Carl Guevara on his persistence of courting Kris Bernal: “Siya yung babaeng pag-aaksayahan mo talaga ng panahon.”

Dinetalye ni Carl Guevara ang kakakaibang plano niya para kay Kris Bernal sa Valentine’s Day. Lahad ni Carl: “Gusto ko na mag-out-of-town kami, ’tapos sa isang tahimik na park, maglalatag kami ng sapin sa damuhan. ’Tapos, may picnic basket at may dala kaming radio para may music. ’Tapos, magsa-sunset pa—parang ang ganda ng ganoon, di ba?”


Hindi naman pala tumigil ang Kapuso hunk na si Carl Guevara sa kanyang panliligaw kay Kris Bernal.

Matatandaan na galing kay Kris mismo na nakiusap daw siya kay Carl na tumigil muna sa panliligaw sa kanya dahil mas gusto nitong mag-focus sa kanyang trabaho.

Naintindihan naman daw ni Carl na naging busy sa kanyang trabaho si Kris, pero hindi raw iyon nakapagpatigil sa kanya na patuloy na suyuin ang dalaga.

Para magbigay-linaw, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carl sa press launch ng bagong GMA Afternoon Prime series na Bukod Kang Pinagpala last February 5, Martes.

“Yun kasi ang time na kakasimula pa lang ng Coffee Prince,” simulang esplika ni Carl.

“Oo, at sinabi nga ni Kris sa akin na kung puwede, huwag muna akong manligaw dahil nahihiya siya na baka wala siyang maibigay na oras sa akin.

“Sinabi ko naman sa kanya na hindi ako demanding na tao… Naiintindihan ko naman ang situwasyon niya.

“Kung kelan lang siya may time, doon na lang kami magkita.

“Ako rin naman, noong mga panahon na yun, busy rin ako sa Hindi Ka Na Mag-iisa kaya pareho lang kaming may pinagkakaabalahan.

“Sinabi ko naman kay Kris na hindi ako yung basta na lang mag-give up sa isang bagay na sinimulan ko na.

“Wala naman akong dine-demand sa kanya, e. Basta pabayaan lang niya akong nandiyan para sa kanya,” ngiti pa ni Carl.

Nirespeto naman daw ni Carl ang request ni Kris kaya medyo dumistansya siya, pero hindi naman natigil ang communication nila sa isa’t isa.

“Kaya noong matapos ang Coffee Prince, nagkaroon siya ng mas maraming oras na, kaya pinayagan na niya akong manligaw ulit.

“Ang gusto ko kasi kay Kris, very family-oriented siya. Very close ang pamilya niya sa isa’t isa.

“Noong ma-meet ko nga ang mga parents niya, pati na mga kapatid niya, natuwa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, ibig sabihin na okey na akong makilala ng family niya.

“Pinakilala ko rin naman si Kris sa pamilya ko. Tulad nila, very close kami ng family ko.

“Natutuwa naman sila kay Kris kasi lagi raw nakangiti ’tapos bungisngis.

“Yun kasi ang personality ni Kris na nagustuhan ko—yung very bubbly siya.

“Madali mo rin siyang mapatawa. Ganoon ang gusto kong makasama parati,” diin pa ni Carl.

CARL’S FIRST. Inamin ni Carl na si Kris daw ang kauna-unahang babae na pormal niyang niligawan.

Sa past girlfriends ni Carl, hindi raw siya nag-exert ng effort para makarelasyon sila.

“Dalawa pa lang naman ang naging girlfriends ko—one in high school ’tapos, si Daiana Menezes.

“Yung sa high school, walang ligaw na nangyari. Basta nagkagustuhan kami, naging kami na.

“Kay Daiana naman, ganoon din… wala ring ligaw-ligaw. Naging close kami ni Daiana, ’tapos naging kami na.

“Kaya nga with Kris, ngayon ko lang nararanasan yung manligaw talaga…yung may effort…

"Hindi lang sa kanya, kundi pati na rin sa pamilya niya.

“In fairness naman kay Kris, siya yung babaeng pag-aaksayahan mo talaga ng panahon.

“I really don’t mind kasi ibang klaseng babae si Kris kasi. Kahit sinong guy ay magiging proud na maging girlfriend siya.”

SUITORS. Si Aljur Abrenica pa lang daw ang kilala ni Carl na na-link kay Kris.

Yung iba tulad nila Jay Perillo at Jolo Revilla ay hindi niya personal na kilala.

“Iba rin ang karisma ni Kris, di ba? Si Aljur lang ang nakilala ko, kasi nga nagkasama na kaming tatlo noon sa The Last Prince.

“Si Jay, nakakasalubong ko lang before sa Party Pilipinas. Pero hindi ko siya nakilala nang husto.

“Si Jolo naman, hindi ko rin pa nakikilala.

“Siguro naman iba ang style ng panliligaw ko kesa sa kanila,” diin niya.

VALENTINE PICNIC. Sa nalalapit na Valentine’s Day ay gusto ni Carl na special ang maging date nila ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto raw niyang maiba kaysa raw sa manood sila ng Valentine concert or mag-dinner sa mamahaling restaurant.

Saad niya, “Ang gusto ko talaga ay yung simple lang… yung mag-picnic kaming dalawa.

“Hindi naman sa nagkukuripot ako, pero gusto ko kasing maiba lang at hindi yung usual na date na ang daming tao. Hindi na kasi romantic kapag ganoon.

“Gusto ko na mag-out-of-town kami, ’tapos sa isang tahimik na park, maglalatag kami ng sapin sa damuhan…

“’Tapos, may picnic basket at may dala kaming radio para may music.

“’Tapos, magsa-sunset pa—parang ang ganda ng ganoon, di ba?

“Makaluma akong tao talaga. Gusto ko ang mga ganoon kasi parang ang romantic.

“Wala na kasing mga ganyan ngayon. Gusto kong maranasan ang tahimik na picnic, ’tapos, nagkukuwentuhan lang kayong dalawa.

“Mas magandang memories iyon kesa sa manood kayo ng sine, mag-dinner sa isang resto or manood ng concert.

“Sana ay ma-appreciate iyon ni Kris.”

VALENTINE GIFT. Kung ano naman ang puwede niyang iregalo kay Kris on Valentine’s Day, nire-research pa raw ito ni Carl.

“Gusto ko siyang i-surprise.

“Tulad noong nakaraang Christmas, na-surprise siya sa niregalo ko. Gusto kong maulit iyon.

“Gusto kong ma-feel niya na pinagkaabalahan ko ang paghanap ng gift para sa kanya.

“May mga inaalam pa ako kaya malalaman na lang niya iyon sa mismong Valentines Day,” pagtatapos pa ni Carl.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN