Dianne Medina claims her "jealous phase" is over; six-year relationship with Rodjun Cruz getting stronger

Dianne Medina on posing for FHM: “Puwede ko naman pong tanggapin kasi nasa right age na rin naman ako. Kaya lang kasi, ang problem ko, gusto ko naman talaga… it’s just that, nagse-serve po ako sa church as lector commentator. Hindi ko lang po alam kung papayagan ako ng Monsignor namin.”


Hindi lang artista kung hindi isa na ring news and public affairs host si Dianne Medina.

Isa siya sa mga host ng bagong morning news and talk show ng PTV4 na Good Morning Boss!.

Masaya si Dianne na kinuha siya sa Good Morning Boss! ni Direk Ed Finlan dahil isa raw talaga sa gusto niyang ginagawa ay ang mag-host ng isang programa.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “And since gusto ko rin talagang magamit yung course ko from Miriam College, which is AB Communication Arts, that’s why tinanggap ko yung offer to be part of Good Morning Boss!.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment press si Dianne kahapon, February 5, sa Bubble Tea House, Tomas Morato, Quezon City.

Patuloy niya, “Ngayon po ang tina-tackle namin sa show ang different issues, like government issues, current affairs.

“Tapos, we feature people from Malacañang, we interview them.

“Tapos, get to know them and get information kung saan agency po sila connected and their projects as well.

“Sana maganda po yung maging audience sharing noong show kahit nag-i-start pa lang kami.

“Hindi naman din kami nakikipag-compete with other big stations, kasi nga, goverment station talaga.

“Alam naman natin na hindi siya commercialize.”



FROM THE RANKS. Nagsimula muna si Dianne bilang field reporter sa Good Morning Boss! bago siya naging anchorwoman dito.

Sabi niya, “Na-promote po ako, kaya napunta na ako sa loob ng studio. Ayun.”

Bukod sa Good Morning Boss! ay may isa pang show si Dianne; kasama rin siya sa ABS-CBN primetime series na Kailangan Ko’y Ikaw na pinagbibidahan nina Robin Padilla, Anne Curtis, at Kris Aquino.

Aniya, “Semi-regular lang po ako sa Kailangan Ko’y Ikaw.

“Ang role ko po doon, masamang girlfriend ni Ian Veneracion.

“Mababait po yung staff ng Kailangan Ko’y Ikaw, maintindihin po sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naiintindihan nila na manggagaling pa ako sa Good Morning Boss! kaya ang ibinibigay nilang call time sa akin, after na noong show.”



IDOLS. Kamusta namang katrabaho at kaeksena si Robin?

“Isang beses pa lang po kaming nagkaeksena.

“Tapos, wala pa nga akong line—nakatayo lang po ako!” natatawang sabi ni Dianne.

Patuloy niya, “Pinaka nakakasama ko po sa si Ian at si Tito Pip [Tirso Cruz III].

“Secretary po kasi ako dito ni Tito Pip and, at the same time, nagkaroon nga po kami ng relasyon ng anak niyang si Ian.”

Wish ni Dianne na kung sakaling magkaroon ulit siya ng eksena with Robin ay may dialogue na siya.

“At sana po pati kay Ms. Kris at kay Anne, magkaroon ako ng eksena, kasi sobrang idol ko po talaga sila.

“Si Anne, naka-work ko na siya before sa Dyosa.”



SHOWBIZ CAREER. Masaya ba siya sa takbo ng kanyang career?

“Happy naman po ako kasi I’m very blessed… kung ano po yung nagustuhan ko, talagang ibinibigay rin naman ni Lord.

“And despite what happened sa akin noong 2011, which was, yun nga po… my mom passed away, maganda naman po yung nangyari.

“Hindi naman po ako pinabayaan ni Lord… lagi po akong may work.

“Hindi man po ako yung umaangat o yung sikat na sikat, steady lang ako… stable na nagkakaroon po ng trabaho."



BOYFRIEND. Si Rodjun Cruz ang boyfriend ni Dianne. Anim na taon na raw ang relasyon nila.

Hindi ba sila nagkakasawaan na ni Rodjun?

“Hindi naman po,” pagsisiguro ni Dianne.

“Actually, maganda nga po na may work kami pareho para busy lang… yung hindi kami laging magkasama.

“Meron siyang ibang buhay, meron din ako—mayroon siyang ibang set of friends, meron din ako. So, ayun.

“Pero syempre po, yung communication namin, laging open kahit hindi kami madalas magkita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagti-text at nagtatawagan naman po kami.

“Tapos, kapag may family gatherings, lagi kaming nagkikita…

"Yung first cousin ni Rodjun, napangasawa yung brother ko.

“Kaya ayun, kapag may family gatherings nagkikita-kita po talaga kami kasi nga sister-in-law ko, yung cousin niya.”



JEALOUS TYPE. Napabalita noon na tinawagan at kinumpronta ni Dianne ang dating beauty queen na si Bianca Manalo.

Naging leading lady noon ni Rodjun si Bianca sa defunct series na Juanita Banana ng ABS-CBN.

Pinagselosan daw kasi niya si Bianca dahil nalaman ni Dianne na lumalabas-labas noon sina Rodjun at Bianca.

Selosa pa rin ba siyang girlfriend ngayon?

Sagot niya, “Hindi na. Tapos na po ako sa phase na yun.

“I believe sa bawat relationship talaga, magma-mature din kayo nang sabay.

“Siguro noong time na yun, talagang immature pa ako.

“And hindi ko pa talaga naiintindihan yung work niya [Rodjun], pero now, sanay na ako.”

Hindi na siya magseselos kahit gumawa si Rodjun ng eksenang may kissing scene siya sa kapareha niya?

“Actually, nangyari naman yun after Juanita Banana.

“Di ba, nag-Bangis [TV5 series starring Oyo Sotto] si RJ [Rodjun]?

“Mayroon silang mga love scenes doon ni Wendy Valdez, pero okey na naman yun sa akin.

“Inaasar ko pa nga sila noon ni Ate Wendy.”



SEXY PICTORIAL. Maganda at sexy si Dianne. Kung may offer sa kanya to pose nang sexy sa isang men’s magazine, tatanggapin ba niya?

“Puwede ko naman pong tanggapin kasi nasa right age na rin naman ako.

“Kaya lang kasi, ang problem ko, gusto ko naman talaga… it’s just that, nagse-serve po ako sa church as lector commentator.

“Hindi ko lang po alam kung papayagan ako ng Monsignor namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN