Ella Cruz considers Coco Martin as peg for her future boyfriend: "Gusto ko ganun kabait, ganun kaalaga."

Malaki ang paghanga ni Ella Cruz sa kanyang co-star sa A Moment In Time na si Coco Martin. Sabi ng teen actress tungkol sa aktor, “Parang magkapatid na kami talaga, talagang kuya ko na siya. Minsan nagte-text pa iyan sa akin, ‘I love you, baby ko. Ingat ka pauwi,’ gumaganyan pa iyan. Sobrang bait ni Kuya Coco."


Sa paglipat ni Ella Cruz sa ABS-CBN mula sa GMA-7, pinangarap niyang maging bida sa isang teleserye—na natupad sa pamamagitan ng nagtapos na fantaseryeng Aryana.

Kasama rin pala sa mga pangarap niya ang makagawa ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema at makatrabaho si Coco Martin.

Natupad din ang mga ito nang makasama siya sa cast ng Valentine offering ng Star Cinema, ang A Moment In Time, na pinagbibidahan nina Coco at Julia Montes.

Saad ni Ella, “Sobrang saya ko po kasi nung nagsimula po yung Aryana, sabi ko po, sana after Aryana o during Aryana, makagawa po ako ng movie under Star Cinema.

“Sobrang karangalan po sa akin na maging part po ako nitong A Moment In Time.

“Siyempre, karangalan ko rin po na makatrabaho si Kuya Coco Martin.

“Dream ko po talaga makatrabaho si Kuya Coco kahit sabi ko, kapatid [ang role]. Eto nga, kapatid ko siya.”

Hindi man daw ito ang unang pelikulang ginawa ni Ella ay memorable daw sa kanya ito dahil natupad nga ang dalawang pangarap niya rito.

Ilan sa mga pelikulang nagawa ni Ella noong mas bata pa siya ay ang Angels, The Promise, Resiklo, Paraiso, at last year lang sa Metro Manila Film Festival ay ang Shake Rattle & Roll 14: The Invasion.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ella sa presscon ng A Moment In Time kahapon, Pebrero 5, sa Dolphy Theater sa ABS-CBN compound.


SUPPORTIVE COCO. Bukod kina Coco, at Julia, kasama rin sa cast ng pelikula sina Zsa Zsa Padilla, Gabby Concepcion, at Cherie Gil.

Hindi ba kinabahan si Ella na pawang magagaling na artista ang kasama niya sa pelikula?

Sagot ng dating child actress, “Noong una, kinakabahan po talaga ako kasi parang ayokong magkamali.

“Ayokong sabihin nila na hindi ako marunong umarte. Talagang ibinigay ko po yung best ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga unang eksena naman po, medyo natuwa ako kasi sabi nila, ‘Magaling ka,’ ganun-ganun.”

Sa lahat daw ng cast members, si Coco ang pinaka-supportive sa kanya.

“Sobrang natuwa po ako, kasi si Kuya Coco, akala ko noong una mahirap siyang pakisamahan, kasi nga bilang may pangalan na siya.

“Pero nung nakasama ko na siya, sobrang bait niya pala, very supportive.

“Parang magkapatid na kami talaga, talagang kuya ko na siya.

“Minsan nagte-text pa iyan sa akin, ‘I love you, baby ko. Ingat ka pauwi,’ gumaganyan pa iyan.

“Sobrang bait ni Kuya Coco.

“Hindi lang siya mabait, sobrang galing niya pang artista na rehearsal pa lang, mararamdaman mo na yung emosyon niya.

“Tapos, kapag kunwari kapag mabibigat na eksena at nakita niya na medyo kulang pa ang emosyon ko, kakausapin niya ako: ‘Ella, dagdag pa. Gusto ko ganito ang atake mo sa eksena na ito.’

“Talagang tinutulungan niya ako sa lahat ng eksena.

“Kahit sa mga simpleng eksena lang, yung happy-happy lines, gusto niya ganito ko i-deliver para raw mas makatotohanan.

“Lagi niya akong pinapa-relax.”

Pangarap din ba niya na pag nagdalaga na siya ay magiging leading man din niya si Coco?

“Puwede rin po. Pero sa ngayon, kapatid pa lang.

“Siguro po pag medyo nag-mature na ako.

“Yun nga yung sinasabi ni Kuya Coco na, ‘Malay mo, next soap natin, loveteam tayo.’

“Alam ko naman binibiro niya lang ako. Pero siyempre, dream ko rin po yun.

“Puwede rin, puwede rin, kasi parang lahat dumarating naman sa puntong puwede kayong magkapareha.”


PEG FOR BOYFRIEND. Dahil nga sa paghanga ni Ella kay Coco, itinuturing niyang peg ang aktor para sa magiging boyfriend niya in the future.

“Gusto ko nga yung sobrang maalaga.

“Minsan, kahit hindi ko ine-expect, yung una pang magte-text si Kuya Coco.

“Parang sa ibang lalaki, ganun din.

“Sobrang bait ni Kuya Coco na para siya yung naging ideal guy ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na kung magkakaroon ako ng boyfriend, gusto ko ganun kabait, ganun kaalaga.”

May mga nanliligaw na ba sa kanya ngayon?

“Ngayon po, wala, e.”

Kahit ba yung mga leading men niya sa Aryana, walang nagtangkang manligaw sa kanya?

“Wala po, kasi pinangungunahan ko po sila na, ‘Hanggang loveteam muna tayo. At saka na yung ligaw-ligaw. Let’s work professionally kasi marami pa tayong pagdadaanan. Bata pa tayo at saka masaya naman yung friendship na nagawa natin.’”

Hindi naman daw nagmamadaling magka-boyfriend si Ella dahil sixteen pa lang naman siya.


WHAT’S NEXT AFTER ARYANA? May susunod na ba siyang proyekto ngayong tapos na ang Aryana?

“Sa ngayon po, eto pa lang pong movie yung pinagkakaabalahan ko po.

“Wala pa po silang sinasabi na next show ko po.

“Pero ang sinasabi naman po nila, ‘Meron na iyan.’

“May pagmimitingan na raw po.”

May ibang artista kasing nagbida na pero matagal bago nabigyan ulit ng bida role. Handa ba siya sa ganitong sitwasyon? Ano ang fallback niya?

“Opo, actually, yun, nag-school po ulit ako. Doon po ako busy, sa school, tapos minsan po mall shows, pag may time po.

“Tapos yun, ASAP po minsan, ganun.”

Ano ang wish niya for 2013?

“Ang wish ko po for 2013, sana kung naging maganda yung 2012 ko, sana mas maging maganda yung 2013 ko na tuluy-tuloy lang yung magagandang nangyari noong 2012.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN