Toni Gonzaga dismisses comparison to KC Concepcion as hosts: "Hindi maganda yun. ‘Wag na tayong mag-compare."

Ito ang sagot ni Toni sa isyung napag-iiwanan na niya ang dating co-hosts sa Pinoy Big Brother na sina Mariel Rodriguez at Bianca Gonzales: “Hindi maganda yung ganun na parang may competition. Siguro ang competition ko na lang is sarili ko. Kung makipag-compete man ako, kapatid ko na lang, at least kapatid ko yun. Walang masyadong issue.”


Ang tinaguriang "Ultimate Multimedia Star" na si Toni Gonzaga ang host ng The Voice of the Philippines, na franchise mula sa worldwide hit singing competition na The Voice.

Si Toni ang Pinoy counterpart ni Carson Daly na host ng The Voice US edition, kung saan ang celebrity coaches ay sina Christina Aguilera, Adam Levine, Cee Lo Green, at Blake Shelton.

At presstime, si Sarah Geronimo pa lang ang kumpirmadong isa sa apat na magiging celebrity coaches.

Sabi ni Toni, “Everything was also a big shock to me.

"I’ve heard about this show a long time ago… actually last year ko pa narinig.

"Never kong naisip na magiging part ako, or mapagpipilian ako bilang host ng programang ito.

“I thought they want someone na bago na gusto nilang i-groom. Or they might not want my service.

"Basta marami akong mga gano’n na iniisip, ’Siguro gusto nila ng iba,’ ganyan.

"But I’m really, really thankful and I feel really blessed na naibigay sa akin itong programang katulad ng The Voice.

"Because this is going to be one of the biggest and the ultimate singing contest of ABS-CBN.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Toni sa presscon na inihanda ng Kapamilya network para kanya kaninang tanghali, February 7, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Ang kaibahan ng The Voice ay ang blind audition kung saan hindi nakikita ng voice coaches ang mga sasaling contestant.

Ibabase lamang nila ito sa singing voice ng mag-o-audition kung sino ang pipiliin nilang ite-train.



SARAH GERONIMO. May usap-usapan noon na si Sarah Geronimo ang magiging host ng The Voice. Ano ang nangyari?

“’Yan ang hindi ko masasagot," tugon ni Toni.

"Kasi no’ng binigay sa akin ang programan ito, hindi naman idiniscuss [discussed] na yung mga gano’ng issues. Or yung mga gano’n na mga naririnig natin before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When it was given to me, it was presented to me the way it is.”

Marami-raming shows na rin ang hinost ni Toni: Pinoy Big Brother (PBB), Pinoy Dream Academy, Happy Yipee Yehey!, Entertainment Live, at The Buzz.

Hindi ba siya nagsasawa sa paghu-host? Wala ba siyang balak maging serious drama actress?

“Ay, ang taraaay! Wow!" bulalas ni Toni.

"E, nagku-comedy naman ako sa pelikula. Nagda-drama rin naman ako nang konti sa pelikula.

“Sa telebisyon, e, hindi pa sa ngayon.

"E, hindi pa naman sila nagsasawa sa akin, so hindi pa rin ako nagsasawa na ibigay yung serbisyo ko.

“Darating din naman yung time na yun na hindi na kakailanganin yung serbisyo ko.

"Pero sa ngayon na kailangan pa nila yung serbisyo ko, go lang nang go!”



BIANCA AND MARIEL. Ilang beses na ring nakasama ni Toni sina Bianca Gonzalez at Mariel Rodriguez sa paghu-host.

Direstahang tanong: Bakit mukhang napag-iiwanan na niya ang dalawa?

“What? Wala namang gano’n. Wala namang gano’n. Lahat naman kami one way or another, mag-e-elevate din naman kaming lahat," medyo worried na sagot ni Toni.

“It just so happens na nabigyan ako ng The Voice. Nauna lang siguro, pero I’m sure, mero’n din mga naka-assign for them in the future.

“Kasi, ito namang programang ito, when it was given to me, katulad ng lagi kong sinasabi, hindi ko ine-expect ang programang ito.

“Sabi ko, okay na rin naman ako kung ano’ng mero’n ako. It just so happens na mabait ang Diyos…

“Hindi maganda yung gano’n na parang may competition.

"Siguro ang competition ko na lang is sarili ko.

"Kung makipag-compete man ako, kapatid ko na lang, at least kapatid ko yun.

"Walang masyadong issue!” natatawa niyang saad patungkol sa kapatid na si Alex Gonzaga.



KC CONCEPCION. Hindi naman maiwasang ikumpara si Toni kay KC Concepcion, na nag-host ng X-Factor Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Toni, “Magkaiba naman. Magkaiba naman, although parehong reality-singing competition.

“Magkaiba kami ni KC sa paghu-host. Kaya hindi mo kami puwedeng ikumpara.

"Kasi iba yung istilo ni KC, iba yung istilo ko. Pareho lang kaming hosts.

“Hindi maganda yun. ‘Wag na tayong mag-compare.

"May kanya-kanya naman tayong strength, abilities, skills, and talents.

“Kung ano nao-offer ni KC, si KC makaka-offer no’n sa inyo.

"At kung anuman yung nao-offer ko, yun naman ang kaya kong i-offer sa inyo.”



MORE EMPATHY. May komento noon sa hosting ni Toni sa PBB, na nakukulangan daw ang ilan sa ipinapakita niyang connection with the housemates.

Sabi naman ni Toni tungkol dito, “As a host and as someone who evicts them, I cannot show so much empathy because I cannot be bias to one housemate.

“We have so many housemates… of course there should be empathy but at the end of the day, ako pa rin yung nag-e-evict sa kanila.

“I can show… Kinausap na rin ako ni Direk Lauren [Dyogi, ABS-CBN business unit head] one time when it comes sa…

"Minsan masyadong nahahalata kapag may gusto akong housemate, mas matagal yung pag-uusap.

“Mas matagal yung banter, mas matagal yung biruan.

"Mahirap din. It’s so hard to balance that as a host.

"And I guess it’s one of the things that I’d be working on.

“If that’s what they want me to have and if that’s what they’re looking for me in this show, I’m open to that and will work hard on that na makuha ko yun.

“Sa PBB kasi, I cannot show so much empathy because when I appear on screen… kasi television screen lang naman kami.

“I guess the difference with this one, I’ll get to touch them, I’ll get to put my arms around them. I’ll get… come face-to-face with them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mapapakitaan ko sila ng body language na, ‘Kasama ninyo ako.’

"Sa PBB, mahirap, because they only see me sa screen. They are seated right there and they see me on screen.

"It’s hard for me to communicate that way.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN