Bella Flores’s daughter asks for prayers and support for bedridden veteran actress

Dahil sa seryosong kalagayan ngayon ng beteranang aktres na si Bella Flores, ipinauubaya na lang daw ng kanyang nag-iisang anak na si Ruby Arcilla ang lahat sa Panginoon. Saad ni Ruby, “I’m not gonna be selfish, I’m just gonnna say na kung gusto ni Lord na kunin siya, ibibigay namin siya nang buong-buo sa Kanya, kasi nandiyan na ‘yan, e. We’re getting ready for that, but I think we are not ready—but we are getting ready.&rd


Humihiling ng dasal at suporta si Ruby Arcilla, ang kaisa-isang anak ng beteranang aktres na si Bella Flores, para sa inang may seryosong karamdaman ngayon.

Personal na ipinasilip ni Ruby sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 31 ang kanyang ina sa silid nito sa kanilang tahanan.

Napansin naming medyo payat na at matamlay ang dating palangiting primera-kontrabida ng Philippine showbiz.

Ipinakilala pa kami ni Ruby sa ina, at tanging matamlay na ngiti ang namutawi sa mukha ng mahusay na aktres.

Kuwento ni Ruby sa PEP, “Madali siyang mapagod, tapos medyo forgetful, so I feel na meron talagang nangyayari na.”

Noong bumisita kami sa kanilang tahanan, naghahanda na sila ng medical records ng kanyang ina para sa nakatakdang pagpapa-ospital nito.

Matatandaang inoperahan noong isang taon si Bella pagkatapos nitong maaksidente sa loob ng kanilang tahanan.

Sabi ni Ruby, “After her accident, wala namang tinreat sa kanya kung hindi yung fall niya, nagkaroon siya ng hip replacement.

“’Coz when she fell, yung kanyang hip bone, nabali. So we had to do a hip replacement surgery.

“Thank God naman na nalampasan niya.

“Alam mo naman before surgery, you had to go through a lot of tests, so I believe they found her to be okay naman to do the surgery.”

Saad pa niya, “I think, sa totoo lang, right now, we really don’t know... I think she has regressed.

“Medyo mas parang humina na siya… nakita mo naman.

“And again, yung kanyang pag-iisip, of course, is not there and totally.

“And so, ang ginagawa at gagawin namin is to bring her in sa hospital.

“Yung kanyang Balik Samahan group, headed by Miss Pempe Rodrigo, and Miss Boots Anson-Roa, Tita Susan Roces, Gloria Sevilla, Gloria Romero… lahat po yun, are really behind her to support her—para mabigyan siya ng kaukulang treatment.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan nagsimulang hindi na makalakad ang kanyang ina?

Tugon ni Ruby, “After the surgery, she had a couple of months of rehab, pero hindi naging successful.

“Hindi pa siya nakakalakad hanggang ngayon, so I guess, because nakahiga siya, hindi siya kumikilos, so I think even the mind, bumibigay na rin.”

Palagi raw kinakausap ni Ruby ang ina kahit hindi na ito nakakapagsalita nang maayos.

“Actually, yes, kinakausap ko siya palagi.

“Of course, yung response niya might not be the right answer, pero nagre-respond siya.”



84 BLISSFUL YEARS. Eighty-four years old na ngayon si Bella Flores.

Ano kaya ang worst na naiisip ni Ruby sa kalagayan ng ina?

Medyo mangiyak-ngiyak na sagot niya, “Uhm, well, they say that you always have to be prepared.

“Lahat naman tayo dadating diyan, una-una lang.

“And, of course, because of the situation na may sakit siya, and all that, naiisip ko na rin yun.

“And that’s why I’ve been advised to prepare and all that.

“But we can never be really prepared, it’s just that, of course, idinadasal ko na…

“Si Lord lang naman ang makakasagot niyan, e. Ano ba gusto ni Lord? Gusto ba Niya na mabuhay pa siya [Bella] nang matagal?

“And if at all, kung bibigyan pa siya ng buhay na matagal, sana naman e kumportableng buhay na mag-e-enjoy pa siya.

“Hindi rin naman kami… hindi rin namin siya ipagdadamot kay Lord, and she’s had a full life.

“She’s been acting all her life.

"Nakita n’yo naman ano… she’s actually celebrating her 62 years in the industry.

“Kaya medyo palagay naman natin ganun na siya, na she has enjoyed herself in this world.

“And napakita naman niya ‘yan with all the movies she has done and all the activities na sinamahan niya.”

Ano ba ang wish ni Ruby na sana ay ipagkaloob ng Diyos para sa ina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “I wish na sana maging komportable while she is at this stage, at this time.

“All you can hear from her is, of course, you know, pain. We don’t know what.”

Ano ba ang hiling ni Ruby para sa ina mula sa mga kaibigan nito?

Pakiusap niya, “Well, at this point, nagsuporta na po and I really want to thank Mr. Ben Chan of Bench.

“He was the first one na nagpakita po ng support kay Mom, which ikinagulat ko po.

“Nagpapunta po siya ng executive niya dito, and dun po talaga ako na-touch.

“Kasi yung last project namin, tuwang-tuwa siya po kay Mom, yung 25th anniversary ng Bench.

“And tuwang-tuwa siya kay Mom and I think it’s safe to say na it must be her last project.”

Ang tinutukoy ni Ruby ay ang short film na “Kontrabida 101,” na naging bahagi ng Benchingko Films projects sa selebrasyon ng ika-25 taon ng Bench.

Dagdag pa ni Ruby, “Nire-request ko lang po sa lahat ng nagmamahal sa kanya, lahat ng mga kaibigan niya, lahat ng… those that care for her, na kung puwede po, isama n’yo siya sa prayers n’yo.

“And ‘yan po talaga ang pinakamalakas na magpapagaling sa kanya.

“And di naman po natin pinapangunahan ang Panginoon, pero nire-request po natin sa Kanya na bigyan pa siya ng lakas pa.

“Doon naman po sa sa may kakayahan na tumulong, because, you know, loss of income and all that, yun po ang pinaka-worry niya sa akin na sinasabi niya sa akin.”

Paano hinaharap ni Ruby ang bawat araw na nakikita niya ang kanyang inang nahihirapan?

Humihikbing sagot ni Ruby, “Mahirap na palagi ka na sa tabi ng ganoong sitwasyon kasi baka ikaw ang unang bumigay.

“Nag-iisa kasing anak kaya medyo mahirap.”

Pero positibo naman si Ruby na harapin kung ano man ang kagustuhan ng Panginoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tanong kung okay ba sa kanyang magbalik-loob na sa Panginoon ang ina kaysa mahirapan pa, pagsang-ayon ang naging tugon nito.

Aniya, “Ganun din po ako, I love her so much na sana huwag na siya mahirapan.

“But of course, sino ba naman ang gustong mawala siya?

“I’m not gonna be selfish, I’m just gonnna say na kung gusto ni Lord na kunin siya, ibibigay namin siya nang buong-buo sa Kanya, kasi nandiyan na ‘yan, e.

“We’re getting ready for that, but I think we are not ready—but we are getting ready.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN