Robin Padilla on defending wife Mariel Rodriguez: “Fighting for family, especially for the Wife is part of every Muslim, it is a struggle to do what is Prescribed and obligatory in Islam.”

Hindi pa tapos si Robin Padilla sa pagtatanggol ng kanyang asawang si Mariel Rodriguez laban sa mga haters nito. Ngayong araw, February 8, ipinaliwanag ng action star kung bakit ganun na lamang ang kanyang reaksiyon, “Fighting for family, especially for the Wife is part of every Muslim, it is a struggle to do what is Prescribed and obligatory in Islam.”


Hanggang ngayon, patuloy pa rin si Robin Padilla sa pagtatanggol sa kanyang asawa laban sa mga bashers nito sa Twitter at Instagram.

Matatandaang kahapon, Pebrero 8, sinurpresa ni Robin si Mariel sa set ng Wowowillie, at humingi ng tawad sa kanyang misis on-air.

Kasunod nito, nag-post si Robin sa kanyang Instagram account (robinhoodpadilla) ng hamon para sa mga “umapi” kay Mariel sa social networking sites.

(CLICK HERE for related article)


THE SUPPORT. Mayroong ilan na sumuporta at humanga sa ginawang ito ni Robin.

Isang user, si @yourqueenkendra, ang nag-tweet ng, “idol robin!!! tunay kng lalaki! @robinhoodpadilla ang haba ng buhok mo @marieltpadilla sobra!!!”

Gayundin si jobbyco na nagsabing, “Mga ang tao dto hindi nagsintigil,wala kau naidulot na kabutihan dito mga ateng.ig ni @robinhoodpadilla ito kaya karapatan nya ang anumang dapat sabihin nya...asawa sya ni @marieltpadilla kaya dapat nya ipang tanggol yan..kahit sinong asawa pag gganyanin wife mo kahit magbakbakan na gagawin mo yan..ok na silang dalawa masaya na ulit kaya lt them happy..kau din kkarmahin sa mga panglait nyo..wag na away magmahalan nalang para lahat masaya.:)”



THE CRITICISMS. Samantala, may mga hindi pumabor sa ginawang paghahamon ng Kailangan Ko’y Ikaw lead star.

Katulad na lamang ni @the_ronald_yohann na sa kanyang sunud-sunod na post ay sinabing “publicity” lamang ang isyung ito ng mag-asawa.

“Abangan sa the buzz this Sunday: R.P. hinamon ng sapakan ang mga bashers ng misis nya… Comment: ayaw pala nya ng bashers sa social media eh bkit pati cya gumawa rin ng post para mapagusapan cya? Do they really need this publicity? Sabi nga sa showbiz + or – publicity, publicity pa rin yan! Very predictable! After naman this issue… Magsosorry naman sya sa mga tao! Right?

“Pati si Mr. Alfie L. Headline nya na rin itong issue… Sabi nga nya sana makatulong sa promotion… Comment: they don’t need to do this for promotion, to be honest malakas nanamn ang hatak ng show nila… Kahit d ako nakakanuod.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I seldom make comments but when i saw this issue I just fint it very over super mega exaggerated OA…”

“Sana may makaimbento ng apps na pwede ka biglang sapakin pag negative ang comment mo…”

“Let’s just hope that they will mature…”

Sumagot din ang isa sa mga na-i-tag ni Robin sa kanyang post kahapon na si @juzsaying sa naging hamon ng action star. Ang point ng user, sana pinag-usapan na lang ng mag-asawa ang kanilang problema.

Ani @juzsaying, “@robinhoodpadilla wala n mn omaape ky ate kuya sarili nya lng pinapahirapan nya y she get jealous f she know how u LUV her so!!!!!! GOD BLESS U BOTH ALLAH IS ALWAYS WATCHING ONE OF US!!! Di tau mgkatalo kuya SUKRAN!!!!!!!"

“sna po kasi pinagusapa nyo na lang mgasawa . ndi yung pinaalam nyo pa buong mundo.tpos ngayon ngglit po kayo sa mga haters. d nmn maiiwasan yan xe nga artista kayo. ang prob xa ng magasawa sa bahy pinguusapan ndi dinadaan social media.ayan tuloy dmi haters. sna pinaintindi nyo nlng sa aswa nyo na trabaho lang yun. at si mariel nmn sna una plng d na pmyag ipartner kau kay ms.kris. ndi qng kelan npalabas na dun xa eeksena. yan tuloi pwede maapektuhan show nyo#juzsaying”


"MAPAYAPANG REBOLUSYON.” Samantala, ipinarating ni Robin ang kanyang pagkadismaya ngayong araw, Pebrero 8, sa kanyang Instagram account at sinabing, “Ni anino ng kahit na sinong magaling na hater dito walang sumipot kahapon sa makati.”

At saka nito sinagot ang mga patutsada sa kanya ng ilang followers niya.

Post ni Robin, “Dami mo sinasabi @the_ronald_yohann may asawa ka ba?...... Mabuhay mga kapanalig @adam_en salamat sa pagpapaalala sa akin @maymaranga Salamat sa paniniwala sa @mylenegrabriel Para sa kabiyak ang lahat ay gagawin @angelica1975”

Nang mabasa ito, humingi naman ng tawad si @the_ronald_yohann sa aktor at sinabing, “@robinhoodpadilla pasensya po Sir… Nag comment lng po ako. The industry and people respects you for what you are.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si tommylee_007 naman, dinepensahan ang kanyang sarili:

Ani tommylee_007, “@robinhoodpadilla relax lang… Masyado ka mainit eh para sau naman sinasabi ko brod baka mapasubo ka sa walang kwentang laban..”

“@robinhoodpadilla tausog din kasi mama ko kaya sa inyo ko ni mariel kakampi kapatid”

Ngunit tila hindi pa rin tinanggap ni Robin ang paliwanag na ito ng kanyang tagahanga.

Sinabi kasi niya dito na “magkaiba tayo ng paniniwala kaya wala kang lugar sa account ko o ng asawa ko. Sa Amin Ang Asawa ay bigay ng Panginoon at Pag ibig kayat karapat dapat ipaglaban. Sa iyo ang iyo Kabayan at Ang Amin ay amin.tapos na tayo Mabuhay ang mapayapang rebolosyon Salamat sa iyong mungkahi @tommylee_007”

Sinagot naman itong muli ng nabanggit na follower. Aniya, “@robinhoodpadilla walang problema hindi din naman ako humihingi ng lugar sa account nyo ako eh taga hanga mo, pero hindi ako sangayon sa paghahamon ng kahit na sinong tao sarili mo lang inilalagay mo sa alanganin robin marami pang darating na pagkakataon mabuhay!”

Sa huli, ipinarating ni Robin sa kanyang mga followers na bilang isang Muslim, “Prescribed and obligatory” na ipagtanggol ang pamilya, lalo na ang iyong asawa.

Aniya, “Fighting for family, especially for the Wife is part of every Muslim, it is a struggle to do what is Prescribed and obligatory in Islam. Peace be with you @the_ronald_yohann Your opinion is noted but not helpful to our revolution so This ends our connection.may the Almighty God bless us all…. Kabayab Si @cesjohnb ay kapanalig namin sa katiponan at haligi ng talakayan dito kung ayaw mo sumunod sa kanya kabayan @juzsaying humanap ka ng kautak at pareho mo ng Adhikain… Tunay po na napakaraming Pagpapala mula sa Panginoon ang idinulot ni @marieltpadilla sa akin @dionskierose”


ROBIN’S POSTS. Narito ang mga posts ni Robin ngayong araw, Pebrero 8, sa kanyang Instagram account (robinhoodpadilla).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Robinhoodpadilla: Kapatid na @cesjohnb Wag mo na pansinin si @tommylee)007 at puro satsat lang yan. Ni anino ng kahit na sinong magaling na hater dito walang sumipot kahapon sa makati kaya relax na lang pareng tol”

“Dami mo sinasabi @the_ronald_yohann may asawa ka ba?...... Mabuhay mga kapanalig @adam_en salamat sa pagpapaalala sa akin @maymaranga Salamat sa paniniwala sa @mylenegrabriel Para sa kabiyak ang lahat ay gagawin @angelica1975”

“magkaiba tayo ng paniniwala kaya wala kang lugar sa account ko o ng asawa ko. Sa Amin Ang Asawa ay bigay ng Panginoon at Pag ibig kayat karapat dapat ipaglaban. Sa iyo ang iyo Kabayan at Ang Amin ay amin.tapos na tayo Mabuhay ang mapayapang rebolosyon Salamat sa iyong mungkahi @tommylee_007”

“Fighting for family, especially for the Wife is part of every Muslim, it is a struggle to do what is Prescribed and obligatory in Islam. Peace be with you @the_ronald_yohann Your opinion is noted but not helpful to our revolution so This ends our connection.may the Almighty God bless us all…. Kabayab Si @cesjohnb ay kapanalig namin sa katiponan at haligi ng talakayan dito kung ayaw mo sumunod sa kanya kabayan @juzsaying humanap ka ng kautak at pareho mo ng Adhikain… Tunay po na napakaraming Pagpapala mula sa Panginoon ang idinulot ni @marieltpadilla sa akin @dionskierose”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN