Julia Montes on Coco Martin’s special treatment: “Pag inaalagaan ka at ipinaparamdam sa iyo na prinsesa ka, siyempre nakakakilig yun.”

Pagkatapos nilang magtrabaho sa isang teleserye at isang pelikula, kumportable na raw si Julia Montes kay Coco Martin. Saad ng young actress, “Kumbaga, off-cam, kung ano ako sa totoong buhay, alam na alam niya kung paano ako kumilos, kung paano ako kumain. Hindi talaga ako nahihiya sa kanya dahil gets niya kung ano talaga ako at hindi niya ako dyina-judge kung ano ako.”


Aminado si Julia Montes na nagulat siya sa mga rebelasyon ni Coco Martin sa presscon-proper ng pelikula nilang A Moment In Time noong Martes ng hapon, February 5, sa Dolphy Theater ng ABS CBN.

Hindi pa halos nakaka-recover si Julia nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang presscon, sa ginawang paglalagay sa kanya ni Coco sa hot seat.

Pinilit din ng aktor na imbitahan siya ni Julia para maging escort sa magaganap na debut ng young actress sa March 19.

Maliban kasi sa pangungulit sa kanya ni Coco, may mga palipad-hangin pa ang aktor na kapag kinuha raw siyang escort ni Julia, ibig sabihin nun ay may pag-asa na siya rito.

“Kung napansin ninyo, nawindang ako!” bungad ni Julia para ilarawan ang naging reaksiyon niya sa pagiging "playful" sa kanya ng leading man.

First time niya bang narinig kay Coco yung dialogue na pag kinuha niya itong escort, puwedeng maging sila na dahil “dagdag points” daw iyon?

“Oo, ngayon ko lang narinig,” nakangiti pa ring sagot ni Julia.

“Totoo naman kasing, personally, hindi ko pa siya nai-invite.

“Sabi ko sa kanya, kung puwede.

“Pero yung personally na, ‘Uy, puwede ba ikaw na ang maging escort ko?’ Wala pa yun.

“So, kanina lang talaga nangyari,” tukoy niya sa nangyari sa presscon proper.

THE INVITATION. Hindi ba siya napilitang imbitahan si Coco dahil nasa harap sila ng press at hindi siya tinigilan ng aktor sa pangungulit?

“Hindi naman,” sabi ni Julia.

“Actually, plano ko siyang imbitahan, March na.

“Kasi nga, sobrang busy niya, hindi ko rin masisigurado kung makakapunta siya dahil nga napaka-busy niya.

“Kaya nga, sinasabi ko sa mga interviews na baka maudlot, kasi nga, yun.”

Nagkaroon ba ng feeling si Julia na totoong interesado sa kanya si Coco at idinadaan lang nito sa pagpaparamdam at pagpapalipad-hangin?

“Basta, maalaga siya talaga. Hindi ko masabing hint yun, pero maalaga talaga siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kilig ba sa kanya ang mga rebelasyon ni Coco sa presscon? At ang sinasabi nitong pag-aalaga sa kanya?

Sagot ni Julia, “Siyempre, pag ang babae naman, kapag inaalagaan, kahit sino pa ‘yan, kahit hindi mo pa crush or hindi mo pa naman…

“Basta, pag inaalagaan ka at ipinaparamdam sa iyo na prinsesa ka, siyempre nakakakilig yun.”

GENTLEMAN. Nung nasa abroad sila, habang sinu-shoot ang kanilang pelikula, may mga napansin ba si Julia na kakaiba kay Coco? Na hindi niya nakita nung nagte-taping pa sila ng teleserye nilang Walang Hanggan?

“Mas ano lang… siguro nung nasa Europe kami, napansin ko lang na mas nabigyan niya ng justice na word na ‘gentleman.’

“Gaya nga ng lagi kong sinasabi sa mga interviews, talaga namang alaga siya—hindi lang sa akin, sa lola ko lalo.

“Hindi siya showbiz na ugali niyang ginagawa niya yun dahil kailangan. Kumbaga, talagang ugali na niya yun.”

Malaking puntos ba ito para magustuhan ni Julia ang isang tao?

“Oo, importante naman talaga sa isang tao na gentleman ka, marunong kang mag-alaga ng babae, marunong kang magrespeto ng babae… so, yun.”

Boto ba ang lola ni Julia kay Coco?

“Hindi ko na nakakausap si Lola tungkol dun, kung boto siya. Pero close sila, close talaga sila,” pag-amin ni Julia.

First time ba niyang makaengkuwentro ng ganitong lalake na outspoken sa pagkakaroon ng interes sa kanya? Na sinasabi lahat ng kung ano ang nararamdaman nito sa isang babae?

O baka hindi siya masyadong bilib dahil baka pinapasakay lang siya ni Coco at pawang mga biro lang ang mga sinabi nito?

Sagot ng dalaga, “Ano… well, hindi naman first time.

“Pero siguro, ngayon lang, nakakatawa lang kasi sobrang close kami, walang ilangan.

“Kapag nadyu-joke siya, minsan nakakaloka. ‘Ha? Seryoso ka ba?’"

Si Coco ba ang pinaka-close ngayon sa mga lalaking kakilala niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, siya,” mabilis niyang tugon.

Gaano siya kakumportable kay Coco kapag magkasama sila?

“Kung ano talaga ako bilang Mara, hindi Julia.

“Kumbaga, off-cam, kung ano ako sa totoong buhay, alam na alam niya kung paano ako kumilos, kung paano ako kumain.

“Hindi talaga ako nahihiya sa kanya dahil gets niya kung ano talaga ako at hindi niya ako dyina-judge kung ano ako.”

Mara Hautea Schnittka ang totoong pangalan ni Julia.



THE DEBUTANTE. Ano ba ang mga plano ni Julia sa kanyang nalalapit na 18th birthday?

“Fairytale-Cinderella type siya,” sagot niya.

May mga listahan na ba kung sinu-sino ang bubuo ng entourage niya, gaya ng 18 roses at 18 treasures?

“Lahat yun, personal choice naman.”

Ano ba ang inaasahan niyang magaganap ngayong magde-debut na siya?

“Siyempre… siyempre makakasama ko yung mga espesyal na tao sa akin. Makikita kong susuporta sila sa big day ko.

“Kumbaga, eto yung first na big event sa buhay ng isang babae kaya excited akong ma-experience yun.”

Bakit Cinderella o fairytale ang napili niyang theme ng kanyang party?

“Hindi naman… actually, wala akong masyadong girlie stuff na hilig, like yung mga Disney Princesses.

“Gusto ko lang mag-feeling prinsesa in that particular event.

“Gabi ko yun and puwede naman for once maging prinsesa ako.”



MATURITY. Tungkol naman sa maaga niyang pagdadalaga o pagma-mature bilang isang aktres, dala na rin ng pagganap niya ng mature roles, tinanong ng PEP si Julia kung hindi na ba siya open sa teen roles.

Sagot niya, “Open pa rin naman.

“Pero kasi, for me, ang tinitingnan ko, kaya naman binibigyan ng mature roles, kasi challenging.

“At bukod dun, hindi na ako paniniwalaan na teeny-bopper kasi sa simula na nag-asawa na ako na role [sa Walang Hanggan], ang hirap sigurong ibalik sa super-teen.

“Siguro, puwedeng mag-stay sa ganung level, pero bantay lang, huwag nang masyadong mag-mature pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi na ni Coco na puwedeng maging sila kapag siya ang magiging escort ni Julia sa debut nito.

Handa ba siyang tanggapin ang aktor kung sakaling manligaw ito?

Napangiti si Julia at sinabing, “Hindi naman siguro pinaghahandaan yun, kasi hindi ko naman alam kung ano ang mangyayari sa future.

“Yun nga, gaya ng lagi kong sinasabi, hindi ako nagsasalita nang patapos.”

Patuloy na iginigiit ni Julia na hindi talaga niya masagot kung may pag-asa ba si Coco kung sakaling ligawan siya dahil wala pa siya sa sitwasyon.

Pero ang obserbasyon ng marami, hindi pa talaga gusto ni Julia na magkaroon ng lovelife dahil committed siya sa kanyang career at may takot siyang baka masaktan pag nagmahal siya.

Sumang-ayon naman dito si Julia.

Aniya, “Yun nga, gaya ng sinasabi ko, pag nakahanap ako, gusto ko yung talagang espesyal ako for that guy.

“Para siyempre, aminin naman natin, pag nagkaroon ka ng lovelife, mada-divert ang attention mo kahit gaano ka ka-focus.

“Gusto ko kung mada-divert man ako… sa tamang tao na.”



VALENTINE’S DAY. Niyaya ba siya ni Coco sa Valentine’s Day?

“Sa premiere [ng A Moment In Time], yun yung sigurong date namin.

“Wala pa… wala pang nagyaya for Valentine’s Day.”

Ngayong personal nang naimbitahan ni Julia si Coco para maging escort niya, umaasa si Julia na sumipot sa kanyang debut party ang aktor.

“Yun nga, gaya nga rin ng lagi kong sinasabi, huwag sanang maudlot dahil napaka-busy niyang tao.

“So, sana nga matuloy talaga.”

May iba pa bang nagpaparamdam na gusto nilang maging escort sa debut niya?

“Wala namang nagpaparamdam.

“Yun nga, gaya ng sinasabi ko na lagi akong one of the girls. So, lahat sila, close sa akin.

“Nahihirapan akong buuin yung 18 roses kasi ang dami kong close na lalaki.

“So, parang sobra-sobra siya sa 18.”



ENCHONG DEE. Kasama ba si Enchong Dee sa 18 roses?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko, isinama siya, pero may prior schedule siya—yun ang alam ko. So, hindi ko lang alam,” sagot ni Julia.

Si Enchong ang rumored ex-boyfriend ni Julia.

Kung sakaling malibre sa schedule niya si Enchong, puwede pa bang dumalo ang young actor kahit hindi na siya ang escort?

Tugon ni Julia, “Oo naman, wala namang problema. Wala namang ano dun.

“Saka naging friend ko siya at gaya ng nasabi ko, lahat ng mga nasa 18 roses, lahat yun friend ko.

“Yun nga lang, nagkataon na may prior schedule siya.

“Ayaw naman namin nung team namin na mabungi yung 18 roses.”

Parehong malapit sina Coco at Enchong sa lola ni Julia, pero sino ba ang mas close sa kanyang lola?

Sabi ni Julia, “Magkaiba sila ng level, e, pero mas malapit si Coco bilang laki rin siya sa lola kaya nagdya-jibe sila sa part na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN