Jon Santos on Vice Ganda’s success: “It’s a very exciting time for every Pinoy to be a comedian and, at the same time, comedienne.”

Jon Santos: “Tsaka pag-retire ako, tanggap ko na hindi ako matatandaan for my sex appeal… But I just hope when that day comes, it would be great na matandaan nila ako bilang isang The Great Pretender.”


Muling mapapanood sa entablado ang magaling na impersonator na si Jon Santos sa A Very, Very Viva Valentines concert na gaganapin sa February 13 sa Resorts World Performing Arts Theater.

This time, makakasama niya ang mga dekalibreng singers na sina Basil Valdez at Vernie Varga.

Inspiradong nagkuwento si Jon sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng MYX Philippines sa studio ng ABS-CBN.

“Yeah, you heard it right,” kumpirma niya tungkol sa concert.

“Alam ninyo naman na hindi magpapahuli ang Viva Concerts taun-taon sa pag-offer ng Valentine concerts for everyone, everywhere.

“This year, part ako ng back-to-back-to back concert wherein makakasama ko nga sina Basil Valdez and Vernie Varga.

“Kaya nga three Vs, kasi nga Valdez, Vernie at ako—si Ate Vee!" biro ni Jon, na kilala rin sa pag-i-impersonate sa Star For All Seasons na si Vilma Santos.

“So, tatlo kaming maghahandog ng kakaibang entertainment.

“If they want Broadway, or yung Vernie Varga brand of music, yung ako, yung OPM—as in original Pinoy na manggagaya—nariyan sila, halu-halo na.”



NEW PERSONALITY. Sa bawat pag-perform niya, lagi nang may bagong handog si Jon sa publiko.

Sa pagkakataong ito, ibinida niya ang bagong handog niya sa mga manonood.

“This time, kakapanayamin natin ang ating binatang Pangulo [President Noynoy Aquino].

“Malay ninyo, bigla siyang dumating… bigla na lang siyang lumitaw.

“Tingnan natin kung ano ang kahihinatnan ng ating engkuwentro with him.”



ENDURING. Hindi pa rin lumilipas ang kanyang energy na parang wala na siyang kapaguran sa pagpapatawa na hinahangaan ng karamihan.

“It’s been twenty-eight years already.

“Minsan, napapagod din ang isang Jon Santos. Siyempre, tao din ako.

“Pero after a while, okey na naman ang feeling ko. Balik na naman sa pag-iisip ng ano ang sunod na gagawin ko.

“Ako kasi, once into it, I involve myself a lot—kung sino ang gagayahin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“O, kahit sa outfit, ako mismo ang nagpaplano.

“The Pinoys kasi have been very, very accepting of the kind of comedy that I do.

“Very humbling kasi na parang dyahe ding mag-retire.”



RETIREMENT. Naisip na din pala niya ang mag-retire?

“Minsan, pero parang di naman,” pag-amin niya.

“Kasi nandiyan naman ang mga Pinoy na naghahanap ng some kind of pampaalis ng stress.

“Tsaka pag-retire ako, tanggap ko na hindi ako matatandaan for my sex appeal…

“Na hindi nila ako matatandaan for my dramatic prowess… na hindi rin ako matatandan for my singing and dancing.

“But I just hope when that day comes, it would be great na matandaan nila ako bilang isang ’The Great Pretender.’”



PHENOMENAL. Sa puntong ito, inalam ng PEP ang kanyang reaksiyon tungkol sa phenomenal success ni Vice Ganda.

“I am so encouraged,” sabi ni Jon.

“Hangang-hanga ako sa magic ni Vice kasi nga na-amaze ako sa tao na nakaka-attract ng maraming tao o ng malaking audience just by herself, or… by himself.

“Siyempre, bilang isang tao na kailangang laging nakatago sa isang maskara, nakakamangha na hawak niya ang kanyang fans just being Vice.

“Mari-realize mo talaga na ang comedy pala is for everybody.

"And ang Pinoy, basta sincere ka sa ginagawa mo, welcome ka sa kanyang tahanan.

“So, it’s a very exciting time for every Pinoy to be a comedian and at the same time, comedienne.”



IN COMPARISON. Wala naman siyang nararamdamang insecurity?

Reaksiyon niya, “Sus, naman! Why would I feel that way naman?

“Both of us ay nabibigyan ng magandang opportunities and we do naman the best of what we can be…

“Kaya wala yang insecurity-insecurity na ‘yan!

“Maging masaya na lang tayo kung anuman meron tayo.”

Magkaiba naman daw ang brand of comedy na kanilang ginagawa, sabi ni Jon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN