Camille Prats on rumored suitor Kenneth Stern: “Hindi naman siya nanliligaw, nag-express lang siya ng paghanga.”

Camille on her ideal man: “Ang pinakikilala ko lang sa anak ko siyempre dapat yung sigurado na ako, di ba? Pag sigurado na ako na gusto ko na talaga siya, kasi I don’t wanna introduce to my son just any guy who courts me.”


Galing sa teleseryeng Munting Heredera si Camille Prats, at tulad ng programang ito ay umarangkada rin sa ratings ang Sana Ay Ikaw Na Nga, na papalitan naman ng bagong teleserye ng GMA-7 na Bukod Kang Pinagpala, kung saan isa si Camille sa mga bidang artista.

May nararamdaman bang pressure si Camille dahil dito?

“Alam ninyo, sa lahat ng programang ginawa ko, it’s not really... I never really think about the ratings, e.

“Kasi siguro po, I’m just so blessed that with all the programs that I did, kung ginagawa mo siya nang buong puso at nilalagay mo yung puso mo sa programang iyon, it’s just not possible that it’s not gonna flourish.

“So, I’m just so blessed that I work with people who are very passionate about what they do, kasi ganun din po akong magtrabaho.

“Knowing na ito yung mga panggagalingan na programa, of course there will always be pressure.

“Pero working with Jennica [Garcia] who’s a wonderful actress... si Jackie [Rice] din napatunayan na yan, and these actresses are really...

“Kumbaga, lagi silang nasa panghapon na slot, ngayon pa lang ako babalik sa panghapon after the last time I did... this was 2008, yung Gaano Kadalas Ang Minsan.

“And then after that, puro po ako panggabi, e.

“So, I really hope na maging maganda rin yung pagtanggap sa akin ng hapon the way na napakaganda ng naging pagtanggap sa akin ng primetime,” sinabi ni Camille sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Miyerkules, February 6 sa GMA Network Center sa presscon ng Bukod Kang Pinagpala.



HOME IS WHERE THE ‘HEART’ IS. Nakakontrata si Camille sa Kapuso Network hanggang sa susunod na taon.

“Ako, really I am very happy with my home network,” pag-amin niya.

“ABS-CBN will always be a part of me kasi doon po ako lumaki, doon ako nanggaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Once in a while I would visit them and it just feels so good na tuwing bumibisita ako doon, yung lahat ng makasalubong ko kilala ko, they give me warm welcome, warm hugs and all those things

“So, ang sarap sa pakiramdam.

“Pero dito po sa GMA kasi, dito ko naman naramdaman na lagi akong merong puwesto para sa kanila.

“And then lalo na doon sa second chapter ng buhay ko na nung nagkaroon ako ng anak, sila rin ang nagbigay sa akin ng opportunity to still continue what I want to do which is acting.

“Hindi nila ako pinabayaan, the roles that they give me are really good, so ako po binabalik ko lang sa kanila yung lahat ng kabutihang ibinibigay nila sa akin...

“And that is by working really well, by trying to do really good in the shows that they give me, kasi sobra po yung tiwala nila sa akin.

“There were a couple of times na laging sinasabi sa akin na, ‘Balik ka na sa ABS, balik ka na sa ABS!’

“You know, ABS will always be a part of me but really I’m very happy with GMA and siguro the only time na aalis ako sa GMA, e... pag sila mismo, inayawan na nila ako.

“Really, I’m really very happy with them, sobrang dito ko lang naramdaman na yung mga tao na bosses mo, yung anytime that you want to talk to them, you can actually go to them.

“Aakyat lang ako sa kanila, babati ako puwede ko na silang makausap.

“Yung ang sarap, kasi nga ganun na, you have direct access to your bosses, that you can actually relay your concerns, so ang sarap magtrabaho sa ganung kumpanya.”

READY TO LOVE AGAIN? Bukas na ba ang puso niya para magmahal muli?

“Hindi ko naman ipagkakaila na hindi ko nami-miss yung magkaroon ng special someone,” amin ni Camille.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi nakakalungkot, ha? Can you believe, this is like the first time I’ve ever been single since I was fifteen?

“Nung fifteen ako, my first boyfriend was Francis [Ricafort], we were together for four years.

“And then nung nineteen ako, when we broke up, months lang naging kami na nung asawa ko, ni Anthony.

“We were together for seven years, and then he passed away.”

Sumakabilang-buhay ang mister niyang si Anthony Linsangan noong September 23, 2011 dahil sa nasopharyngeal cancer.

“So, this is actually the first time that I have time for myself. So alam mo yung nakakapanibago, na nakakalungkot palam,” patuloy niyang kuwento.

“Yung buti na lang meron akong anak, pero siguro with a lot of prayers, with God’s grace, I’m blessed with so much work that I actually don’t have time but it doesn’t mean na hindi ko nami-miss.

“So, ngayon pinagdadasal ko siya, pinagdadasal ko na kung meron man siyang ibibigay sa akin, kung meron man siyang napupusuan para sa akin.

“Ako, naniniwala naman ako na God always has His perfect timing so whenever He’s ready siguro, ibibigay Niya sa akin yun.”

NATHAN’S APPROVAL. Ayaw raw ng anak niyang si Nathan na magkaroon siya ng boyfriend.

“Oo, kailangang papasa sa kanya, kailangan close sila,” paliwanag niya.

Kilala na ba ni Nathan si Kenneth Stern, ang player ng Philippine Volcanoes na nali-link kay Camille?

“No, no!” mabilis niyang sagot.

Nanliligaw na ba si Kenneth?

“Hindi naman siya nanliligaw, nag-express siya ng paghanga,” paglinaw niya.

May balitang ibinigay pa nga raw ni Kenneth ang training ball niya kay Camille with matching dedication.

Lumabas na rin sila ng minsan.

Sa New York naka-base si Kenneth, pero malamang na umuwi siya dito sa Pilipinas this March para mag-training at malamang ding mamalagi na rito pag dating ng panahong iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kapag based na dito ang player, ipapakilala na ba niya sa anak niya?

“Ah hindi, siyempre bago makilala ng... ang pinakikilala ko lang sa anak ko siyempre dapat yung sigurado na ako, di ba?” klaro niya.

“Pag sigurado na ako na gusto ko na talaga siya, kasi I don’t wanna introduce to my son just any guy who courts me.

“I mean, I don’t want that... ayokong makita ng anak ko yun, lalo na ito yung edad niya na hindi pa naman niya naiintindihan, e.

HE SAID, SHE SAID... “You know we had one conversation kasi, ayaw niyang makinig sa akin, sabi ko sa kanya, ‘Hay naku, if you don’t want to listen to me, I will have another baby na lang!’

“Tapos sabi niya sa akin, ‘O sige, if you don’t want, I will tell mama.’

“Si mama, mommy ko,” eksplika ni Camille.

“Sabi ko sa kanya, ‘O sige... e, di si mama na lang ang mommy mo, huwag na ako yung mommy mo, si mama na lang. I’ll have another baby na lang.’

“Tapos sabi niya, ‘Mommy, you can’t have another baby and you can’t get married anymore, kasi you got married na, e.’

“Kasi oo nga naman, nagka-wedding ka na e, so akala niya ang wedding pang-isang beses lang yun. Which is true, di ba?

“Sabi ko, ‘No of course not! I can have a wedding again.’

“Sabi niya sa akin, ‘Okay, but you don’t have a boyfriend.’

“Tapos sabi ko sa kanya, ‘Di ba ikaw yung topic dito kasi ayaw mong makinig sa akin? Bakit sa akin mo binabato?’

“Ang ending nito parang na-confuse akong bigla, ako yung na-corner niya. But you know it’s just so funny that we have conversations like that.

“So nakakatuwa, naiintindihan na niya yung mga konsepto ng… sinasabi ko sa kanya na, ‘Babe, can I have a boyfriend already?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No!’ madiing sagot ng kanyang anak.

“Ganun siya,” ang natatawang kuwento pa ni Camille tungkol sa anak niyang si Nathan na five years old na ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN