Gabby Concepcion’s advice to daughter KC about love: "When you fall in love, you first fall in love with your heart. Use your mind also and, basically, follow your feelings, your instinct."

Alam daw ni Gabby Concepcion ang mga pinagdadaanang problema ng anak niyang si KC Concepcion. Bilang ama, ramdam din daw niya ang feelings ng anak. Saad niya, “Well, ang anak natin, kahit anong pinagdadaanan niyan, kapag nasasaktan siya, nasasaktan tayo. Kapag masaya siya, masaya tayo.”


Gumaganap bilang ama ni Julia Montes si Gabby Concepcion sa Valentine’s offering ng Star Cinema this year, ang A Moment In Time.

Sa press conference ng A Moment In Time noong Martes, February 5, ipaliwanag ni Gabby kung ano ang role niya sa pelikula.

“Kami ang mga magulang dito ni Julia," pagtukoy ng aktor sa kanila ni Cherie Gil.

“May halong foreigner kami, Dutch, kaya ang apelyido namin dito ay Linden.

“Siyempre, ang role ko, bilang father, bilang magulang, pinoprotektahan namin ang aming mga anak.

“Siguro, kaya nila kami kinuha kasi may mga anak akong babae—alam ko yung feeling.”

Lima ang anak na babae ni Gabby—si KC Concepcion (sa dati niyang asawa na si Sharon Cuneta), si Garrie Concepcion (kay Grace Ibuna), si Cloie Syquia Skarne (kay Jenny Syquia), at sina Samantha at Savannah Concepcion (sa asawa niya ngayong si Genevieve Gonzales).



TOGETHER AGAIN. Mag-asawa sila ni Cherie Gil sa pelikula at ilang beses na rin silang gumawa ng pelikula sa Regal Films noon.

Pero sa katatapos na teleserye ni Gabby sa ABS-CBN, ang Kapag Puso’y Masugatan, mas batang henerasyon ng Eigenmann ang nakasama niya—si Andi Eigenmann.

Pamangkin ni Cherie si Andi, na anak ng kapatid ng aktres na si Mark Gil.

May naging comparison ba siya sa mag-tiyahin?

Sabi ni Gabby, “Magagaling silang lahat. Galing lahat ‘yan kay Tita Rose [Rosemarie Gil, ina nina Cherie].

“Nakatrabaho ko na rin si Ralph, si Mark, yung anak niya, si Sid [Lucero]… magagaling.

“Meron silang iba-iba… kapag kaeksena mo, makikita mo, wala sa rehearsal, pero lumalabas ang galing nila kapag nag-roll na.

“Lalo na ito [Cherie], maski noong ’80s pa, bata pa ako noon, nakakasama ko na.”

Kuwento pa niya, “Sa personal side naman, si Tita Rose, bago pa ako mag-showbiz, kilala ko na.

“Nagpunta kami sa kanya. Humingi kami ng advice sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Matagal na yun. Very close ako sa kanila, yun ang feeling ko.”

GODFATHER. Si Gabby at ang lead actor ng A Moment In Time na si Coco Martin ay magkumpare pala.

Ninong daw si Coco ng bunsong anak ni Gabby na si Savannah.

“Noong gumawa kami noon, doon kami naging close.

"At simple siya—yun ang nakita ko sa kanya kaya gusto ko siyang kasama.

"At hindi siya nagbago. Kung ano siya noon, ganoon pa rin siya ngayon.

"Naging close ako sa kanya noong nag-Star Magic ako. Sila ang naba-barkada ko, mga bagets.”

Unang nagkasama sina Gabby at Coco sa dating teleserye ng ABS-CBN na Dahil May Isang Ikaw.

Nakitaan din daw ng chemistry ni Gabby sina Coco at Julia.

Kung si Coco ay kumpare niya, si Julia naman daw ay inakala niyang kamag-anak niya dahil sa apelyido nitong Montes.

“Akala ko talaga, yun ang last name niya. Yun ang last name ng father ko, Montes-Concepcion kami.

“So, tinanong ko siya at sabi ko, ‘Tiyempo naman, anak pa kita.’

“Tapos, yung youngest ko, kamukha niya, si Savannah. Actually, kahit si Samantha, kamukha pa rin niya.

“At bago pa ako ma-cast dito, sinasabi na namin na kamukha ni Samantha ito, yung eldest namin [sa asawa niyang si Genevieve].

“Talagang parang plinano ng panahon.”



GUESTING. Katatapos lang ng Kapag Puso’y Masugatan, pero may kasunod na raw na gagawing teleserye si Gabby sa ABS-CBN.

Ito ay ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Kuwento ng aktor, “Noong tinanong ako kung gusto kong mag-guest sa teleserye nina Dawn [Zulueta] at Gerald [Anderson], sabi ko, ‘Yeah, sure!’

“Maikli lang ang role, pero markado.

“Nang mabasa ko ang script, sabi ko, ‘Okay ito. At least, magkakasama kami ni Dawn maski na maikli lang.’

“At nakita ko, sabi ko, maiiwan sa alaala ni little Gerald yung role ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At perfect din, in time for the next teleserye, kasi sandali lang ako doon—mga one or two months.

“Tapos, balita ko, meron daw kaming gagawin.

“May gagawin din akong pelikula, sa Viva.

"At least, habang naghihintay ako, merong ganito.

“Nagpapasalamat nga rin ako kay Deo [Direk Deo Edrinal] na isinama pa niya ako sa dalawang project.”



FRIENDS. Yung pelikula sa Viva Films na tinutukoy niyang gagawin ay ang pelikula kasama si Maricel Soriano.

Aware din si Gabby na yung role ni Dawn sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin ay orihinal na si Maricel sana ang gaganap.

Pero pinalitan si Maricel dahil sa insidenteng nangyari sa kanila ni Gerald Anderson noong first taping day nila.

Bilang kaibigan ni Maricel, ano ang naging reaksiyon ni Gabby sa mga naging kaakibat na isyu sa pagkawala nito sa naturang teleserye?

“Nabalitaan ko yun, pero hindi ko pa alam ang puno’t dulo.

“Hindi pa kami nag-uusap ni Marya [Maricel] at saka ni Ge [Gerald], e, pareho kong kaibigan ‘yan.

“So, hindi ko alam kung ano’ng nangyari talaga. But at least, it was amicably settled naman.”



KC’S LOVELIFE. Kinumusta rin ng PEP kay Gabby ang panganay na anak na si KC Concepcion, at kung nakakapag-usap pa ba sila ngayon.

Sabi ng aktor, “Bago siya umalis papuntang Amerika, nakapag-usap kami.”

Nagkukuwento ba ito sa kanya tungkol sa lovelife?

“Wala naman siyang lovelife…. wala naman siyang lovelife o meron?”

Sinagot naman namin siya na, “Meron.”

Hirit naman ni Gabby, “Kita ninyo, mas alam ninyo pa kesa sa akin!”

Yung huli pa raw kasi ang alam niya at hindi naman daw siya nagtatanong sa anak.

Nasasaktan din ba siya kapag alam niyang nasasaktan ang anak?

“Well, ang anak natin, kahit ano’ng pinagdadaanan niyan, kapag nasasaktan siya, nasasaktan tayo.

“Kapag masaya siya, masaya tayo.”

Ang French filmmaker na si Pierre Emmanuel Plassart ang balitang bagong dine-date o diumano’y boyfriend na ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang masasabi ni Gabby rito?

“Hindi ko kilala ang dine-date niy... baka yun… yun… baka yun ang nakilala ko noong isang beses.

“Pero, hindi naman ako matanong na, ‘What do you do? What do you do here? What’s your job? Are you serious with my daughter?’

“Malay ko ba kung ano ang ginagawa nila, baka magkaibigan lang, di ba?

"So, hindi ko na inaalam.”

Kapag boyfriend na talagang ipinapakilala sa kanya ng anak, hindi pa rin ba niya ito ini-interview?

“E, hindi ko naman inaalam kung sila na. Basta ang pagkakakilala lang sa akin, kaibigan."

Wala pang ipinapakilala sa kanya si KC na boyfriend na nito?

“Wala, wala siyang sinasabi na, ‘Pa, this is my boyfriend.’

“Wala namang sinasabing ganoon. At saka, hindi naman ako nagtatanong.”

Para kay Gabby, kahit showbiz o non-showbiz daw ang maging karelasyon ng anak ay okay sa kanya.

“Kahit sa nasa industriya o wala sa industriya, basta ang importante, nagmamahalan sila and they are willing to make it work.”

Hindi ba siya nagbibigay ng advice kay KC bilang napakarami na niyang karanasan sa pakikipagrelasyon?

“Nag-uusap kami. In fact, siya nga ang madalas na matanong.

“Madalas na matanong si KC like, you know, ‘As a boy, Pa…’

"Basically, kumukuha siya ng inputs.

“At madalas ko namang sinasabi, ’When you fall in love, you first fall in love with your heart. Use your mind also and, basically, follow your feelings, your instinct.’

“Sa buhay kasi, hindi naman puwedeng puro puso.

“Of course, doon nag-uumpisa.”



EX-WIFE SHARON. Sa isang banda, matagal naman nang nasusulat at napag-uusapan na muli silang magtatambal ng dating asawa na si Sharon Cuneta.

Matutuloy pa rin ba ang pelikulang pagsasamahan nila?

“Matutuloy yun,” mabilis na sagot ni Gabby.

“Sabi nga ni Kim Atienza, e, weather-weather lang. Abangan na lang nila.

“Maraming nag-i-email sa akin, nagtatanong kung matutuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag nagti-taping kami, nagtatanong din sila kung matutuloy—nire-request talaga.

“E, meron daw kaming hinihintay, sabi ni Boss Vic [del Rosario].

“Basta, may hinihintay na importanteng mangyari.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN