Regine Velasquez-Alcasid on friend Pops Fernandez remaining single: “Hangga’t hindi siya sigurado, okay na iyong she’s just having fun—dalaga lang siya.”

Natutuwang binalikan ni Regine Velasquez kung papaano siya niligawan ni Ogie Alcasid: Kuwento niya: “Noong naging kami na… hindi naman ako niligawan ng asawa ko. Idinadaan lang ako sa talking-talking! Naks! Pa-joke-joke, palipad-hangin, padaplis-daplis…”


Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama sa isang entablado ang mga batikang concert couples na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid at sina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Nakatakdang mapanood ang Foursome, isang Valentine’s Day concert ng apat, sa MOA Arena ngayong February 14.

Kuwento ni Regine sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA-7 studios, magkakahiwalay na niyang nakasama dati sa mga nakaraang concerts sina Pops at Martin.

TAKLESA? Maliban sa husay niyang kumanta, kilala rin sa pagiging taklesa sa mga pananalita si Regine na madalas ikinagugulat ng mga kasamahan.

Kaya tanong agad namin sa kanya kung hindi ba nagwo-worry sina Martin at Pops na baka meron siyang ibuko tungkol sa dalawa?

“Ay, hindi naman,” depensa agad ng Asia’s Songbird.

“I know, team player ako, e!

“Marunong akong lumugar, ‘Teh [gay linggo for Ate]. Pero… siguro,” hirit niya habang nangingiti.

“But I get away with it because they know, e.

“They know na I don’t mean anything by it, fun lang naman iyon…

"So, hindi naman.”



CLOSE FRIEND. Sa dating mag-asawang Martin at Pops, si Pops talaga ang kaibigan ni Regine.

“Kasi, matagal ko nang kilala si Pops at matagal ko na siyang kaibigan.

“At saka ilang taon na kaming ganyan na maraming friends na dinaanan… nandito pa rin ako.”

Iyong mga kuwento about Pops’s private life, pati na ang kasuluk-sulakan ng buhay nito, naikukuwento rin ba sa kanya?

“Ah, oo. Pero nakalimutan ko na.

“Magaling akong friend, e—makakalimutin. Wala na akong maalala,” biro pa niya.

How do you feel for Pops na hanggang ngayon wala pa ring matatag na lovelife?

“She’s fine, she’s doing really great. She’s happy with her life…

“Iyong prayers ko sa kanya is to be able to find someone who will take care of her.

“So, sana one day… and I’m sure one day mahahanap niya rin iyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa nakikita ni Regine, mas okay ba si Pops na walang asawa, o walang boyfriend, kaysa meron siyang special someone, na hindi naman nagtatagal?

“Ahm… mas okay na sa akin na ganoon [single] kaysa naman you keep going through the same thing.

“For me, hangga’t hindi siya sigurado, for me, okay na iyong she’s just having fun—dalaga lang siya.

“Kasi never niya iyon na-experience, e. Maaga siyang nag-asawa.”

Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi nagtatagal iyong relationships ni Pops?

“Hindi, hindi iyon. Nangyayari lang iyon ngayon because… e, ganoon, e. Choice niya rin iyon siguro.”

Totoo bang dahil lumaking mayaman si Pops, mahirap itong pakisamahan dahil sa pagiging brattinela [brat o spoiled] at domineering nito at dahilan kung bakit walang nagtatagal na ka-relasyon.

“Hindi, ah! Domineering si Pops?” kunut-noong ngingiti-ngiti si Regine.

“Hindi nga ‘yan ganoon, e,” pagtatanggol sa kaibigan.

“Hindi iyon ganoon, hindi iyon seryoso… luka-luka nga iyon, e.

“Ahm… hindi ko alam kung bakit hindi nagwo-work iyong relationship niya.

“I have to say, not the things you have just said. Hindi niya personality iyon… mabait nga iyon, e.”



LUCKY REGINE. Masasabing halos pareho lang naman sila ni Pops ng ginagalawang mundo, hindi nga lang parehas ng kinamulatan at kinalakihang buhay.

Bakit kay Regine, nag-work ang marriage nila ni Ogie? Bakit napakasuwerte niya sa pag-ibig?

Sagot niya, “Masuwerte ba yun, e, ang tanda ko na ngang nagkaroon ng asawa?

"Pero blessed pa rin… blessed pa rin.

“Ahmm… mabait iyong asawa ko—nakahanap ako ng mabait. So, tama iyong kutob ko sa kanya na mabait siya."

Tungkol sa kaibigan, “Si Pops, I’m sure one day, she will find someone who will take care of her.

“Ang mahirap kasi… sa sitwasyon niya, galing siya sa… nahiwalay siya, e.

“So, siyempre, kahit paano parang ang hirap to trust a person again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang hirap to be in a relationship again… for me, ha? That’s how I see it.

“So, hopefully someday, she’ll be able to find a man who will love her and take care that much.”

Kung nakapag-asawa ba si Regine nang maaga, possible rin bang hiwalay na siya ngayon?

“Hindi, hindi talaga. Hindi ako mag-aasawa nang maaga.

"I was really meant na ‘eto talaga ako… mag-aasawa… Iyon ang feeling ko.”



EX-BOYFRIEND. Pinutol ni Regine ang tanong namin tungkol sa sitwasyon niya kung nagkatuluyan sila noon ni Ariel Rivera.

“Si Ariel lang naman ang naging boyfriend ko. Wala namang iba, isa lang,” giit niyang paglilinaw.

Binanggit namin si Quezon City Mayor Herbert Bautista, pero itinanggi ito ni Regine.

“Hindi ko naging boyfriend iyon—isa lang talaga, si Ariel lang.”

Sinagot naman ni Regine sa dapat naming tanong kung hiwalay na rin kaya siya ngayon kung maaga siya nagkaasawa?

“I wanted to do so many things e,” simula niyang paliwanag,

“E, ayokong mag-boyfriend, tapos isasantabi ko lang… kawawa naman.

“Kaya nga noong nagka-boyfriend ako, I was happy. Hindi ako na… because Ariel was very nice to me. He was really, really nice.

“Kumbaga, maganda iyong experience ko with him… hindi ako nagkaroon ng trauma.

“Mabait iyon, e, mabait rin iyon, e. Kaya lang he was not meant for me. So, okay lang iyon.”



ON- AND OFF-CAM ROMANCES. Hindi rin nagkaroon ng off-cam romantic attachment si Regine sa mga naging leading men niya sa pelikula, gaya nina Robin Padilla at Aga Muhlach.

“Ewan ko, suplada nga ako noon, e,” ngingiti-ngiti niyang saad.

“Mahirap kasing maano, e… well, madaling ma-in love, ha? Madaling ma-in love. But I needed to take care of myself.

“Mai-in love ako, tapos, after ng movie… nganga! E, alam kong nangyayari iyon.

“So, iningatan ko ang sarili ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ibang mga leading ladies ay nagkaroon ng relasyon sa kanilang mga male on-cam partners, paano niya na-control ang sarili?

“Hindi ka padadala sa eksena. Kasi minsan, pag nag-cut na, itutuloy pa nila iyon, e.

“Itutuloy pa ng mga boys ang pagpapa-cute. Bakit ka magpapadala?

“Ako, pag cute, nandoon lang ako sa kotse ko, tulog lang ako, naghihilik lang ako!” natatawa niyang pag-alala.

Hindi niya sila binabara?

“Binabara din! I don’t wanna mean, I don’t wanna ano… pero I was just really… kasi mahirap, e.

“I was just really trying to care of myself. I didn’t want to… kasi gusto ko pag na-in love ako, talagang bonggang-bongga!

“Parang ngayon… na talagang mahal na mahal ko iyong asawa ko.”



RIGHT GUY. Kailan niya naramdamang mahal niya si Ogie Alcasid at siya ang lalaking para sa kanya?

“E, di noong naging kami na… hindi naman ako niligawan ng asawa ko.

“Kahit itanong mo sa kanya. Idinadaan lang ako sa talking-talking! Naks!

“Pa-joke-joke, palipad-hangin, padaplis-daplis… whatever.

“Saka ano lang, ang maganda kasi sa amin, we’re friends. Kilalang-kilala ko na siya.

“Ang tagal-tagal ko na siyang kilala. Wala na siyang asawa noon, kilala ko na siya…

"Eighteen pa lang ako noon, magkakilala na kami.”



VALENTINE SURPRISES. Ngayong Valentine’s Day, may plano ba sila ni Ogie o hindi na sila nagpa-plano?

“Kasi nga ‘etong Valentine’s, meron kaming show, di ba? So, wala. Wala pa.

“Hindi ko lang alam sa asawa ko. Usually, siya ang nagpaplano.”

Noong nakaraang taon, tumapat din sa Valentine’s Day ang kanilang concert na ginanap sa Araneta Coliseum, ang Mr. & Mrs. A.

Ano ang naging kaganapan nila after ng concert?

Kuwento ni Regine, “Pag-uwi ko sa bahay, meron akong sandamakmak na roses. Ganoon naman iyong asawa ko, pasimple lang.

“Ako, lagi akong excited sa card. Iyong card na binibigay niya sa akin, iniipon ko iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dami na noon, kasi lagi niya akong binibigyan.”

Ano naman ang ginagawa niya para kay Ogie kapag Valentine’s?

“Mahilig lang akong bumili ng kung anu-ano.

"E, ngayon kasi, meron kaming usapan na we’re not gonna buy other expensive stuff.

“E, binilhan naman niya ako ng bag… e, usapan namin wala ngang expensive stuff,” sabay pakita ng bitbit niyang Gucci bag.

“Pasalubong nito sa akin… galing siya ng States, di ba?”

“Basta, ang usapan namin, we’re not gonna buy each other expensive things.”

Ano naman kaya ang ibibigay ni Regine pagkatapos magbigay ni Ogie?

Tugon naman niya, “Sabi ko nga, e, ‘Unfair, kasi binigyan mo na ako, e.’

“Sabi niya, ‘Basta!’ Hindi ko alam kung ano… baka ipagluto ko na lang siya.

“Pero di ko pa rin alam, kasi nga may show—hindi ko pa alam.

“Baka after na lang kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN