PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Krystal Reyes on her idol Jennylyn Mercado: “Pagbalik niya, ibang Jennylyn Mercado na—mas lalong bongga, mas lalong naging maganda.”

Krystal on being ready for courtship: “Okay lang po kahit huwag muna.”
by Rommel R. Llanes
Published Feb 6, 2013
Minsan nang nagbida si Krystal Reyes sa dating primetime soap ng GMA-7 na Mga Mata Ni Angelita. Kaya naman nang tanungin kung ano ang dream role niya, ito ang sagot ng dating child actress: “Siguro, gusto ko po ulit ng lead... Kasi, di ba, last pa po yung pinaka-lead talaga, yung Mga Mata ni Angelita? So siguro po, iyon. Gusto ko po yung parang hindi ako mabait na mabait, yung mabait na palaban.”

Sixteen years old pa lang si Krystal Reyes ngayon, pero sa mga madadramang teleserye siya madalas napapabilang.

Hindi siya inililinya sa mga shows na pang-tweens tulad nina Barbie Forteza, Bea Binene, at Julie Anne San Jose na pawang may mga ka-loveteam pa.

Tulad ngayon, kasama si Krystal sa bagong afternoon soap oera ng GMA-7 na Bukod Kang Pinagpala.

Bago naman dito, sa Hindi Ka Na Mag-Iisa siya napanood.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Krystal sa presscon ng Bukod Kang Pinagpala kagabi, February 5, sa GMA Network Center.

Saad niya, “Okay lang naman po sa akin, kasi kung ano naman po yung ibinibigay nila sa akin, okay naman po.

“Basta paghahandaan ko lang. Ganoon po.

“Kasi mas okay rin po sa akin kung hindi pa po doon.

“Kasi, parang feeling ko po, hindi pa ako ganoon ka-ready na magka-loveteam.

“Yung parang feeling ko po, hindi ako magiging ganoon kakumportable agad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



CONTRACT. Sina Barbie at Bea na mas bata sa kanya ay may mga ka-loveteam na. Si Krystal ba ay gusto ring magkaroon ng ka-loveteam?

“Siguro po, pag binigyan po nila ako, magiging okay na din naman. Siguro masasanay din ako.

"Pero sa ngayon po, kung ano na lang po yung ibigay nila, ng GMA, iyon na lang po ang paghahandaan ko.

“Kasi may tiwala naman po ako sa GMA, alam ko naman po na ibibigay nila sa akin kung ano talaga yung dapat para sa akin.

“Pumirma po ako sa kanila ng five years [contract] po, tapos hindi ko po sure kung ilang taon pa po.

“Matagal na po, siguro po mga two or three years na po. Ganoon.”

Kung bibigyan siya ng ka-loveteam, sino ang gusto niya?

“Sa akin naman po, okay naman po kahit sino."

Hindi pa ba puwedeng maligawan si Krystal?

“Wala naman po sina Mama na sinasabi, pero sa akin po, okay lang po kahit huwag muna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



CHILD STARS. Sa Bakekang noon, sila ni Eunice “Charming” Lagunsad ang magkaribal sa kasikatan bilang child stars ng GMA-7.

Nasa ABS-CBN na ngayon si Eunice at wala na raw komunikasyon si Krystal sa kanya.

“Kasi nawala po yung communication namin noong... naaalala n'yo po noong na-Ondoy po sila?

“Tapos, yung nagpalit na sila ng number, so iyon po, nawala na yung communication namin, tapos iyon nga po, lumipat na siya sa kabila.

“Dati po, palagi kaming magkasama.”

Sino ang mga ka-close niya sa showbiz?

“Marami na din po, kasi madami na din po akong napagdaanan na mga shows, so marami na po.

“Dito nga po, halos lahat po nakasama ko na sa shows dati yung lahat ng cast po.

“So hindi na po ako nahirapan na mag-adjust kasi yung sa paligid, okay na agad, kumportable na ako sa kanila.”

ROLE MODELS. Sa tagal na ni Krystal sa showbiz, nagkaroon na siya ng mga iniidolo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi niya, “Siyempre po, gusto ko kasi, sa last show ko po, nakasama ko si Ate Jennnylyn Mercado po.

“So siguro po, siya po.

"Kasi, di ba po, yung mga role niya po, yung parang hindi po basta-basta?

“Tsaka parang ready po siya sa kahit ano.

“At na-inspire po ako sa kanya, kasi di ba po, single mom siya?

“Tapos, kahit ganoon, nakabalik siya sa showbiz.

“Tapos, pagbalik niya, ibang Jennylyn Mercado na—mas lalong bongga, mas lalong naging maganda.”

Close ba sila ni Jennylyn?

“Opo, sobra po, mabait po siya,” pagmamalaki niya.

Idol din daw ni Krystal si Dennis Trillo.

“Nakasama ko na po siya dati po, palagi ko po siyang nakakasama dati pa po sa SOP.

“Tapos, yung kahit hindi po kami nagkakasama sa isang soap, yung pag binati ko po siya...

“Kahit hindi ko alam kung natatandaan niya po ako or ano po, pero yung okay naman po siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi niya po ako sinusupladuhan, parang ganoon po.”

Nabanggit namin na magkahawig sila ni Marian Rivera na isa rin sa mga paborito niya.

“Ay, thank you po! Idol ko rin po si Ate Marian!" sambit ni Krystal.

“Sa totoo lang po, yung pinakaunang show ko po, kasama ko si Ate Marian, yung Pinakamamahal sa TAPE [Inc.] po.

“Iyon, kasama ko po siya doon.

“Tapos, iyon nga si Ate Marian, sobrang bait din niya po.

“Tapos po, noong kahit sumikat na po siya, noong naging MariMar na siya, hindi pa rin niya po ako nakakalimutan.”



ADJUSTED. Ano ang role niya sa Bukod Kang Pinagpala?

“Dito po, kapatid po ako ni Ate Jackie [Rice], si Jonella.

“Isa po ako sa makakaalam na nagkaanak siya, tsaka kung sino ang naging anak niya at kung sino ang tatay.”

May isang heavy drama scene na raw nakunan kay Krystal.

“Meron na pong isa, iyon yung pinamigay na nga po ni Ate Jackie yung anak niya...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos, parang ako, parang gusto kong bawiin, parang ganoon po.

“Tapos, iyon pa lang naman po, kasi po start pa lang yung mga big scenes, hindi pa po namin masyadong naaano.”

Ano ang dream role niya?

“Siguro, gusto ko po ulit ng lead. Ganoon po.

“Kasi, di ba, last pa po yung pinaka-lead talaga, yung Mga Mata ni Angelita? So siguro po, iyon.

“Gusto ko po yung parang hindi ako mabait na mabait, yung mabait na palaban.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Minsan nang nagbida si Krystal Reyes sa dating primetime soap ng GMA-7 na Mga Mata Ni Angelita. Kaya naman nang tanungin kung ano ang dream role niya, ito ang sagot ng dating child actress: “Siguro, gusto ko po ulit ng lead... Kasi, di ba, last pa po yung pinaka-lead talaga, yung Mga Mata ni Angelita? So siguro po, iyon. Gusto ko po yung parang hindi ako mabait na mabait, yung mabait na palaban.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results