Nora Aunor stays in Never Say Goodbye despite health problems, asserts Direk Mac Alejandre

Direk Mac Alejandre on issue that Nora Aunor will be removed from the show: “That was never brought up, never an option. That was never considered.”


Nakatakdang magsimula sa Lunes, Pebrero 11, ang bagong primetime teleserye ng TV5 na Never Say Goodbye.

Bagamat inaabangan ito ng mga manonood, lalo na ng fans ng lead actress nitong si Nora Aunor, tila pinangangambahang magkaaberya ang pagpapalabas nito.

Kamakailan kasi ay napabalitang na-ospital ang Superstar dahil sa isang karamdaman.

Dahil dito, nag-umpisang maglabasan ang espekulasyon tungkol sa partisipasyon ng aktres sa show.

May ilang nagsabing hindi na raw makakabalik at tuluyang tatanggalin na sa show si Nora dahil sa kanyang kalagayan.

Ang sabi naman ng iba, papalitan daw siya ng aktres na si Eula Valdez para sa role.

THE TRUTH. Nilinaw ng director ng serye na si Mac Alejandre ang mga haka-hakang ito sa presscon ng show kahapon, Pebrero 7, sa Mario’s Restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

“Hindi. Hindi siya papalitan. Hindi siya papalitan,” pagdidiin ni Direk Mac.

“Ginagawan ng paraan ang script na kailangan mabawasan ang mga eksena niya, but will… she’s still in the soap.

“Iyong mga lumalabas na balitang tinanggal siya... na si Eula Valdez [ang papalit], hindi po totoo iyon.

“Si Eula Caballero ang gumanap sa batang Nora Aunor, pero hindi siya papalitan ni Eula Valdez.

“That [pagtanggal kay Nora] was never brought up, never an option. That was never considered.”

Aminado si Direk Mac na naapektuhan ang produksyon ng show dahil sa pagkakasakit ni Ate Guy.

“We had to adjust, because we had to take care of the health concerns of Ms. Nora Aunor,” wika niya.

Marahil dahil sa nabanggit na sitwasyon ay iniisip ng ilan na nagiging pabigat na ang Superstar sa kanyang mga katrabaho sa show.

Pero may depensa naman si Direk Mac sa usaping ito: “Ako professional ako, e. Ang training ko bilang director, mainstream director ako, e.

“So, I will always adjust to whatever is in front of me. I will make sure that the interest of my producers is safe and sound.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyan ang aking professional outlook.

“Now, wala tayong magagawa kung may sakit si Ate Guy, di ba?

“Kailangang alagaan ng produksyon at ng network ang kalagayan ni Ate Guy, so inuuna namin iyon.”

NORA’S CONDITION. Ano nga ba ang tunay na kalagayan ngayon ni Ate Guy?

“Hindi ko alam kung ano ang eksakto, pero let me describe to you how it goes,” pagsisimulang kuwento ni Direk Mac.

“Pag napapagod na siya— kasi may mga eksena, may mga araw kami na out of, for example, 28 sequences, 24 kanya…

“Pag napapagod na siya, pag gumagabi na, tapos ang location namin malamig, lalo na malamig ang Baguio, malamig ang Tanay.

"You would not believe it kung gaano kalamig sa Tanay these days— nahihirapan iyong boses niya.

“Makikita niyo, naging evident sa ibang mga eksena na nagbabago ang quality ng boses niya, nagiging hoarse.

“Tapos, hindi madaling pumunta sa mga location dahil… doon sa Benguet mahirap talaga.

“It takes over 500 steps down to go from the road to the rice terraces, and that means going up is another 500 steps after a full day of work, so nakakapagod siya.

“And you could imagine, kahit dinadaya namin ang ibang eksena sa Tanay, kailangan pa rin niyang umakyat.

“Hindi siya iyong [madali lang], so I would understand that it would be quite difficult for her kasi gano’n na nga yung boses niya, tapos hinahapo siya, tapos nilalagnat siya, minsan nanginginig siya dahil sa pagod.

“May gano’n, so meron kaming nakaabang na medic at ambulansya sa set.

“So, nagkakaganoon... e, di kailangan nating unahin ang health niya.

“And when we felt na… kailangan nang itakbo sa ospital, e, and she went to the hospital siguro on the third [day].”

Nilinaw naman ni Direk ang pahayag niya tungkol sa pagkaka-ospital ni Nora.

Aniya, “Hindi naman siya ni-rush from the set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After ng pack-up, I think the next day, pumunta siya sa hospital for check up, tapos na-confine na siya.”

Mabuti naman na raw ang kalagayan ni Nora ngayon. Sa katunayan, nakapag-taping na siyang muli nitong linggong ito.

“Taping siya noong isang araw. Yeah, mas malakas na siya ngayon.

“Pero hindi pa siya gano’n ka-okay kasi hapon pa lang nawawala na ang boses niya e, and nagiging hoarse. Ibang-iba ang quality.”

COURSE OF PRODUCTION. May dalawa o tatlong taping days din daw ang naapektuhan dahil sa pagkaka-ospital ni Nora.

Pero nilinaw naman ni Direk Mac na hindi ito nakaantala ng husto sa produksyon.

“Kasi iyong mga eksenang kailangang magawa noong nagkasakit siya, ni-revise para gawin pa rin pero with different people involved.

“Kasi ang importante, may mga taong magbibigay noong point [ng storya], e, so ginawan ng paraan iyon.

“Mahirap sabihin accurately in terms of percentage, pero it’s not that substantial para ma-harm [ang show].”

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang paggiling ng kamera para sa Never Say Goodbye.


Patuloy ding ina-adjust ng writers ang script para mabawasan ang eksena ni Nora para mabigyan ito ng pagkakataong magpagaling.

Samantala, hinihintay pa rin daw nina Direk Mac ang magiging abiso ng doktor ni Nora tungkol sa kanyang sakit.

“We will have to wait.

“Kami kasi we’ve been [adjusting] e, ginagawan namin ng paraan, but we will have to wait for an advice from the doctor, di ba, kung ano ang dapat gawin.

“But, so far, we will air na may mga nakabangko, and by the time na mailabas ang kung ano ang dapat gawin, may nakahandang option sa production.”

Secured na umano ang three weeks worth of material ng Never Say Goodbye at mapapanood na ito simula sa Lunes, pagkatapos ng seryeng Kidlat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN