Coco Martin on escorting Julia Montes on her debut: “Malamang nito, kami rin ang magkakatuluyan!”

Sa presscon ng pinagsasamahan nilang pelikula, nagprisinta na si Coco Martin na maging escort ni Julia Montes sa debut nito. Sabi ng aktor, “Actually, nag-e-expect din ako. Siyempre, di ba, ang sakit naman nun? Kapag iba ang kinuha mong escort, ibig sabihin, basted. Kapag kinuhang escort, may puntos.”


Naging kapansin-pansin sa press conference ng pelikulang A Moment In Time sa Dolphy Theater kahapon, February 5, na mas kampante na si Coco Martin na sumagot sa kahit anong tanong ng entertainment press.

Nagkukuwento na rin ito ng ilang bagay na hindi pa halos alam ng publiko—tulad na lang ng naging style niya sa panliligaw.

Kuwento ni Coco, “Ako kasi, may pagka-baduy ako manligaw. May pagka-oldies.

“Naaalala ko noong college ako, sumasampa ako sa bakod.

“Yung girlfriend ko that time, noong nililigawan ko pa siya, taga-UE [University of the East] Caloocan.

“E, hindi naman ako tagaroon. Para makapasok ako, palagi akong dumadaan sa bakod. Tumatalon ako.

“Kasi siyempre, wala naman akong pera noon... kuripot!

“Palagi lang akong tumatalon doon, nag-uusap lang kami sa field. Tapos kakain.

“At dahil wala pa namang gaanong ipon noon, sabi ko nga, naalala ko, bakit parang dati, every day yata kinakain namin, pancit canton.

“Pero, masayang-masaya na kami. Kumbaga, yung mga basic.

“Kapag umuuwi nga kami, naaalala ko noon, mula eskuwelahan nila hanggang bahay nila, naglalakad lang kami.

“Pero, parang hindi naman namin naaalala ang pagod.

“Kasi kapag magkasama kayo, nagkukuwentuhan kayo, parang ang saya-saya n’yo na.

“Pero ngayon, kapag naiisip ko, kaya ko pa kayang gawin this time?

“Sa mga simpleng bagay na yun, napapasaya mo ang tao.”

STYLE ON JULIA. Ang tanong ngayon, bilang nababalita na mukhang may plano si Coco na totohanin ang loveteam nila ni Julia Montes, yung istilo kaya niyang yun ng panliligaw ay nagamit na rin niya sa young actress?

Natatawang sabi ni Coco, “Si Julia kasi, bata pa. Hindi pa naman ako tumatalon!

“Siguro, kung may liligawan man ako ngayon, si Lola muna,” pagtukoy ng aktor sa lola ni Julia.

Patuloy ni Coco, “E, gusto ko munang i-enjoy ni Julia ang pagiging bata niya.

“Siyempre, tutungtong na siya ng eighteen, pa-mature na siya nang pa-mature.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sabi ko, this time, mas inaano ko muna na mas tumibay ang pagiging magkaibigan namin.

“Malay mo, balang-araw, meron yun puntahan.

“Pero at least, matibay na ang pundasyon namin bilang magkaibigan.”

Paano nga ba niya pinapahalagahan si Julia bilang leading lady?

“Ako po kasi, una, respeto.

“Di ba, kapag katrabaho mo ang isang tao, yung paghanga, yung respeto…

“Sabi ko nga, si Julia, bilang bata pa at siya ang leading lady ko sa soap [Walang Hanggan] at hanggang sa pelikula [A Moment In Time], hindi ako nagti-take advantage.

“Kasi, di ba, hindi naman porke’t magka-loveteam kayo, liligawan mo na.

“Ako kasi, mas gusto ko munang kilalanin siya. Mas gusto kong lumalim yung friendship.

“Para if ever, saan man mapunta, matibay ang pundasyon ninyo bilang magkatrabaho at magkaibigan.”



TRUE FEELINGS. Minsan ba, naiisip niyang sana ay hindi ganoon kabata si Julia at sila na ngang talaga?

Sagot ng 31-year-old actor, “Well, para sa akin po, every time na umaarte ako, kahit noong nasa Walang Hanggan pa, ang hirap umarte kapag hindi mo nararamdaman ang isang bagay, di ba?

“Kapag hindi mo nararamdaman at inarte mo, yun ang acting.

“Sabi ko nga, ako, kapag ang eksena, in love ako, pinakikiramdaman ko ’yan. Ini-inlab ko talaga ang sarili ko.

"Kapag malungkot, naghahanap ako ng bagay kung bakit ako malulungkot.

“Sa haba ng pagsasama namin ni Julia, hindi masama ang ma-in love.

“Lalo na sa haba ng pagsasama ninyo, napakaimposibleng wala kang maramdaman sa tao, e.

“Kaya nga sabi ko, after Walang Hanggan, ako ang nag-ano na, honestly, sana after nito, after ng soap opera, sana makagawa pa kami ni Julia ng pelikula.

“Kumbaga, gusto ko pa. Gusto ko pang makasama si Julia.”



CHANCE. Hindi naman nakatiis ang co-star nina Coco at Julia na si Gabby Concepcion at tinanong si Coco: May chance bang maging sila ni Julia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sagot ni Coco, “Alam ninyo, sabi ko nga, tayo, e, paabang-abang lang.

“Kumbaga, waiting-waiting lang at hinihintay pa natin ang tamang pagkakataon para kay Julia.”

Naiisip niyang sana ay hindi na minor si Julia?

“Siyempre minsan, sumasagi sa isip ko yun!” natatawa pa rin niyang pag-amin.

THE ESCORT. Si Coco ang magiging escort ni Julia sa debut nito sa March 19.

Pero nagpasaring pa si Julia noong presscon na baka raw maudlot dahil sobrang busy ngayon ni Coco.

Sagot naman ni Coco, “Sabi ko nga, parang ano ‘to, parang Walang Hanggan.

“Kasi, sa Walang Hanggan, noong nag-eighteen siya, ako rin ang escort niya.

“Malamang nito, kami rin ang magkakatuluyan!”

Hindi halos nakasagot si Julia sa naging hirit ni Coco.

Pero may hirit pa rin si Coco kay Julia tungkol sa pagiging escort niya.

Sabi ng aktor, “Nababalitaan ko, sinasabi niya sa iba. Pero hindi pa naman siya nagda-direct sa akin.

“Hindi naman niya sinasabi sa akin na, ‘Puwede ba kitang maging escort?’”

At natatawang pag-amin din ni Coco, “Actually, nag-e-expect din ako.

“Siyempre, di ba, ang sakit naman nun?

“Kapag iba ang kinuha mong escort, ibig sabihin, basted. Kapag kinuhang escort, may puntos.”

Kapag iba ang kinuha ni Julia na escort, masasaktan siya?

“Siyempre, masakit sa akin yun kapag iba ang escort niya.”



JUAN DELA CRUZ. Nag-pilot na noong Lunes ng gabi, February 4, ang fantaserye ni Coco sa ABS-CBN, ang Juan Dela Cruz.

Masaya si Coco dahil matagumpay ang pilot episode nila kung rating ang pag-uusapan.

Saad niya, “Yung first day po namin, maganda po ang rating at saka yung feedback po ng mga tao.

“Nakakataba po ng puso kasi, sabi po nila, para silang nanonood ng pelikula habang nanonood ng soap opera.”

Ano ang pakiramdam na siya ang pina-busy na artista ng ABS-CBN ngayon?

“Masarap kasi, sabi ko nga po, nagsimula rin po ako sa wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dumating ang time na naghihintay ako kung kailan din ako magkakaroon ng next project.

“Kaya sabi ko, ngayong dumarating sa akin ang mga blessing na ito, alam ko kung paano ko siya pahalagahan at ingatan.

“Kumbaga, sabi ko nga po, minsan, kahit hindi na ako natutulog, hindi ko makuhang tumanggi at magreklamo.

“Kasi, alam ko na hindi naman araw-araw ibinibigay ang ganitong pagkakataon.

“Pero ngayong ibinibigay na sa akin, gina-grab ko lang lahat ng opportunity na meron sa akin ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN