PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ELECTION WATCH. Dingdong Dantes on joining politics: “Nagagawa ko naman ang mga bagay na ito kahit wala ako sa politics.”

Dingdong Dantes confirms tie-up with Bam Aquino’s political arm, Bida ang Mamayan movement.
by Rose Garcia
Published Feb 9, 2013
Hindi naghihihintay ng kapalit si Dingdong Dantes sa pag-endorso niya kay Bam Aquino. Katuwiran niya: “Hindi na siguro dapat pag-isipan kasi, ever since, we’ve been doing things together. So, parang sa pagpapatuloy lang din ng ginagawa namin before.”

Sa umpisa pa lang ng political season, marami na ang nagtatanong kay Dingdong Dantes kung sino sa tumatakbong Senador ang i-e-endorso niya.

Kung matatandaan, naging visible bilang endorser si Dingdong noong nangangampanya pa lamang si President NoyNoy Aquino.

Noong huling makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa taping ng Pahiram ng Sandali kamakailan, hindi pa nito nababanggit kung sino ang kanyang susuportahan.

TIE-UP. Pero kanina, kasama si Dingdong, bilang chairman at founder ng Yes Pinoy Foundation, sa launching ng Bida Ang Mamamayan o BAM movement ng kandidatong si Bam Aquino sa Luxent Hotel, sa Timog Ave., Quezon City.

Ayon kay Dingdong, matagal na niyang kakilala si Bam na isa sa mga sumusuporta ng kanyang Yes Pinoy Foundation o YPF noong umpisa pa lamang.

Sabi pa ni Dingdong, magkapareho ng adhikain ang YPF niya at BAM movement ni Bam Aquino.

Aniya, “Sa team ng makabagong People Power and what Yes Pinoy stands for, isa roon ang youth empowerment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na isa rin sa mga advocacies ni Bam magmula noon at hanggang ngayon.

“Kumbaga, he’s been a consistent youth leader and entrepreneur.

“Magmula noong high school kami at tinutuloy niya. That’s why I’m here and Yes Pinoy is supporting his BAM movement.”

Matagal na ba silang may pagtutulungan ni Bam?

“Matagal na, matagal na,” kumpirma ni Dingdong.

“At mas mapapalawak pa ngayon dahil nga sa synergy ng ibang organization na ipapakilala rin today.”

POLITICAL PLANS. Bukod kay Dingdong, ipinakilala rin sa BAM movement sina Jim Paredes at Kiko Pangilinan na parehong nagpahayag ng suporta sa bagong tumatakbong senador.

Sa hayag na pagsuporta ni Dingdong kay Bam Aquino, naitanong tuloy kung talagang hindi papasok si Dingdong sa pulitika.

Aniya, “I’m clearly here to represent the youth sector at yun ang isa sa ipinaglalaban ni Bam.

“That’s what he believes in—yung youth-empowerment na parehong-pareho sa aming advocacy.”

Ang tingin ng iba, tila “King maker” si Dingdong, wala ba siyang ambisyon na maging King?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagagawa ko naman ang mga bagay na ito kahit wala ako sa politics,” natatawa niyang sagot.

“I’d rather be here, okay na po ako rito.”

Sa Ateneo unang nakilala ni Dingdong si Bam, first year high school daw siya at nasa fourth year na noon si Bam.

“Hindi ko siya kilala noon. Pero, presidente siya ng Student Council.

“Noong panahon na yun, lahat ng tao, tinitingala siya dahil sobrang active niya noon.

“Kaya yun ang isa sa mga bagay na bilib ako sa kanya dahil naging consistent siya magmula noon…

“Hanggang sa maging top siya ng classmates niya noong college at tinuloy niya yun hanggang ngayon.

“You can see the fire and spirit of service, kaya nakakabilib.”

MUTUAL SUPPORT. Paano na-involve ang Yes Pinoy Foundation sa BAM Movement, kasama siya personally, sa pag-e-endorso kay Bam?

Tugon ni Dingdong, “Well, ever since, may relationship kami.

“And like I’ve said, he’s always been supporting Yes Pinoy Foundation and I’m supporting his [BAM] projects.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero ngayon, yung synergy, mas magiging engaging, mas lumawak siya.

“Mas dumami ang ibang partners… Nandiyan ang GK [Gawad Kalinga], ang Hapinoy, nandiyan ang napakarami pang sector.

“So, lahat yun magtutulong-tulong at gagawa kami ng maraming magagandang bagay.”

Ano naman ang inaasahan ni Dingdong mula sa mga pulitikong natulungan niya bilang isang endorser at tuluyang naluklok sa puwesto?

Tugon niya, “Hindi na siguro dapat pag-isipan kasi, ever since, we’ve been doing things together.

“So, parang sa pagpapatuloy lang din ng ginagawa namin before.”

YPF PROJECTS. Kahit hindi naibabalita, tuluy-tuloy pa rin ang mga natutulungang estudyante at out-of-school youth ng Yes Pinoy Foundation simula nang itayo ito ni Dingdong.

Sabi ni Dingdong, “Well, yesterday lang, we conducted Para Paaralan.

Ang Para Paaralan ay isang bus caravan na nagsisilbing classroom at mayroon itong computers at iba pang hi-tech na kagamitan.

“Pumupunta kami sa mga barangays, sa mga area and we teach yung mga small projects and we do it consistently.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Plus of course, bukod sa mga scholars namin.”

Personal pa rin ba siyang nakakapunta sa mga areas na ito?

“Kapag may pagkakataon, siyempre. Pero, I am blessed with people na talagang naaasahan ko na magawa itong mga task.”

Tila nahiya pa si Dingdong nang may magsabi rito na nag-donate rin siya ng mga desktop sa iba’t-ibang eskuwelahan.

“Siyempre, it all depends din sa mga donors namin. Sa akin din, di ba?

“Karamihan kasi, marami rin kaming mga kaibigan na tumutulong at hindi rin naman magiging successful ang lahat kung hindi dahil sa kanila.”

Na-feature na rin sa documentary na Report Card ang ipinagawa niyang isang classroom sa Surigao.

“Nakatayo na siya and in fact, ga-graduate na ang ibang students doon sa March and si Lia Manalac has a story of it.

“So, sa kanya ako nakikibalita kasi pupunta siya roon… Sila ang magdadala ng bigay namin.”

Read Next
Read More Stories About
Dingdong Dantes, Bam Aquino
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi naghihihintay ng kapalit si Dingdong Dantes sa pag-endorso niya kay Bam Aquino. Katuwiran niya: “Hindi na siguro dapat pag-isipan kasi, ever since, we’ve been doing things together. So, parang sa pagpapatuloy lang din ng ginagawa namin before.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results