. I mean, that doesn’t change.”

So, hanggang ngayon ay nagkikita pa rin sila?

“Yeah, I still see her.

“Our common friends are still there. We still go to the same parties from time to time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s why siguro the rumor is still there.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN