Marissa Lapid, wife of Senator Lito Lapid, sentenced to three-year probation for cash smuggling

Pagkalipas ng mahigit isang taon ay nagkaroon na rin ng hatol ang kasong cash smuggling na isinampa laban kay Mrs. Marissa Lapid, ang maybahay ni Senator Lito Lapid.


Hinatulan na ng U.S. District Court of Nevada, sa Las Vegas, ang asawa ni Senator Lito Lapid na si Marissa Lapid ng “three-year probation” dahil sa kaso nitong “cash smuggling.”

Nag-plead ng guilty ang asawa ng senador.

Sa ulat ng TV Patrol kagabi, February 6, sa kabila ng naging desisyon ng korte, nakahinga na raw nang maluwag si Mrs. Lapid dahil sa wakas ay natapos na ang kaso.

Noong Martes, February 5 (U.S. time), ang araw na nagbaba ng desisyon ang korte.

Ilan pa sa mga sentensiyang ipinataw kay Mrs. Lapid ay ang mga sumusunod: limang buwang house confinement; $40,000 na multa; ang pag-forfiet sa $159,700 na perang naka-deposito nito sa tatlong bangko sa Las Vegas na isa rin sa dahilan ng kanyang pagkaaresto noon.

Ang $159,700 ay katumbas ng halos P6.5 million.

Umabot sa lagpas isang taon ang paglilitis sa kaso ng asawa ni Senator Lapid.

Matatandaang noong Enero 2012, naaresto si Mrs. Lapid sa McCarran International Airport sa Las Vegas, base sa warrant of arrest na inisyu ng Las Vegas court, dahil sa cash smuggling.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN