Martin Nievera jokes about ex-wife Pops Fernandez: "I can’t afford her anymore! She’s a high-maintenance ex!"

Bagamat nauwi sa paghihiwalay ang pagsasama nina Martin Nievera at Pops Fernandez ay nananatili silang magkaibigan hanggang ngayon. Pero kailan nga ba naging okay ulit ang kanilang samahan? Sagot ni Martin, “I don’t really know when it was okay for me, it seemed like eternity. That she would even allow me to be in the same chair beside her, let alone share a stage, share the glory, the failures, even though we’re not married, we’re not wearing the


Muli na namang magsasama sa isang concert ang dating mag-asawa na sina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Ito ay sa pamamagitan ng Valentine concert na Foursome, kung saan kasama rin nila ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Gaganapin ang concert sa mismong Valentine’s Day, February 14, sa SM MOA Arena.

Ikinasal sina Martin at Pops sa isang fairy-tale wedding noong June 1986.

Ngunit pagkatapos ng labintatlong taong pagsasama at dalawang anak (sina Robin at Ram), noong 1999 ay nagdesisyong maghiwalay ang tinaguriang Concert King & Queen.

Noong 2000 ay ibinaba ng Makati Regional Trial Court ang desisyon na ipawalang-bisa ang kasal nina Martin at Pops.

“Psychological incapacity” sa side nilang pareho ang naging grounds ng kanilang annulment.



FRIENDS AGAIN. Sa second presscon ng Foursome kaninang tanghali, February 8, sa C2 Events Place sa Greenhills, San Juan City, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributor na si Gorgy Rula sina Martin at Pops kung kailan naging okay ulit ang relasyon nila.

Matatandaang may panahong hindi naging maganda ang pakikitungo nina Martin at Pops sa isa’t isa pagkatapos nilang maghiwalay.

Dahil dito ay naapektuhan ang kanilang professional tandem kaya matagal silang hindi napanood na magkasama sa isang concert.

Pagkatapos ng anim na taong hindi pagsasama sa concert stage ay nag-reunite sina Martin at Pops noong 2009, sa pamamagitan ng Valentine concert na Missing You, na ginanap sa Araneta Coliseum.

Four years after, magsasama na namang muli ang dating mag-asawa sa isang Valentine concert—ngunit ngayon ay kasama na nga nila sina Ogie at Regine.

Unang sumagot si Martin sa tanong kung kailan naging maayos ulit ang relasyon nila ni Pops.

Sabi ng Concert King, “I don’t know the timeframe, hindi ko talaga binibilang yung years na we’ve been apart.

“People always ask, ‘How long have you been separated?’ I said, ‘I don’t know.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Because I don’t celebrate that, the way I do a birthday or anniversary. I’m not really thinking about those things.

“But I think, compared to most separated couples, it was faster, almost more immediate—I know it seemed long but more immediate than most couples.

“Because I don’t think after what we went through, other couples would survive the way we have, would perform together the way we have…’Ay, bahala ka sa buhay mo. Bahala ka sa buhay mo…’

“I’m sure it’s easier to forgive than it is to forget—I’m speaking on her behalf,” sabay hawak ni Martin sa braso ng kanyang ex-wife.

Patuloy niya, “But because of the friendship being our solid foundation, we’re still able to do what we do, sincerely. Hindi yung pa-plastic pa.

“We don’t have any scripts. Wala kaming usapan, ‘Sasabihin ko ‘to, ito ang sagot mo para we look good to the press, to the world.’

“What we are, what we have, what we’ve been through, it’s all for real.

“So I think, because of our foundation being friendship that we’re able to still be okay.

“I don’t really know when it was okay for me, it seemed like eternity.

“That she would even allow me to be in the same chair beside her, let alone share a stage, share the glory, the failures, even though we’re not married, we’re not wearing the same ring, we still share probably more things than some married couples share.

“So I think… it’s not a blessing that we broke up, but it’s a blessing that we’ve remained friends.”



STILL PART OF THE FAMILY. Pagkatapos magsalita ni Martin ay itinaas ni Pops ang kanyang kamay bilang senyales na gusto niyang magdagdag sa sinabi ng dating asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng Concert Queen, “You know what I realized? It’s really hard to explain kasi, di ba, parating tinatanong kung kailan and whatever.

“There was a time kasi na nagkaroon talaga kami ng sobrang heart-to-heart talk ni Martin.

“It’s an unexpected moment, pero talagang iyakan and everything.

“And I think that was the point nga na na-realize ko na, sa akin anyway, na we really just have to move on and do whatever it is that we can do and just move on for the sake of our kids.”

Nabanggit din ni Pops ang naging kasal ng pamangkin ni Martin na si Samantha Godinez at ng panganay na anak ni Gary Valenciano na si Paolo kagabi, February 7.

Dito raw niya napagtanto na bahagi pa rin pala siya ng pamilya ni Martin sa kabila ng matagal na silang hiwalay.

Kuwento ni Pops, “Actually, lahat kami, sobrang ne-senti [sentimental].

“Siyempre… ako naman, lahat ng weddings, iniiyakan ko. Maski na hindi ko kakilala, iniiyakan ko.

“Pero ito kasi, na-realize ko last night na maski na nga hindi na siguro kami together ni Martin, na-feel ko na, ‘Kasali pa rin… family pa rin pala ako.’

“Kasi, di ba, nakita ko si Sam, yung pamangkin niya… bago pa nabuo si Sam, na-experience ko at nandun ako nung nagta-try yung kapatid niya [Martin] na si Gina at si Jaime [na magkaanak].

“So, in a way… so para akong nanay na sobrang proud ako na maski na nga, feeling ko, hindi na ako ‘somehow’ part ng family, family pa rin ako.

“So, na-happy ako dun.

“And I think the reason why Martin and I can still remain friends is because naa-accept pa rin ako ng family niya.

“Ganun pa rin kami ka-close, even though we don’t see each other anymore.

“Tapos yung family ko rin naman, pag nandun si Martin…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I think that’s very, very important.

“It may not be anymore how people expect it to be or how they want it to be, but somehow there is still some sort of connection.

“And for me, I was sobrang-sobrang blessed to be part of their family.”



VALENTINE’S DAY. Tinanong din sina Martin at Pops kung binabati pa rin nila ang isa’t isa tuwing Valentine’s Day—kahit na nga hiwalay na sila.

Sagot ni Pops, “Usually, we work Valentine’s Day.

“Actually, we greet each other tuwing birthday.

“In fairness kay Martin, wala siyang ever nakalimutan na date—I don’t know if it’s just with me…

“He’s just a very thoughtful guy, especially when it comes to birthdays. Hindi siya nakakalimot ng birthday, ng pangalan, yung suot n’yo the first time he meets you…

"Basta special day namin… hindi na nga namin anniversary, bumabati pa rin siya ng… naaalala pa rin niya.

“Pero hindi na ‘Happy anniversary.’ Sinasabi na lang niya, ‘Happy 28th…’

“Maski na yung first time naming nag-boyfriend-girlfriend, binabati pa rin niya ako.”

Dagdag pa ni Pops, “Si Martin, sobrang senti ‘yan, e.”

Diretso ring tinanong ni Pops ang dating asawa: “I noticed, you’re so iyakin lately. Why? Why do you cry? Why?"

Biro naman ni Regine Velasquez, na kasama rin nila sa presidential table, “Baka may period!”

Hirit naman ni Martin, “PMS… Pops-Martin Syndrome! Isulat n’yo ‘yan, bago ‘yan!”

Dito ay nagtawanan lahat ng nasa loob ng venue.



EXCHANGE GIFT. Nagbibigayan pa rin ba sila ng regalo kapag may special occasions, gaya ng Valentine’s?

Lalong nagtawanan ang lahat dahil sa naging kuwento ni Martin tungkol kay Pops.

Aniya, “That’s why I don’t wanna go on a tour because when we go to a U.S. tour, even though we’re not together [anymore], she somehow gets my credit card.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know how she does it, she just, ‘Mart, namaaan! Dito na lang sa Louis Vuitton! Sige naaa!’

“So you can’t help but… You know, there’s so much love with ‘naaa!’ There’s too much love there so…

“So that’s why I don’t want to go on a tour with you, guys.”

Biro pa ni Martin, “I can’t afford her anymore! She’s a high-maintenance ex!

“But she is the easiest to give gift to as long as there is a name there

“She keeps asking me for a bag that is more expensive than my house!”

Tanong pa niya kay Pops, “What is it called?”

Sabi naman ni Pops, “Wala pa, di pa, hinihintay ko na nga, ilang taon na ‘yan! Hoy, ang dami mong raket, Martin Nievera, ‘no!”



A SECRET REVEALED. May isa namang nakakakilig na kuwento si Martin na kanina lang din nalaman ni Pops.

Tanong ni Martin kay Pops: “Do you ever wonder why, every Christmas mo sa States, you always get what you want? You noticed why?”

Dito na isiniwalat ang sikreto niya tuwing nagsa-shopping sila ni Pops noon.

Magkahiwalay raw silang nagsa-shopping pero pagkatapos ng ilang oras ay magkikita na lang sila sa isang lugar.

Lahad ni Martin, “When she goes to her stores, I’m following her.

“And I go to the first one, ‘What did she put on hold?’ And I buy it.”

Sasabihin daw niya sa salesclerk, “If she comes back, you tell her it’s out of stock.”

“And then I go to the next one, same thing…”

Kaya kapag nagkita raw sila sa oras ng usapan nila, ito raw ang reaksiyon ni Pops kapag nakita niya ang shopping bags na dala ni Martin: “How did you know? Oh, my God!”

MOST MEMORABLE VALENTINE. May isa pang ibinuko si Martin nang tanungin naman sila kung ano ang most memorable Valentine nila ni Pops.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I can’t remember one because there were so many, but most of them we’re working, so our cast party became the day.

“But there is one time that really jumps to mind…”

Sa puntong ito ay sinabihan ni Pops si Martin na huwag na niyang ituloy ang kuwento dahil hindi na raw kakausapin ng Concert Queen ang dating asawa kung nagpatuloy ito sa pagkukuwento.

Sabi naman ni Martin, hindi naman na raw siya talaga kinakausap ni Pops, kaya itinuloy pa rin niya ang kuwento—pero “clean version” na lang daw.

“So, we are forced to use our cast party as date… I do remember one time though, after the last song of the show, we locked the door.

“That’s it. No press, no people… no one could come in. It’s just the two of us.”

Dito na-realize ng lahat kung bakit ayaw ipasabi ni Pops ang istoryang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN