Cherie Gil on finding love: "I still hope that one day, I will find a man who I can be with, laugh with."

Inamin ni Cherie Gil na ang location shooting sa Paris at Amsterdam ang isa sa perks niya sa paggawa ng A Moment In Time. Patunay niya, “Yes, that’s why I said ‘yes’ to the movie! Of course, aside from the fact that I get to work with Gabby [Concepcion] again.”


Balik-Kapamilya network na naman ang premyadong aktres na si Cherie Gil.

Ginagampanan niya ang papel bilang protective mother ni Julia Montes sa Valentine offering ng Star Cinema, ang A Moment In Time, na pinagbibidahan din ni Coco Martin.

Ang gumaganap namang asawa ni Cherie sa pelikula ay si Gabby Concepcion, na kasabayan niya noong ’80s pa.

Sa presscon ng pelikula nila noong Martes, February 5, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN compound ay inilarawan ni Cherie ang role niya.

“I play Karen Linden, as Gabby said, we play parents to Julia.

“And as far as being of a mixed foreign and Pinoy blood kaya siguro kami kinuha… sosyal kami at mayaman.

“And of course, we protect our daughter and we want what’s best.

“And the fact that the movie is full of love and about love, we as parents have little subplots—we’re very loving with each other.

“Binuhay namin ang aming ’80s tandem [ni Gabby]... hindi na ako kontrabida.

“Ako na mismo ang asawa niya… sa wakas!

“Nagho-holding hands pa nga kami dito! Wala nga lang kiss,” natatawang sabi ni Cherie.



CONTEMPORARY. Proud si Cherie sa pagsasabing magka-contemporary sila ni Gabby sa showbiz.

Pagpapatunay pa ng aktres, “Sabay kaming nag-start. Gabby and I are like family to us.

“We did films… the Sharon films… Hirap At Ginhawa and then we’ve come to Bernal [the late Ishmael Bernal] time when we did Bilibid Boys.

“So, we’re very comfortable with each other.”

Kuwento naman ni Gabby, ang ina ni Cherie, ang beteranang character actress na si Rosemarie Gil, ang unang artistang nakilala niya sa showbiz.

Ito raw ang hiningian nila ng advice sa pagpasok niya sa showbiz.

Pinatunayan naman ni Cherie ang pagiging malapit ni Gabby sa kanila.

Aniya, “When he just arrived from the States, we insisted, we give him a bienvenida party in our house.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, it was a very exclusive party with the family and co-actors, co-friends.

“It was a very intimate party. So, pamilya namin talaga si Gabby… bro!”



COMMITMENTS. Kabilang sina Gabby at Cherie sa cast na nagpunta sa Paris at Amsterdam para kunan ang ibang mga eksena doon.

“Yes, that’s why I said ‘yes’ to the movie!” mabilis na hirit ni Cherie.

“Of course, aside from the fact that I get to work with Gabby again.

“Plus the fact, of course, that I would be working again with Manny [Direk Manny Palo] and Gabby again, and my first with Star Cinema.

“It’s been a while since I’ve done my last mainstream film.”

Ang huling acting project ni Cherie sa ABS-CBN ay noong 2010 pa—sa primetime soap na Rubi na pinagbidahan ni Angelica Panganiban.

Madalas siyang napapanood ngayon sa GMA-7. Ang latest drama series niya ay ang Temptation of Wife starring Marian Rivera.

Masuwerte raw si Cherie dahil may soap na siya sa GMA-7, may pelikula pa sa Star Cinema.

“Yes, it’s a lucky year! I’ve been lucky!” bulalas niya.



THEATER. Paano na ang plano niyang paglabas sa isang theater production?

“I put that aside for this year,” sagot niya.

“I’m supposed to do The Graduate but I put that on hold until the time is right.

“I think other things have presented itself this year.

“So, in terms of scheduling, there were other projects I think that would be given priority.

“’Coz right now, I’ve decided to put on the producer’s hat.

"So, we’ll see where that leads me for indie films.”

May mga indie films din na gagawin si Cherie.

“We’ll… we’re starting off with a movie with Peque [Gallaga,].

“In fact, it’s in the works now with the Film Development Fund for the Samahang Sinehang Pambansa, slated in September.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s another independent platform that’s backed up by the government and that would be my first.

“So, medyo may kaba na nang konti aside from acting in it.

“And then I, having stories with them. So, as far as that’s concerned, I cannot say so much more until hinog na hinog na.”

Ibig sabihin, hindi niya feel na maging Mrs. Robinson-role na gagampanan niya sa stage production sa Repertory Philippines?

“I save that when I really, really… uhm… desperate."

Pero bawi niya, “No! No! I’m kidding. No, I would love to do it still.

“I’m looking forward to do it next year. Pero sa ngayon, I wanna tap on other projects.

“Maybe more on to the film, kasi nami-miss ko talaga ang film.”



STYLE. Sa presscon, natanong at sinagot ng male cast ng A Moment In Time na sina Coco Martin, Joseph Marco, at Gabby kung anong klaseng style ng panliligaw ang nagwo-work sa mga nililigawan nila.

Tinanong naman si Cherie kung anong klaseng panliligaw ang nagwo-work sa kanya at paano niya nalalaman kung sincere ito o hindi.

Nagdalawang-isip na sagutin ito ni Cherie.

“Sigurado ka ba? Puwede pa ba?! Why didn’t you try?” balik niyang tanong sa nagtanong.

Parang ipinapahiwatig ni Cherie na sa edad niya ngayon parang imposible nang makaranas pa siya ng panliligaw.

Sabi pa niya, “Ay, ewan ko po. I don’t know? But I think I’ve passed that stage.

“At this point in time, hindi na yata ako tatablan ng kahit ano.

“Pero sige, first-class ticket around the world and a million bucks—in dollars!” halakhak niyang kasunod sa punchline.

Pero pahabol niya, “No… but it would be nice to grow old with someone.

"But I’m not looking into that right now.

“I’m really trying to concentrate in making myself right with myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sa naririnig ko sa mga bata, I understand what that feels.

“We all need to be inspired. You know, we pay the prize for it.

“But then again, it shouldn’t jade us. Love has to keep growing and make us stronger.

“That makes us all stronger, and as of now, I’m happy where I am at.

“And I still hope that one day, I will find a man who I can be with, laugh with.

“Pinakaimportante sa akin is to laugh on, have fun and enjoy life together.”

Hiwalay na si Cherie sa kanyang asawa, ang Israeli violinist na si Roni Rogoff.



VALENTINE’S DATE. May ka-date ba si Cherie this Valentine’s?

“Well, I’ve never been with a date on Valentine’s… never! Record-breaker ako!

“So, I’m glad to be part of a Valentine offering that will offer people the feeling of love and I’m glad that I’m contributing to that.

“Sama-sama tayo, all of you, my Valentine… oh… iiyak ako!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN