(UPDATED) Robin Padilla surprises Mariel Rodriguez in Wowowillie; calls out wife’s bashers

Sorpresang binisita ng action star na si Robin Padilla ang misis niyang si Mariel Rodriguez sa live telecast ng TV5 noontime show na Wowowillie ngayong hapon, February 7. Isinuot muli ni Robin sa daliri ni Mariel ang singsing na isinoli ng TV host dahil sa pagseselos.


Nagulat si Willie Revillame at ang audience ng Wowowillie sa biglang pagdating ni Robin Padilla sa studio ng kanyang noontime show sa TV5 ngayong hapon, February 7.

Sa harap ng mga manonood ng Wowowillie, ikinuwento ni Robin ang problema na pinagdaanan ng relasyon nila ng kanyang asawang si Mariel Rodriguez—isa sa co-hosts ni Willie.

Naapektuhan kasi nang husto si Mariel sa love scene nina Robin at Kris Aquino sa ABS-CBN primetime series na Kailangan Ko’y Ikaw, na ipinalabas noong Martes, February 5.

THE RING. Nasaktan si Robin para kay Mariel dahil sa mga batikos na natanggap nito sa Twitter mula sa mga hindi kilalang tao na nag-react sa mga tweet ng kanyang asawa.

(CLICK HERE to read related story.)

Saad ni Robin, “Ang asawa ko, natural lang na magselos at hindi masama ang magselos dahil ang ibig sabhin nun, mahal niya ako.

“Alam mo, Kuya Willie, masyado pong seryoso ang nangyari sa amin.

“Katunayan, isinoli sa akin yung singsing.

“Hindi ako nagbibiro, isinoli sa akin ng asawa ko ang singsing!

“At yung ibang tao, akala nakikipaglokohan ang asawa ko.

"Hindi po kami marunong makipagbolahan.

“Totoo ang lahat na nararamdaman ng asawa ko kaya sana ho, kung sinuman yung mga naninira na sinasaktan n’yo pa ang asawa ko, pasalamat ka hindi kita makita sa TV.

“Pasalamat ka kasi social media, ang tatapang ho ng mga tao diyan, kasi hindi kayo nagkikita.

“Pero para sa isang lalaki, napakasakit na hindi mo maipagtanggol ang asawa mo.”

Hiningi ni Robin ang tulong ni Willie para maisuot niya muli sa daliri ni Mariel ang singsing na ibinalik sa kanya ng asawa.

Lumuhod si Robin sa harap ng kanyang asawa at nagpahayag ng, “Babe, wala akong ginagawang masama. Sana muli mong tanggapin ang singsing ng pagmamahal ko.”

KRIS AQUINO. Sabi pa ng action star, “Kuya Willie, isa na lang, alam kong mahaba na ang oras na kinuha ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto kong magpasalamat kay Kris Aquino dahil lumayas na ho yung asawa ko kahapon, siya po ang kumausap kay Mariel.

“At maraming salamat, umuwi ho yung asawa ko."

Ikinuwento naman ni Willie na malungkot na malungkot kahapon si Mariel kaya kinausap niya si Jay Montelibano, ang business unit head ng Wowowillie.

Aniya, “Kasi po kahapon, si Mariel, malungkot.

“Dapat tatawagan kita [Robin] kahapon, kaya lang problemang mag-asawa ’yon.

“Sabi ko kay Jay, ‘Hayaan mo munang magkalma si Mariel, pauwiin mo, kasi alam ko hindi siya uuwi ng bahay.’

“Sabi ko kay Jay, ‘Huwag nating pakialaman, si Robin ang bahala diyan. Si Robin ang makaka-resolve niyan.’"

JEALOUS MARIEL. Ipinaliwanag naman ni Mariel ang kanyang posisyon tungkol sa pagseselos niya sa love scene nina Robin at Kris.

"Ganoon ang trabaho talaga.

“Okey sa akin ang kissing scene, hindi ako kumportable sa love scene, " ani Mariel.

Sinagot naman siya ni Robin ng: “Basta ako, tandaan mo, yung pag-ibig ko, sana diyan lang ’yan sa kamay mo ’yan.

“Huwag nang mabalik sa akin kasi mahal na mahal kita. Iniibig kita. Tandaan mo ‘yan.”

Biro pa ni Robin sa huli, “Kuya Willie, hindi na ako puwedeng magtagal, baka i-ban na ako sa kabila.”

Si Robin ay kasalukuyang contract star ng ABS-CBN kung saan may dalawa siyang shows—Kailangan Ko’y Ikaw at Toda Max.

(CLICK HERE for the video of his Wowowillie appearance.)



INSTAGRAM POST. Ilang sandali pagkatapos niyang lumabas sa Wowowillie, nag-post ng mensahe si Robin sa kanyang Instagram account (robinhoodpadilla).

Dito ay direkta niyang hinamon ang "umaapi" kay Mariel.

Ang caption ng kanyang mensahe ay ito: "Tama na ang tsismis at satsat Bakbakan na"

Ito naman ang kanyang buong mensahe:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN