Gardo Versoza on maintaining good physique: “Meron pa daw akong asim!”

Wala na raw ilangan sa pagitan ni Gardo Versoza at ng Superstar na si Nora Aunor sa pagsasama nilang muli sa TV5 primetime series na Never Say Goodbye. Ani Gardo, “She doesn’t make you feel that way, e. Akala ng iba, seryosong-seryoso siya, pero hindi, e. Like, after a cut, usually nagsasayawan pa kaming dalawa.”


Makikipagtagisan ng galing ang original hunk na si Gardo Versoza kay Superstar Nora Aunor sa teledramang Never Say Goodbye ng TV5.

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gardo tungkol sa muling pagsasama nila ng Superstar.

Bungad niya, “Okey naman, sa awa ng Diyos.

“I’ve got to work with Ate Guy again.

“At saka, like, kasama yung mga nanalo doon sa pa-contest ng TV5. Ayun, masaya ako."

Kasama nina Gardo at Nora ang dalawang Artista Academy winners na sina Vin Abrenica at Sophie Albert.

“Ibang breed of actors din kumbaga sila, kaya, okey lang,” sabi pa ng aktor.

Nakausap ng PEP si Gardo sa taping ng Talentadong Pinoy kahapon, February 5, sa TV5 studio sa Broadway Centrum.



NEW ROLE. And this time, ibang role naman ang gagampanan nilang dalawa ni Nora.

“Yeah, kasi, noong una, ang role ko noong magkasama kami ay bakla ako, this time, mag-asawa naman kami.

“So, malayung-malayo ang kaibahan ng dalawa."

Unang nagsama sina Nora at Gardo sa dating teleserye ng ABS-CBN na Bituin.

Patuloy pa ni Gardo, “Siyempre, Superstar nga yung asawa mo sa TV, parang… it’s really different.

“Somehow, mapapag-isip ka kung paano mo ba aatakihin yung role… yung tipong ganoong feeling.”

Usually kasi, kapag si Nora ang kaeksena, maraming artista na ang nagpatunay na ninerbiyos o nailang sila.

“A, siguro, yung pagka-ilang, noon pa yun, e,” pag-amin ni Gardo.

“Pero ngayon kasi, more or less, na-break na yung ice.

"So, more or less, nai-enjoy na namin yung eksena.

“Si Ate Guy naman, she doesn’t make you feel that way, e.

"Akala ng iba, seryosong-seryoso siya, pero hindi, e.

“Like, after a cut, usually, nagsasayawan pa kaming dalawa.

“So, parang kahit madrama ang eksena, nagagawa pa naming magbiruan.

“So, yung tandem namin, nag-gel na talaga kami sa isa’t isa.



PROFESSIONALISM. May nagiging problema pa ba sa professionalism kay Ate Guy? Ang iba kasi ay nagsasabing may ganitong isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Gardo, “Hindi ko naman naranasan yung maging ganoon si Ate Guy.

“Yung ngayon kasi, parang… it’s more of a health problem. So, hindi mo din masisisi.

“Like ngayon, pareho kami ng doctor, so naiintindihan ko naman iyong part na yun.

“Sa amin, hindi issue yun… she delivers naman.

“Ipinagkatiwala sa amin yung project, so I guess, tatapusin namin yun nang maayos.”

Pansamantalang natigil ang taping ng Never Say Goodbye dahil naospital si Nora. Pero balik-taping na sila dahil nakalabas na ng ospital ang Superstar.



ORIGINAL HUNK. Sa puntong ito, pinansin ng PEP ang karismang taglay pa rin ng original hunk ng pelikulang Pinoy.

Kumbaga, kaya pa niyang makipagsabayan sa mga matitipunong aktor of this generation.

“Nakakataba naman ng puso. Nakaka-flatter,” nangingiting sabi ni Gardo.

“Kasi, kumbaga dun sa panahon ko, napagdaaanan ko na rin yung mga paghihirap ng mga actors ngayon na mapaganda ang katawan nila.

“So, parang nakakatuwa na parang lume-level pa rin ako sa kanila.

“Biro nga sa akin ni Sweet [John Lapus], meron pa daw akong asim.

“Pero, meron na ring kakaiba unlike before.”

Ang dami nang mga aktor ngayon ang talaga namang naglalakihan ang muscles na parang ito ang trend sa panahon ngayon.

Ano ang masasabi ni Gardo rito?

Sabi niya, “Yun din ang napapag-sapan namin.

“Siguro kasi yung pagpapa-seksi… unlike before during my time, hindi mo parang kailangang sadyain…

“Kasi yun ang kalakaran—yun ang trend.

“Hindi tulad ngayon, para lang mabigyan ng pansin, kaya ganoon.

“Pero, wala naman akong masamang sabihin tungkol dito.

“Mas okey nga ngayon kasi marami talaga ang nagiging mas conscious sa pangangatawan—and that’s a healthy sign.

"Kaysa naman kung anu-ano ang gawin nila, mas maganda na ang mag-bodybuilding sila, mag-workout.”



VALENTINE PLANS. Tutal malapit na ang Valentine’s Day, inalam na din ng PEP. kay Gardo kung ano ang plans nila ng kanyang partner na si Ivy Vicencio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa ngayon, hindi pa namin alam kung ano ang gagawin namin.

“Usually kasi, ang nire-request niya ay yung concert ni Martin [Nievera]. Or kung hindi, gusto ni Ivy… out of the country gusto niya.

“Pero, di ko na naga-grant yun sa kanya.

“Usually kasi nagkakaroon ng problem sa location ng concert ni Martin.

“Pero hopefully, pag me tiyempo, maga-grant ko na din yun sa kanya.

“Siya din kasi yung tumatayong manager ko, kaya lagi naman kaming magkasama—every day.

"Parang Valentine’s Day na din sa amin,” pagwawakas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN