Kylie Padilla on relationship with Aljur Abrenica: “Ngayon, stable na siya. Alam na naming dalawa kung saan kami.”

Mas bukas na si Kylie Padilla na pag-usapan ang relasyon nila ng aktor na si Aljur Abrenica. Sa katunayan, inamin ni Kylie na hinaranahan siya ni Aljur noong birthday niya. Sabi niya, “Ang cute nga, e. Pero mas gusto ko yun, kinilig ako dun."


Walang kamalay-malay si Kylie Padilla na nagkaroon pa ng intriga ang bagong afternoon soap na gagawin niya sa GMA 7—ang Unforgettable.

Ang unang napabalita, ang gagawin talaga ni Kylie ay ang Familia de Honor; kasama sina Mark Herras, Pauleen Luna, at Benjamin Alves.

Ayon pa sa balita, ayaw raw itong gawin ni Kylie dahil tinatalakay sa kuwento ang tungkol sa corruption.

Kaagad naman itong itinanggi ng young actress nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng Unforgettable noong Martes, February 5, sa GMA Network Center.

Sabi ni Kylie, “Hindi po totoo yun. Di ko alam kung saan nanggaling yun.

“Baligtad nga po, e—gusto ko yung may challenge, e. Yung mas makatotohanan, yung hindi lahat na nangyayari sa buhay ay PG [Parental Guidance].

“Daring, not in a sexual way. Mature, pero totoo.

“Ayoko po kasing maging maarte.”

Nakausap din ng PEP ang nasa production ng bagong seryeng ito ng Kapuso network. Ipinaliwanag nito kung bakit pinalitan nila ang kuwento at naging Unforgettable ang titulo.

Ang una raw kasing kuwento ay may pagkahalintulad sa isa rin nilang afternoon drama series. Kaya ginawa na raw nilang love story na ganun pa rin ang casting.

Ang isa pang intriga, para raw talaga sa bagong Kapuso na si Lauren Young ang Unforgettable kaya nagtataka ang ilang kung bakit ito napunta kay Kylie.

Kaagad naman itong itinanggi ito ng production staff, dahil si Kylie raw talaga ang first choice sa proyektong ito.



MORE OPEN. Sa kabilang banda, natutuwa si Kylie dahil kasundo niya ang makakasama niya sa Unforgettable. Lalo na ang leading man niyang si Mark Herras dahil magkakaibigan daw sila ng kasintahan ng aktor na si Ynna Asistio.

Ganun din naman daw si Mark na kaibigan din si Aljur Abrenica kaya wala na raw intriga at selosan.

Sabi ni Kylie, “Gusto ko yung fact na yun na, at least, lahat kami magkakaibigan, wala nang ilangan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Open na sina Kylie at Aljur sa kanilang relasyon.

Sabi nga ng young actress, “Mas okay. Siguro dati, hindi namin alam kung ano ba talaga.

“Ngayon, stable na siya. Alam na naming dalawa kung saan kami.”

Kahit ang ama ni Kylie na si Robin Padilla ay tanggap na rin ang relasyon nila.

“I think mas masaya siya ngayon na ganun na.

“Hindi yung, ‘Liligawan ba niya ang anak ko, ano ba talaga?’

“Ngayon, malinaw na,” sabi ng young Kapuso actress.

Alam daw ni Kylie na may pinaplano si Aljur na pupuntahan nila sa darating na Valentine’s Day, pero sana raw ay wala siyang taping.



BIRTHDAY SURPRISE. Kinikilig namang ikinuwento ni Kylie sa PEP na mas masaya siya nung kaarawan niya noong January 25 dahil sa sorpresa sa kanya ni Aljur.

“Nung 24 ng gabi, kumain kami [kasama ang kanyang pamilya] ng Indian food.

“Tapos, nanood pa kami ng show ni Papa [Robin].

“Tapos nung hatinggabi, dumating siya [Aljur]. Pumunta siya sa bahay, sinalubong namin [yung birthday ko].

“Actually, surprise yun.

“Tinext niya ako, hatinggabi na, ‘Bumaba ka naman, kakantahan kita.’

“Kinantahan niya ako sa kalsada. Hinaranahan niya ako!

“Ang cute nga, e. Pero mas gusto ko yun, kinilig ako dun.

“Alam nga ni Papa, may mga camera sa labas, e.

“Yun ang pinakamasayang birthday ko, actually,” lahad ng 20-year-old actress.

Nagulat pa raw si Kylie dahil napakamahal ng iniregalo sa kanya ni Aljur, ngunit hindi niya na sinabi kung ano ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN