Former EB Babes member Saida Diola bids dancing goodbye: “Nilabas ko na talaga ang isip ko sa dancing.”

Saida Diola is thankful for the opportunity TV5 has given her after joining in the reality show Amazing Race Philippines. She now sets dancing aside, and repackages herself as host of TV5’s “show-on-wheels” Jeepney Jackpot Pera o Para.


Single daw ngayon si Saida Diola, kaya naman ipagdiriwang na lamang niya ang Valentine’s day kasama ang pamilya.

Gayunman, masaya si Saida dahil kahit loveless siya, may bago siyang proyekto sa TV5—ang Jeepney Jackpot Pera O Para kung saan kasama niya sina Valeen Montenegro, Mr. Fu, at Andres.

Nabanggit ni Saida sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na six months lamang ang pinirmahan niyang kontrata sa TV5 nang sumali siya sa Amazing Race Philippines noong nakaraang taon.

“Agad-agad ‘yon!” bulalas niya.

“Kakatapos lang ng Amazing Race, kaya thankful ako kasi may project agad-agad.”



ON HOSTING. Hindi naman na raw malaking adjustment kay Saida ang paghu-host.

Dati kasi siyang miyembro ng EB Babes, ang female dance group na napapanood sa noontime variety show na Eat Bulaga!.

“Galing din naman ako sa noontime show, so pamilyar ako sa mga tao kung paano lambingin yung mga tao, kung paano makipag-communicate.

“So mas may advantage kapag galing sa noontime show.

“Kakaiba itong Jeepney Jackpot kasi dito hindi ako sumasayaw talaga.

“More on talking, giving prizes, interacting with people.

“Tapos makikita mo kung gaano sila nagiging masaya talaga, na bibili lang sila sa tindahan ng bread tapos mananalo agad sila ng fifty thousand pesos.”



SO LONG, DANCING. Nais rin daw mapatunayan ni Saida sa show na, “[I’m] not just a dancer, na may iba pa ‘kong papakita, may iba pa akong talent.”

Nabanggit niya din sa PEP na tinanggal na niya ang komunikasyon niya sa ibang miyembro ng EB Babes.

“Hindi ko na sila nakakasama, e, si Molly lang yung nakakausap ko, nakaka-text ko na madalas,” dagdag pa niya.

Ang “repackage” ba niyang ito sa sarili ay nangangahulugan na rin ng pamamaalam niya sa pagsasayaw?

Tila buo na ang loob ni Saida nang sabihin niya, “Nilabas ko na talaga ang isip ko sa dancing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So bagong package na talaga, sobra.

“Bagong image na.

“Kasi feeling ko lang, ha, sa age ko na twenty-five, hindi na maganda sa image ko na nagsasasayaw ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN