Jericho Rosales out of Against All Odds; gets offer to do Malaysian TV series

“When it comes to projects kasi, masyadong maingat lang talaga ako. Sadyang ganun lang talaga, may iba na upak lang nang upak, may iba naman na hintay lang nang hintay,” says Jericho Rosales about not being too visible on TV nowadays.


Kinumpirma ni Jericho Rosales na hindi na siya makakasama sa cast ng upcoming teleserye ng ABS-CBN na Against All Odds.

Sa ginanap na press launch ng Vaseline Men Xterra Off-Road Triathlon Series kanina, February 5, inamin ni Jericho na hindi na siya magiging bahagi ng matagal nang napabalitang teleserye nina Judy Ann Santos, KC Concepcion, at Sam Milby.

“Uhm, schedule lang at saka yung other priorities na gusto kong gawin,” sagot ng actor-singer nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang invited media ang dahilan ng balitang ito.

Gayunman, nilinaw ni Jericho na walang samaan ng loob sa pagitan niya at ng mga namamahala ng teleserye.

Sabi pa niya, “Wala namang tampo. The management spoke to the production team and they understand.”

Pagkatapos ay inamin ni Echo, kilalang tawag kay Jericho sa showbiz, “Of course, I’m a little bit sad kasi feeling ko, na-let down ko sila.

“Baka they’re expecting na kasali na ako but biglang hindi na.

“Medyo ano lang ng kaunti, nagkaroon lang ng problema sa ibang mga bagay at sa schedule.

“There are things that I wanna do also.”

Gayunman, hiling pa rin ni Echo na maging matagumpay ang nasabing teleserye kahit hindi na siya kasama sa cast.

“Siyempre, I wish them so well and I’m sure it’s gonna be a hit.

"Yung buong production naman, mukhang masaya silang magkakasama, so I hope maybe on the next soap,” saad niya.



DOING A MALAYSIAN TV SERIES. Hindi man natuloy ang pagiging bahagi niya sa Against All Odds, masaya pa rin si Echo dahil nakakuha siya ng offer na gumawa ng isang Malaysian TV series para sa isang broadcasting company sa Malaysia.

Kuwento ni Echo, “It’s a TV series na ipapalabas sa Malaysia.

“We got the offer last year and they guys from the network there came over para makipag-meeting sa amin... so we said yes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s a soap that will be shot in Malaysia, a little bit in the Philippines and in Paris, parang ganun.

“It’s nice, exciting siya.

“I didn’t say no to it talaga noong first time pa lang nila sinabi.”

Hindi kaya dahil sa project na ito kaya hindi na siya tumuloy sa Against All Odds?

Sagot ni Echo, “Hindi naman. Nagkataon lang kasi na na-delay nang na-delay din yung [Against All Odds].

“Nagkataon lang kasi na na-delay nang na-delay din yung [Against All Odds].

“As much as possible, gusto ko sana munang gawin ‘yon.

“But we were supposed to start November last year, di ba, or earlier than that.

“I remember accepting the project noong August or September, parang may balita na gagawa ako ng project.

“But then, na-delay ng konti. Ayun, schedule issue rin.”

Sa ngayon, hindi pa alam ni Jericho kung kailangan niyang umalis ng bansa nang matagal para sa Malaysian TV project niya.

Aniya, “Hindi ko pa masasabi.

"Yung schedule kasi nila, maybe at least a couple of months, parang ganun, o four months.

“Pero maganda yung schedule nila, e.

“Nothing’s final yet but the offer is there.

"The guys went here and we talked about schedule and stuff.”



POSSIBLE REUNION WITH KRISTINE. Sa pagkakaalam ni Jericho, bukod sa Malaysian actors, ang nasabing Malaysian TV series ay inialok din sa dati niyang onscreen partner at ex-girlfriend na si Kristine Hermosa.

Kung sakali, magsisilbi rin itong reunion project para sa kanilang dalawa.

“They also offered this to Kristine. I don’t know if tinanggap ni Kristine,” sabi ni Echo.

Hindi na aktibo ngayon sa showbiz si Kristine pagkatapos magpakasal sa aktor na si Oyo Sotto, at magsilang ng kanilang anak noong 2011.

Matatandaan na ang dating teleserye nina Jericho at Kristine na Pangako Sa’Yo (2000) ay tinangkilik hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na sa iba’t ibang bansa sa Asya, kasama na ang Malaysia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Echo, “I think, isa na ‘yon sa pinaka-astig na nangyari sa career ko.

“Umabot na yung soap sa China, sa Africa, sa maraming bansa sa Asia, and up to now, it’s still showing.

“So, parang ‘Wow!’

“But it’s about time na gumawa na ng bago.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN