Camille Prats clarifies report that she is dating player of Philippine Volcanoes

Si Camille Prats pala ang nagpakilala sa kapatid na si John kay Isabel Oli. Kuwento ni Camille, “Kasi, he’s not getting any younger and he’s at that point in his life na siguro, gusto na rin niyang paghandaan ang future niya. So, recently, we we’re all eating out, parang sabi niya sa akin, ‘Bakit ngayon mo lang kasi ako tinulungan?’”


Pagkatapos ng huling teleserye niyang Luna Blanca noong nakaraang taon, nag-a-adjust na naman ngayon si Camille Prats sa taping ng bagong afternoon soap ng Kapuso network na Bukod Kang Pinagpala.

Nami-miss daw ni Camille ang kanyang anak na si Nathan dahil sa bagong taping schedule na nakakaapekto ng pagsasama nilang mag-ina.

Kuwento niya, “Alam mo, the past few days na nag-start ako working for Bukod Kang Pinagpala, nadi-depress ako.

“Kasi, for three months, ang ginagawa ko lang, Mars ng Tuesday and Thursday."

(Ang Mars ang weekly talk show niya sa GMA News TV Channel 11.)

Sabi pa ni Camille, “So, Monday, Wednesday, Friday, Sunday, kasama ko ang anak ko sa Tagaytay.

“May mga moments ako na hindi ko alam kung nagpi-PMS [pre-menstrual syndrome] ba ako o magkakaroon ba ako.

“Nami-miss ko siya. Sobrang nami-miss ko siya.

"So, tinatawagan ko sa phone, pine-Facetime ko.

“So, siguro, nag-a-adjust lang ako ulit na every day, work ulit.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Camille sa presscon ng Bukod Kang Pinagpala kahapon, February 5, sa 17th floor ng GMA Network Center.



WIDOWED. Inamin din ng dating child star na hindi nawawala ang pagka-miss niya sa namayapang asawa na si Anthony Linsangan.

Sina Camille at Anthony ay nag-civil wedding noong January 5, 2008, sa Los Angeles, California.

Isinilang naman ang anak nilang si Nathaniel Caesar pagkalipas ng dalawampung araw.

Ginanap naman sa Pilipinas ang church wedding ng dalawa noong March 5, 2010.

Sumakabilang-buhay si Anthony noong September 23, 2011 dahil sa nasopharyngeal cancer sa edad lamang na 31.

Sabi ni Camille, “Hindi naman mawawala ang pagka-miss ko sa kanya dahil siyempre, he was a part of me since 2008 hanggang 2011.

“So, parang palagi namang nandoon yun.

“May mga moments talaga na I really miss him.

"Pero you know what? It’s been over a year... it’s been a year and a half that he has passed away.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasanay na ako. Parang nasanay na ako to be with myself.”

Dagdag niya, “Hindi ko naman masasabing lungkot, pero may mga araw that I get really lonely.

“Siguro, through God’s grace also, I get very busy, I have so much work—I’m blessed with a lot of work.

“I’m blessed with a beautiful family na grabe rin ang support system ko… so yung lungkot, medyo nababawasan.

“Medyo blessed lang ako that I have so much to do, na kaya kong paghandaan yung future ng anak ko.”



GOING OUT. Pagkatapos ng mahigit isang taon, nakahanda na ba siyang makipag-date o umibig muli?

Sagot ni Camille, “Yung dating, hindi ko naman ipagkakaila na malungkot… malungkot.

“My husband and I were together for seven years.

“So, yung seven years na yun, alam ko ang pakiramdam na may nagmamahal sa iyo, may nag-aalaga sa iyo.

“May nakakausap ka sa phone… may nakakausap ka about your day.”

Nagdi-date na ba siya ngayon?

“Hindi ako nagdi-date,” mabilis niyang sagot.

Pero nasulat na nakikipag-date na raw siya sa isang player ng rugby team na Philippine Volcanoes?

Paliwanag ni Camille, “Yung sa Volcanoes, he’s not here. He lives in a different country.

“I think he lives in New York or Australia if I am not mistaken.

“I’ve only seen him once when he guested in Mars and he started tweeting me and he got my number.

“And then, we went out for a dinner, once… pero hanggang doon lang. We were with a couple of friends.

"At hindi na naulit yung dinner na yun because he’s not here—wala naman siya rito.”

Noong New Year naman, binati raw siya nito sa Twitter at gayundin noong birthday ng kanyang anak.

Pero hanggang doon lang daw ang komunikasyon nila.

Hindi ba ito nanligaw sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi siya nanliligaw. Because I don’t think he would actually have the time to do that, kasi he’s not here.”

Kung sakali at itinuloy pala ng Volcanoes player na manligaw sa kanya, posible kaya siyang ma-develop dito?

“Parang Pinoy yung gusto ko,” nakangiti niyang sabi.

“I don’t know, ayokong magsalita nang patapos, di ba?

“Pero, parang mas kampante siguro ko sa ka-kultura.

“I don’t know, pero medyo hindi siguro.”

Pero ngayon, nasa stage na ba siya na naghahanap ng bagong mamahalin?

“Siguro kung may darating and he’s worthy of my time.

“Nakikita ko naman na maganda ang intensiyon niya sa akin, sincere naman siya…

“Siguro yung nakikita kong may future, bibigyan ko ng pagkakataon.”



NOT TRUE. Nabalita rin na interesado at nanliligaw daw sa kanya ang direktor na si Dominic Zapata. Totoo ba ito?

“Wala na yun,” mabilis namang sagot ni Camille.

“Direk Dom and I are really good friends way back Captain Barbell days and he remains to be a really good friend.

“I worked with him in Luna Blanca.

“Ano siya, isa siya sa mga director na napakagaan katrabaho and he really took good care of me at sa lahat ng mga artista."



JOHN & ISABEL. Kung si Camille ay wala pang masasabing bagong pag-ibig, kabaligtaran naman ito sa kanyang kapatid na si John Prats na mukhang nakikipagmabutihan na sa Kapuso actress na si Isabel Oli.

Ayon kay Camille, “Ako nga ang nagpakilala sa kanila.

"Actually, may dinayalog siya [John].

“Kasi, he’s not getting any younger and he’s at that point in his life na siguro, gusto na rin niyang paghandaan ang future niya.

“So, recently, we were all eating out, parang sabi niya sa akin, ‘Bakit ngayon mo lang kasi ako tinulungan?’

“Sabi ko, ‘E, kaya nga siguro failed yung past relationships mo, kasi walang basbas ko. So, malay mo, this time, mag-work na talaga.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, he really hopes so.

“Na-mention niya kasi noong time na medyo nadi-depress na siya sa buhay niya at, feeling niya, he’ll never gonna find that person.

“Ang nasabi ko lang sa kanya, ‘You know, Kuya, you should really pray about it. It’s out of your hands. Hindi mo na hawak kung may makikilala ka o magmamahal ka ulit. Diyos lang ang may hawak niyan, so hingin mo sa Kanya.’

“Tapos, agad-agad, ayan, sinagot na.”

Yun nga lang, kapag si Isabel ang kausap ng press, sinasabi nitong hindi pa naman daw nanliligaw si John sa kanya.

Sabi naman ni Camille, “A, talaga? Siguro she doesn’t want...

"Naku, hindi ko nga alam kung bakit ako ang ini-interview ninyo rito?!

“Nakakahiya naman kay Isabel na ako ang nagkukuwento.”

Pero nanliligaw na nga ba si John kay Isabel?

“They are in touch… they are talking.

“Si John, na-interview namin siya sa Mars.

“Nag-phone patch siya at ang statement niya... iku-quote ko talaga ang kapatid ko rito para hindi ako, ha?

“They’re dating… they are going out.

“But they are really with group of friends so, siguro, wala pa yung formally na silang dalawa lang.

“Pero siguro, si John ang dapat tanungin ninyo… mahirap magbigay ng anumang statements.”

Kung sakali, boto ba siya kay Isabel bilang siya ang nagpakilala rito?

“Ako naman, whoever makes my brother happy, masaya na ako.

“I mean, I like Isabel. I may not know her personally, but I know her from before.

“Kumbaga, acquaintance, but I always have a nice feeling about her.

“Kumbaga, she’s one of the few people in showbiz na mabilis kong nakagaanan ng loob.”



SAM MILBY. Ayon kay Camille, may mga nanliligaw naman sa kanya ngayon—showbiz at non-showbiz.

Artista ba?

“Ang dami mong tanong!” natatawa niyang sabi.

Dagdag niya, “Meron... pero okay na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka na lang natin siya pag-usapan kapag confirm na, but right now, hindi pa.”

At dahil siya nga ang nagpakilala kay Isabel kay John, ang kapatid ba niya ay may naipakilala na rin sa kanya?

“Ay, wala,” nakangiti niyang sabi.

“Wala rin siyang balak ipakilala sa akin.

"Meron siyang mina-match sa akin but we’re really good friends.”

Si Sam Milby ito na matalik na kaibigan ni John?

“Oo, oo,” pag-amin ni Camille.

“But Sam and I are really good friends. He’s like a family na rin to me.”

Naging “item” din sila ni Sam noon at nabalita ngang nagdi-date sila.

Ayon naman kay Camille, “Because Sam and I will occasionally go out.

“Kumbaga, siguro yung friendship namin, ganoon na rin na sometimes… we will watch a movie…

“The time na before he left for States, he took me out for dinner, sa Tagaytay.

“So, ilang beses na rin. We got to church together but really, we’re really good friends.”

Kung nagkataon na nanligaw si Sam sa kanya, may pag-asa ba?

“Si Sam? Oo naman… kilala ko na siya, e,” pag-amin niya.

“Kung hindi naman siya maayos na tao, I wouldn’t be friends with him or I wouldn’t be hanging out with him.

“But since he’s a really good person, hindi ko naman masasabi ngayon, hindi ko rin naman hawak yung pag-iisip ni Sam.

“But I think, yeah, why not?"

Tinanong ng PEP kay Camille kung hindi ba siya nakaramdam ng disappointment na naging vocal si Sam sa intensiyon nitong manligaw kay Shaina Magdayao?

“Why would I be?” sagot naman niya.

“Ako, I’m all for happiness. Lahat naman tayo are all entitled to our own happiness.

“Kung yun ang magpapasaya sa kanya, I’m all-out support for him.

"I mean, he deserves to be happy also.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s been a while since he was in love, so isa rin yun sa ipagdarasal ko sa kanya.”


VALENTIE PLANS. Ngayong Valentine’s Day, wala bang date si Camille?

“Wala, e,” agad niyang sabi.

“Taping, work, work, work. At saka, yung anak ko… siguro, siya na lang.”

Mas nami-miss ba niya ang yumaong asawa kapag Valentine’s Day?

“Oo naman, palagi ko namang nami-miss yun.

“Pero siguro, kaya rin hindi masyadong importante sa akin ang Valentine’s Day kasi it’s my brother’s birthday," pagtukoy ni Camille sa kanyang kuya na si John Prats.

Patuloy niya, “Hindi talaga ako nagdi-date on that day, it’s always family affair.

“Kaya siguro hindi rin ako ganoon ka-sad o affected.”



MARK ANTHONY FERNANDEZ. Sa isang banda, sa bago niyang afternoon soap na Bukod Kang Pinagpala, muling makakasama ni Camille si Mark Anthony Fernandez.

Una sila nagtambal sa hit primetime series na Munting Heredera.

Ayon kay Camille, kumportable na siyang katrabaho ang aktor.

“Yung show nga namin [Munting Heredera], magkasama kami ni Mark for nine months... alam ko kung paano ako huhugot sa kanya.

“Ganoon din siya sa akin, so it’s easier na kakilala mo yung katrabaho mo.”

Nagkaroon ba siya ng hindi magandang karanasan kay Mark sa tagal ng pinagsamahan nila sa trabaho?

“Well, I would say that Mark is a very unique person.

“Siyempre, lahat naman tayo, may side na may mood swing. But all in all, he’s very easy to work with.

“Kung makuha mo yung loob niya, maging kumportable siya sa iyo, I don’t think you’ll have a hard time working with him.”



MOTHER ROLE. Bukod kay Mark, makakasama rin muli ni Camille sa Bukod Kang Pinagpala ang Kapuso child actress na si Mona Louise Ray.

Parang napapadalas ang pagsasama nila bilang mag-ina?

“Happy,” nakangiting sabi ni Camille.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, lahat ng shows ko, kasama ko si Mona—from Munting Heredera to Luna Blanca, now Bukod Kang Pinagpala.

“But I’m very happy I’m working with her again—she’s like my daughter.

“Alam mo yung ganoon? Na ang pakiramdam ko sa kanya, bilang ang daming beses ko na siyang naging anak?

“Ang dali kasi niyang katrabaho. Ang daling katrabaho ng isang taong may pinanggalingan na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN