PEPtalk. Derek Ramsay: "I’m at that point in my life na the next one talaga, ayoko na ng question mark, gusto ko, ano na ‘yon, yung the one."

Is Derek a sweet boyfriend? He answered,“Mahilig ako sa PDA, I am very affectionate. I’m not scared to say what I feel, show what I’m feeling, ganun talaga ako.”


Sa unang bahagi ng PEPtalk, sinagot ni Derek Ramsay ang mga issues na kinaharap niya, pati na rin ang mga babaeng nali-link sa kanya.

(CLICK HERE to watch #DEREKonPEPtalk Part 1)

At kahit pa nagsabi ito na mas gusto sana niyang huwag nang pag-usapan ang nakaraan niya with Angelica Panganiban, sinagot pa rin ng Kapatid star ang mga tanong ng hosts na sina Karen Pagsolingan-Caliwara at Rommel Llanes.

Ang unang topic ng episode: Sino ang date ni Kidlat sa Valentine’s Day? Si Cristine Reyes ba o isang non-showbiz girl?

DEREK: “Wala akong ka-date sa Valentines. I don’t think I have…”

Tilian ang mga girls sa set ng PEPtalk…

“Actually, taping yata kami ng Kidlat.”

Humirit naman ang host na si Rommel, “Sorry [girls], taping!”

Kuwento ni Derek, “No plans yet! Wala pa akong plano for Valentine’s, but I’m sure [I] will come up with something. Every year naman I celebrate Valentine’s…

“Nung single nga ako, I still celebrate Valentine’s with friends so grupo, grupo kaming lalabas."


SIGHTINGS WITH CRISTINE REYES. Samantala, pinatotohanan ni Derek na madalas nga niyang nakakasamang lumabas ang Kapamilya actress.

“Yung mga sightings namin ni Cristine, totoo yun. We’ve been seen out and we’re comfortable being seen out.

“Kasi we’re very confident about the friendship that we have, so wala kaming problema na makita kami.


“And it’s been not just once, twice, three times, it‘s been more than that, hindi namin tinatago ‘yon.”

Pero may isang bagay pa rin na gustong malaman ng mga girls.

KAREN: Derek, are you single?

Muli ay naghiyawan ang mga babae sa set habang inaantay ang sagot ni Derek, na agad namang sumagot ng, “I’m very single and free to mingle.

“Yeah! I am single but right now I am really focusing on.. and this is not a showbiz answer, I’m really focusing on my career. At hindi ko hinahanap..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas maingat daw ngayon si Derek bago pumasok sa relasyon.

Aniya, "For me, the next relationship that I want, that’s where I want to put all my efforts, na ‘yon na yung the one.”

KAREN: So, meron ka na bang age to get married?

DEREK: “No, no! For me, I’m at that point in my life na the next one talaga, ayoko na ng question mark, gusto ko, ano na ‘yon, yung the one.

KAREN: That’s good, good luck!

Anyway, medyo seryoso ‘to ng konti, konti lang naman. Alam naman natin na madami kang pinagdaanan na controversy last year. At some point ba naisip mo na sobra yung panghihimasok ng media sa buhay mo?

Napabuntong hininga si Derek bago sagutin ang tanong, “Yeah...

“You know sometimes, there were times last year where talagang I was really low, being hit with one issue after the next. But it’s easy to get over those problems, those issues, when you really have a strong family to back you up.

“And for every time there’s something there na hindi ko na kaya, phone call or just drive up to Tagaytay and a few hours with them, parang napindot ko na yung reset button.

“That’s how I survived last year, and I think that’s what I am always gonna do.


“Every time there’s something, I turn to my family and they help me get back on my feet.

“It’s the same thing with the hurt that I felt with the breakup with Angel [Angelica Panganiban]. Everyone says na parang hindi naman ako nasaktan.


“I had my share of pain, which I shared with my family and the closest people around me, and they helped me get back on my feet.


“I did my crying but you gotta move on.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KAREN: Masasabi mo ba na nung pumasok ka sa showbiz, naihanda mo ang sarili mo, halimbawa, uungkatin nila lahat, e. Nagulat ka ba do’n?

DEREK: “This is probably the last…

“I never imagined na papasok ako sa showbiz, e.

“Kasi napaka-camera shy ko dati, and to overcome that, I joined my school play in England.

“Kasi, naiinis na ako sa sarili ko na hindi ko kaya magpa-picture. Even with family, ayokong-ayoko magpa-picture.

“So I was really annoyed with myself na, I couldn’t talk in front of a large body of people so I [told myself], ’pasok mo yung sarili mo sa school play’

“And I remember one rehearsal after the next... ilang months yung bago yung play date

“And my parents and my whole family flew all the way from the Philippines to England to watch.

“And ever since then, naging confident ako na humarap sa camera,” kuwento ni Derek.

KAREN: Ayaw mong maging artista?

DEREK: “No I never pictured... I never thought I’d become an artista.

“Biglaan lang yun, e.

“This is just a passion that I’ve learned about in the past few years.

“I’ve been wired playing sports, all that stuff, yun ako.


“Now, I’ve discovered another side of me.”

Dagdag niya, “My brother, he’s actually the one studying this. He’s in England studying at the Liverpool Institute of Performing Arts, school ni John Lennon at siya yung talagang nag-aaral ng kanta, sayaw, lahat.

KAREN: How old is your brother?

DEREK: “19, legal.”

ROMMEL: Ipapasok mo ba sa showbiz?

DEREK: “I don’t know what his plans are but I’ll be very supportive kung anong gusto niyang gawin.

“But I think he’s really happy there and marami rin siyang opportunities doon.

“So it would be nice to see a Filipino excelling over there.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KAREN: You lead a very colourful life, ang sarap gawan ng kuwento ng buhay mo. And also, yung mga reporters din, very interested to know kung ano yung iba’t ibang aspect ng buhay mo.

If you will be honest alin sa mga topics ang sana, huwag na lang pag-usapan? Meron ka bang ganung pakiramdam minsan?

DEREK: “Yung isa lang, yung sa amin ni Angel.

“Tagal na noh?

“Mag-one year na ’ata?

“Sana tigilan na kasi masaya na siya, she’s in a relationship, masaya na ako... Bakit palaging paulit-ulit ka pa, you know, talking about it...

"And I think it’s really disrespectful for me to keep saying stuff about the topic when she’s already in a relationship. I have already moved on.

“Yun lang, that’s the only one that really bug me na tigil na kasi, [dapat] tanggapin na masaya na kami.”


DEREK AND HIS EXES. But for one more time, humirit ang PEP na magtanong ng isa pa tungkol kay Angelica.

ROMMEL: How are you with your exes? Are you friends with them?

Inamin ng actor na kaibigan niya ang ilan sa mga ex-girlfriend niya, “Yeah! I am friends with them.

“I am trying to fix my schedule coz my ex-[gf] Colette Centeno, Binibining Pilipinas siya dati, she was my ex-girlfriend, she’s getting married. I am invited to the wedding.

“So I am really good friends [with her], pinakilala ko kay Cristine ‘yan nung pumunta siya ng UK. Tawag si Cristine, ‘Hoy! May kakilala ka ba dito sa bansa mo who can take me out?’

“Sabi ko, ’taga-diyan ako, malamang.’ I called Colette, ‘Hey Colette! Do me a favor, can you take out my friend, Cristine... and ayun, they’re friends.”

ROMMEL: Ayaw mo na mabanggit o matanong muna about Angel pero how are you as a boyfriend?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEREK: “How am I as I boyfriend?

“Wow! Like what you see now, you never know what to expect from me.

“I can be sitting here then the next day, I can be on a plane going to somewhere.

“As long as wala akong mga schedules na masasagasaan, I really like to live a spontaneous life.

"I love life, I love to travel. I want to see the world, and that’s just who I am. There’s never, I guess, a dull moment.

“I’m a clown and of course kailangan mo tanggapin yung pagka-ano ko… I love to play my sports and all of that.”

KAREN: Are you a sweet boyfriend?

DEREK: “Mahilig ako sa PDA, I am very affectionate.

“I’m not scared to say what I feel, show what I’m feeling ganun talaga ako.”

KAREN: Ano naman ang hinahanap mo sa magiging the one?

DEREK: “I don’t know!

“Basta tanggapin niya ako kung sino ako.


“Don’t try to change me. Let the change come from me. And the same thing, I don’t want to change her.

“‘Yong looks, bonus if she’s hot. But siguro, she really has to be active, someone [na] walang problema akong kaladkarin to wherever I am going.


“Or hindi siya yung maarte kung saan kami mag-i-stay, kahit na economy lang ang flight namin, wala siyang problema dun, stuff like that.

“Someone who’ll just, you know, [say], ’Kahit saan ka, doon ako.’”

Pero, na-basted na ba ang isang Derek Ramsay?

DEREK RAMSAY, TORPE? Marami ang napa-"ows" nang sabihin ng actor na torpe siya lalo na sa babaeng gusto niya.

Pag-amin niya, “Grabe ’eto, nakakahiya ‘to! Torpe ako, e. Kapag gusto ko yung girl, torpe ako, I don’t know what to say, I don’t know how to act and para akong nasa grade school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So yung ligaw, I am not that perfect person to ask about mangligaw kasi medyo torpe, torpe talaga ako."

Patawang hirit naman ni Rommel: Okay lang, ‘di bale! Derek Ramsay ka naman, e. Manliligaw ka pa ba niyan?

Samantala, nabanggit kanina ni Derek na tuwing malungkot o down siya ay sa pamilya niya siya humuhugot ng lakas.

Kaya naitanong din ni Rommel kung gaano nga ba siya kalapit sa kanyang pamilya, lalo na sa magulang niya?

DEREK: “My dad is my best friend; my mom is my protector.

“You can’t get any closer than that.

“I’d give up all of this for them in a heartbeat.


“Talagang they are the most important people in my life.


“They’ve done so much for me, they put me to good schools, they let me live a comfortable life. I am very, very lucky so you can’t get any closer than that.”

PHILIPPINES IS HOME. Lumaki man sa England ay mas pinili ni Derek at ng pamilya niya na manatili dito sa Pilipinas.

ROMMEL: Don’t you miss England?

DEREK: “No! No! No!


“You guys, this is the best country, I am telling you.


“That’s the only thing I miss, is the sport.


“They’re so passionate about their sports, they’re patriotic, but weather, people, food, you have it here.

“My dad is Filipino already, he’s a white Filipino, he calls me Engla-Pino, this is home!


“When we go to visit my grandma, that’s the only thing na kung bakit kami bumabalik. My grandma is 93 years old and that’s the only reason why we go back.

“But other than that, this is home.”



HIDDEN TALENT. Natawa ang Kidlat star nang tanungin siya about his hidden talent.

DEREK: “I can play the piano.”

ROMMEL: E, walang piano?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEREK: “I can blow bubbles with my saliva..”

ROMMEL: E, ayaw nila no’n, e!

DEREK: “I know, that’s a special talent. I don’t think anyone else can do that.”

ROMMEL: O sige na nga! Kaya naman sila nandito kasi, gusto nila makita abs mo.

DEREK: “Alam kong yun naman ang itatanong mo sa akin, e.”

ROMMEL: So puwede ba naming makita yung abs mo?

DEREK: "Wala akong abs ngayon…"

ROMMEL: O, walang maglalagay ng pera, ha?

DEREK: "Sasabayan mo ako dapat.. angat mo lang ng ganun, o!"

ROMMEL: 3D yung abs ko..

DEREK: “Mas mahirap ‘yon gawin… sige na, pakita mo!

“Hindi ganun kadali, no’?

“Sige na pakita mo yung iyo, papakita ko yung akin.”

ROMMEL: Sabay tayo?

DEREK: “Tama ba ‘yon? Parang bastos ’ata ‘yon ha?”

ROMMEL: Magpapakitaan kami ni Derek, o! So ano tatayo ba tayo?

DEREK: “Kung may abs ka talaga dapat kahit nakaupo, lalabas ‘yan.”

Pabulong na hirit ni Rommel, “Wala akong abs..”

KAREN: ‘Yong mga girls ayaw makita si Rommel.

DEREK: “1.. 2.. 3!"

Naghiyawan ang mga nasa studio.

DEREK: “Talent ba ‘yon?”

ROMMEL: Actually gusto nilang wala nang sabihin talent, e, ‘yong abs mo lang talaga.

DEREK: “Abs... Absent”

Nagbiro pa si Derek habang hawak ang abs niya, “Pandesal…” sabay hawak sa abs ni Rommel, “Bakery…”

Tawanan ang lahat, sabay hirit ni Rommel, “monay…”

Sa bandang huli, pinasalamantan ni Derek ang website: “I want to say thank you to PEP. They really get both sides of the story and they write, you know... they speak the truth that’s why nung nilapitan nila ako, I said ‘Yeah! No problem.’”

KAREN: Thank you also for the statements, we appreciate them.

DEREK: "Subaybayan niyo yung teleserye naming 6:45 p.m., Monday to Friday, and may reruns kami even on the weekends so tatamaan talaga kayo ni Kidlat every day."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN