Andrea Torres gets emotional about the end of Sana Ay Ikaw Na Nga: “Wala na akong mari-receive na call slip—wala na akong pupuntahan na taping set.”

Nagmarka, hindi lang sa mga manonood, kundi pati na rin kay Andrea Torres, ang ginampanan niya sa matatapos niyang serye. Sabi niya: “Siguro kahit na tumanda na ako at hindi na active sa showbiz, makikilala pa rin ako ng marami bilang si Cecilia Fulgencio ng Sana Ay Ikaw Na Nga.


Ngayong araw, February 8, ay ang final episode ng isa sa pinakaaabangan na teleserye sa GMA-7 Afternoon Prime na Sana Ay Ikaw Na Nga.

Pagkatapos ng labingtatlong linggo ay magkakaroon na ng happy ending ang love story nina Carlos Miguel at Cecilia na ginagampanan nina Mikael Daez at Andrea Torres.

Isang “explosive” ending ng Sana Ay Ikaw Na Nga ang nakaantabay sa mga manonood.

Para naman kay Andrea, isang katuparan ng kanyang pangarap ang mabigyan ng pagkakataon ng GMA-7 para maging bida.

Nahihilera na ngayon si Andrea sa Drama Princesses ng Kapuso network dahil sa outstanding ratings ng Sana Ay Ikaw Na Nga mula nang umere ito noong September 2012.

Saad niya, “Maraming salamat po sa GMA-7 for giving me this big break. I will always treasure this experience.

“Siguro kahit na tumanda na ako at hindi na active sa showbiz, makikilala pa rin ako ng marami bilang si Cecilia Fulgencio ng Sana Ay Ikaw Na Nga.

“Hindi namin ini-expect na magkakaroon kami ng mataas na ratings at maraming followers.

“Tuwang-tuwa po kami ni Mikael talaga, lalo na kapag nasa mga regional shows kami.

“Yung mga tao, ang tawag sa akin Cecilia. Minsan naman, Olga ang tawag nila sa akin.

“Malaking bagay po iyon dahil may recall sila sa mga characters namin sa Sana Ay Ikaw Na Nga.

“Kaya masayang-masaya kami dahil sobra ang pagmamahal namin sa show.

“Hindi po namin makakalimutan ang magandang samahan naming lahat,” ngiti pa ni Andrea sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa rehearsals ng Party Pilipinas last February 7, Huwebes, sa GMA Annex Building.

EMOTIONAL. Hindi napigilan ni Andrea ang maiyak noong last taping day ng Sana Ay Ikaw Na Nga sa Baguio City.

Sobra raw siyang na-attach sa cast and crew ng show kaya hindi raw siya makapaniwala na magpapaalam na sila sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Emotional po akong tao talaga. Konting bagay lang po na nakakaiyak, iiyak talaga ako.

“What more itong nagpapaalam na po kami sa isa’t isa?

“Kasi naman, kada tapos ng isang artista sa taping, naggu-goodbye na po sila.

“Kaya nagsisimula na ang iyakan.

“Tuloy, naiyak po ako nang husto kasi kami nga nila Mikael ang pinakahuling kukunan ni Direk Dick [Lindayag].

“Kaya wala pa yung scene namin, umiyak na ako nang todo.

“Kasi naman po, almost five months din kaming nagsama sa taping.

“Inuumaga kami, pero okey lang kasi ang saya nga naming lahat… Very positive ang environment namin parati.

“Yun ang mami-miss ko. Kasi tulad next week po, wala na akong mari-receive na call slip—wala na akong pupuntahan na taping set.

“So, yung mga ganoon, nami-mss ko po talaga.

“Mabuti na lang at matatapos ang Sana Ay Ikaw Na Nga na bongga siya. Nagmarka kami sa mga televiewers.”

BROTHER’S THERAPY. At dahil nga sa Sana Ay Ikaw Na Nga, nagawang makapag-ipon si Andrea para sa therapy ng kanyang kapatid na may Down Syndrome.

Hindi nga itinatago ng Kapuso leading lady na isa sa kanyang pinaglalaanan ng pera ay ang therapy sessions ng kanyang 16-year-old brother na na-diagnose with Down Sydrome with slight Autism.

“Twice a week po ang therapy ng brother ko.

“May kamahalan po talaga ang yung OT [Occupational Therapy].

“Kasi, kailangan matulungan po ang brother ko na makakilos and do things for himself.

“Ngayon po ay nakikita na namin ang improvement sa kanya… Paunti-unti ay nararamdaman na namin na kakayanin na niya.

“Kaya nandito kaming lahat para suportahan siya, so, he can live a normal life,” dugtong pa ni Andrea.

IMPROVING. Kahit ang pag-iisip ng kapatid ni Andrea ay maihahambing sa isang three-year-old na bata, nakaka-appreciate naman daw ito ng music at mahilig itong sumayaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailangan pa raw matutunan nito ay ang magbasa at magsulat.

“That’s why I am working hard para po sa kapatid ko para tuluy-tuloy ang therapy niya.

“Ayoko pong mapintasan siya ng ibang mga bata, kaya very protective kami sa kanya.

“Ang nakakatuwa ay mahilig din siyang manood ng TV, lalo na ang Eat Bulaga.

“Hindi mo puwedeng ilipat ng channel ang TV kasi magagalit po siya. Kailangan Eat Bulaga lang.

“Ang problema lang namin ay kapag Sunday, walang Eat Bulaga, kaya nagagalit siya.

“Ang ginagawa po namin ay pinapasyal na lang namin siya.

“Isasakay namin siya sa kotse at paikut-ikot lang kami kunsaan-saan. Masaya na siya sa ganoon.

“Sometimes, we’ll take him sa mall para makapaglakad-lakad siya.

“Pero hindi niya masyado gusto sa mall kasi maraming tao, naguguluhan po siya.

“Kaya minsan sa may bahay lang namin, palakad-lakad kami. Exercise yun para sa kanya.”

LONG VACATION. Sinabihan na si Andrea na may nakalaan nang bagong drama series para sa kanya.

Maaaring May or June pa iyon magsimula dahil may mga naka-line up na ibang mga shows for airing.

Okey lang daw iyon for Andrea dahil may plano siyang magbakasyon bago siya magsimula ulit sa bagong show.

“Sa April po kasi baka magbakasyon ako sa Hong Kong with my family.

“Tama lang kasi na sale ang ilang shops sa Hong Kong by April, kaya mag-e-enjoy kami sa pamimili.

“Tinitiis ko ngang huwag munang mag-spend ngayon until April dahil pinag-iipunan ko ang Hong Kong trip.

“At priority nga namin ang therapy ng brother ko.

“Kaya nakahiwalay ang para sa kapatid ko at sa pagbakasyon ko.”

ON DIET. Gusto rin munang magpapayat ni Andrea dahil malaki ang itinaba niya sa limang buwan na pagtatrabaho niya sa Sana Ay Ikaw Na Nga.

“Ang laki ng nilaki ng katawan ko, grabe!” sabay tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong mag-start po kami last year, payat talaga ako.

“Nitong matatapos na kami, nakita ko na nag-gain ako ng weight talaga.

“Sobra ang nadagdag sa weight ko, kasi kain kami nang kain sa set!

“Inuumaga po kasi kami parati kaya wala kaming magawa kundi kumain para may energy kami.

“Kaya heto, nagtabaan kaming lahat.

“Kaya next week, I will hit the gym at mag-start na mag-diet.

“It’s a good thing po na wala pa akong masimulan na show para may time para makapag-lose ng weight.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN