Gab Valenciano on budding romance between John Prats and Isabel Oli: "Whatever makes them happy, makes me happy."

May nakahandang strategy si Gab Valenciano sa paghihiwalayan nila ng girlfriend niyang si Coleen Garcia kapag lumipad na siya sa U.S. Ang gagawin nila: “There is a plan and, for me, hindi ko kakayanin ng isang buong taon na wala siya, but she’s gonna visiting me naman and I’m gonna visit her.”


Sa presscon ng ASAP para sa 18th anniversary nito last week, naging emosyunal si Gary Valenciano nang mapag-usapan ang parehong nalalapit na pagpapakasal ng anak na si Paolo at ang pag-alis na si Gab patungong Amerika para mag-aral.

Kinumpirma ni Gab sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya noong nakaraang Linggo, February 3, na sa March 25 ang alis niya patungong Orlando, Florida.

Doon na raw siya mag-aaral at mag-aasikaso ng kanyang citizenship.

Saad niya, “Ito na yun, finally.

“Actually, the reason why, di ba, palagi kong sinasabing aalis ako, the biggest reason kung bakit nag-stay ako—to actually live out my younger years dito sa Manila.

"I only live 20, 21, 22 years of my life, di ba?

“So ngayon, I feel I’m a little more experienced, more matured to be able to live on my own.

"Heto na, I’m finally leaving.

“The day should be around March 25 but we’re trying to get earlier flight ’coz school will start April 1.

“Yung course ko is two years. I’ll be there for two years."

Ayon kay Gab, kasabay na rin ng pag-aaral ay asikasuhin niya ang kanyang citizenship.

“I’m also working din kasi for my immigrant status so I have to spend some time sa States muna so I can get my citizenship also.”



SHOW PRODUCER. Regular na napapanood si Gab sa Sarah G Live! at naging parte rin siya ng ASAP sa loob ng matagal-tagal na panahon.

Pero inamin ni Gab na ang pagpo-produce talaga ang gusto niyang gawin.

Sabi niya, “I guess you can say that.

"Actually, hindi naman talaga ito ang gusto kong gusto gawin—it’s not really what I wanna do.

“I’m thankful, very blessed and very, very grateful to ABS that they gave me this opportunity.

"Pero in reality, hindi talaga ito ang gusto kong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I wanna produce music and movies here and abroad.

“So what I gonna do, I wanna try, I don’t know how many years, I wanna try to make it there not as an artist but as a producer.”



ADJUSTMENT PERIOD. Open book ang relasyon ni Gab kay Coleen Garcia.

Hindi kaya siya nag-aalala na mahirap ang isang long-distance affair lalo’t maraming tukso silang maaaring ma-encounter?

Sabi ni Gab, “Alam naman natin na medyo mahirap yun, pero I know a lot of people that have gone through it and have made it.

“Ang gagawin na lang namin is we have to adjust with each other, talagang it’s not easier for each other.

“We’ve been together for two years na rin, so I think we know each other pretty well.

“Alam ko na kahit papaano, yung mga ginagawa ko na nagagalit siya, di ko na gagawin yun when I’m far away.

“That’s true. When it comes to Coleen kasi, I have never been this serious with anybody so much.

“Kumbaga, she’d actually be willing to make sabay... she actually is willing to follow in the States.

“I’m not sure yet, maybe in a year, pero di pa sure yun.

"Study… she wants to study abroad.

“New York siguro siya, I’ll stay in Orlando. That’s an hour airplane.

“There is a plan and, for me, hindi ko kakayanin ng isang buong taon na wala siya.

"But she’s gonna visiting me naman and I’m gonna visit her.

“I’m sure there will be, ’coz temptations are everywhere, maski naman dito may temptations, e.

“I trust her in my life and I trust myself also.

"Saka karamihan ng pamilya ko nandoon, sila ang kasama ko doon.”



SAD PARTING. Hindi itinago ni Gab na mahirap sa kanya ang sitwasyon lalo’t ilang araw na lang ay aalis na siya ng bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam din ng lahat kung gaano kalapit sa isa’t isa ang pamilya Valenciano at maraming iiwanang kaibigan si Gab bukod pa nga sa girlfriend niya.

“Doon ako nagiging emotional din… my whole family, Coleen, my friends... that’s the biggest heartbreak for me.

“Kasi siyempre, I’m with them every day.

"My brother just got married, hindi natin alam baka magka-baby siya kaagad.

“I wanna be here to experience all of that, but I won’t be able nga ’coz I’ll be there.

“I told myself I wanna be better, I wanna reach my goals so I can also bless them.

“Actually, it’s a very emotional ride this past few months…

“My brother getting married, pati si Keanna [Gab’s sister], kasi she’s in college now so she lives with my brother also.

“Walang tao sa bahay and that house is made for all of us.

“You can’t imagine all the space… ang laki.

"So it’s been a little sad for all of us, pero at the end of the day, ganoon talaga ang buhay, e.

“I will definitely make an effort talaga to visit as much as I can.

“I’m with Coleen naman every day, so hindi problema yun.

“With my family now, especially with my brother, we’re trying to make an effort talaga to see each other every day.

“Tonight actually, after Sarah G Live!, didiretso ako ng beach kasi nandoon ang buong family ko.

“Maski mapuyat ako, I’ll be there for them.

“Of course, I’ll miss them them, e—those are small things that I will do.”



NEW LOVE. Nakikitang palaging magkasama ngayon sina John Prats at ang ex-girlfriend ni Gab na si Isabel Oli.

Nang hingan namin ng reaksiyon tungkol dito si Gab, nagpahayag ito na masaya siya para sa dalawa lalo’t matagal na ring natapos ang relasyon nila ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Wala... Isabel and I we had our thing.

"It’s more than a year ago and whatever makes them happy, makes me happy.

“Di mo naman mapipigilan ang sarili mo. If you like someone, go! E, gusto mo, e.

“I wish them well.

"I hope for Pratty’s [John] side na ito na yun and also for Liv’s [Isabel] side, I hope na ito na yun.

“I’m close to both of them, alam ko ang gusto nila.

“She has communication with my family.

"To me directly, not really… also respect for Coleen.

“I don’t wanna… alam mo yun? Mahirap naman na pati si Coleen may communication pa with her ex.

“Coleen naman is very understanding, selosa siya at seloso din ako.

“Pero understanding siya, na siyempre may pinagsamahan din ang family ko and her [Isabel].

“Di naman puwedeng pag-break namin, goodbye na pati yung sa kanila. Siyempre, may pinagsamahan din.

“I wish them well, I hope they keep their relationship God-centered and I pray for them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN