Imelda Papin disqualified by Comelec to run for Congress in Bulacan

Diniskwalipika ng Commission on Elections ang singer na si Imelda Papin sa kandidatura nito bilang representative ng lone district ng San Jose del Monte, Bulacan. Kakulangan ng residency requirements ng singer ang pinagbasehan upang idiskwalipika ang kandidatura niya.


Tuluyan nang naaberya ang planong pagtakbo ng Jukebox Queen na si Imelda Papin bilang kongresista sa Lone District ng San Jose Del Monte, Bulacan.

Ito ay dahil sa kakulangan ng residency requirements ng singer sa naturang bayan sa Norte.

Base ito sa resolution ng Second Division ng Commission on Elections na may petsang January 31, 2013.

Ayon sa Ulat ng InterAksyon, sa sampung pahinang resolusyon ng Comelec, pumabor ang ahensiya sa petitioner na si Zosimo Lorenzo ng Arangkada San Joseno political party.

Si Lorenzo ang nag-file ng reklamo laban kay Imelda para huwag payagang kumandidato sa lugar nila ang singer.

Ayon pa sa Comelec, “Respondent’s certificate of candidacy (COC) must be cancelled for making false material representation relating to her residence and for claiming that she is eligible to run for elective office.”

Nakasaad din sa resolusyon na ang pahayag ni Imelda na residente na siya ng San Jose del Monte mula pa noong 2002 ay hindi tumugma sa barangay certification nito na nagsasabing residente na siya sa siyudad noong 2000 pa.

Dagdag pa sa resolusyon ng Comelec, “...respondent admitted that she already sold her residential property in the said city in 2009—which is inconsistent with the certification that she had been a resident of the said city since year 2000.”

Sa petisyon ni Lorenzo, sinabi nitong mali ang idineklarang address ni Papin sa kanyang COC (Certificate of Candidacy) na barangay San Manuel sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Ang totoong lugar daw kung saan ito nakatira ay sa Barangay Pasong Putik, North Fairview, Quezon City.

Sinabi naman ni Imelda na nagsimula siyang magparamdam sa San Jose del Monte City noon pang 2002, nang bumili siya ng property doon para sa kanyang soap-manufacturing business.

Inihayag din ni Imelda na inaprubahan ng Election Registration Board (ERB) ng Comelec ang kanyang application para magpalipat ng voter’s registration mula Quezon City papuntang San Jose del Monte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Imelda, kahit ang sinasabing “domicile of origin”niya ay Camarines Sur, nagsimula na siyang tumira sa San Jose del Monte noong 2004, pagkatapos ng kanyang termino bilang three-termer vice governor ng CamSur.

Pero sinabi ng Comelec na ang pag-grant ng ERB ay hindi nangangahulugang kasama na ang residency requirement para sa pagtakbo nito.

Ayon pa sa kanilang ruling, “ERB’s approval does not involve the residency requirement for eligibility to run for congresswoman which requires a residency in the locality for a period of at least one year immediately preceding the election.”

Sinabi rin ng ahensiya na ang pagdeklara ni Imelda na hindi na Camarines Sur ang kanyang “domicile origin” ay hindi suportado ng klaro at positibong ebidensiya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN